The Consequence

11.5K 301 9
                                    

               CHAPTER SEVEN

GRADUATION DAY.  Hindi malaman ni Daphne kung dahil sa dami ng tao sa PICC, or sa lamig ng centralized aircon, or sa nerbiyos sa pagpanhik sa stage para tanggapin ang diploma, or dahil kumakalam ang tiyan niya, kaya hindi maganda ang pakiramdam niya mula kanina.  She felt sick.  Hustong nakababa siya sa stage nang makaramdam siya ng paghalukay ng sikmura.  Nag-aalalang sinamahan siya ng Mama niya sa restroom.

    “Ano’ng nangyayari sa ’yo?”
    “Graduation jitters!  Finally, tapos na ang pagsusunog ng kilay,” nakangiting sagot niya dito. 
Then she felt really sick.  Panay ang duwal niya sa banyo, pero mapait na liquid lamang ang lumalabas.

    “Panay ka kasi nagpapagutom, acid iyan,” hinagod nito ang likod niya. “Bibili muna ako ng gamot sa labas.”

    Nanlamig ang mga palad niya at nanlambot ang mga tuhod.  God, no please!

Sa kabila ng mabigat na pakiramdam ay pinilit niyang harapin ang mga bisita na dumating sa munting salo-salo na inihanda ng Mama niya. Maya-maya pa ay dumating ang Papa niya.  She was really surprised, dahil hindi naman niya ito sinabihan, pasintabi na lang sa mararamdaman ng Mama niya.  She was thankful na out of decency ay hindi nito naisipang isama ang bagong babae sa buhay nito.  This was her father, anuman ang ginawa nito, hindi no’n mababago ang katotohanang ama pa rin niya ito.

    “I’m glad you came,” salubong niya dito.  It was obvious that he felt awkward.  “Paano mong nalaman?”

    Nagkibit ito ng balikat.  “From a family friend.”

     “Where is she?”  diretsong tanong niya dito.  She didn’t want to open that topic, pero parang lalong gustong bumaliktad ng sikmura niya kung hindi niya ilalabas ang nasa loob niya.

     “Anak, I’m so sorry.  Can you forgive me?”

    “You were forgiven a long time ago.”

    "Salamat, Anak.  Your Mom... do you think...”

“I cannot speak for her.”  Nilingon niya ang ina na nakatingin sa kanila. 

********************************
THAT night ay nanaginip ulit si Daphne.  Kailan ba niya huling napanaginipan ito?  Hindi na niya matandaan.  Suddenly she felt sick again.  Napahawak siya sa tiyan niya.  And then a man with no face flashed on her mind. 

    "Isang pagkakamali mo lang ay daranasin mo din ang pighati na pagdadaanan ng iyong ina.”

    "Huwag kang magpapadala sa emosyon, iyan ang magdudulot sa ’yo ng kapahamakan.”

    Pagpasok ng Mama niya sa trabaho kinabukasan ay mabilis siyang nagbihis at nagpunta sa botika.  Nanginginig ang mga kamay niya nang pumasok sa banyo.  Minutes later ay hindi sinasadyang natabig niya ang malaking bote ng shampoo.  Bumagsak iyon sa sahig.  Napakapit siya sa gilid ng lababo at pinagmasdan ang namumutlang mukha sa salamin. 

    “What have you done?” mapait na tanong niya sa sariling repleksyon. 

    Mas masahol pa ang kapalarang naghihintay sa kanya.  She will deliver a fatherless child.  Pumatak ang mga luha niya.  For the hundredth time, after that painfully wonderful night.

    Malakas na katok ng lola niya ang nagpabalik sa kanya sa huwisyo.  “Daphne, anong ingay iyon?”

  Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at inayos ang sarili.  “Wala po, Lola, nabitawan ko lang ang shampoo.”

    Kinagabihan ay pinasok siya ng ina sa silid niya.  “May sakit ka ba, Anak?  Ilang araw ka ng matamlay.”

   “Okay lang po ako, Ma, pagod lang.  Kumusta ang pag-uusap ninyo ng Papa?”

I Couldn't Ask For MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon