LIV: Ang Pag-aaway ni Red at Rain

108 2 0
                                    

Rain POV
Friday at patapos na ang klase, napag-isipan ko na rin na makikipagkita ako ngayon kung sinoman yun.

Pagtapos ng klase umalis na ako at pumunta na sa garden para makipagkita, hindi ko na sila sinabihan alam ko naman na pipigilan nila ako.

Pagdating ko sa garden may lalaking nakatayo at naghihitay, kaya nilapitan ko.

"Red?" takang pagtawag ko pagkalapit ko sa kanya

"Surprise!" sabi naman nya

"Sabi mo hindi ikaw yun" naguguluhan ako pero meron sa parte sakin na natuwa ng sya ang makita ko

"Pag sinabi ko edi hindi na surprise yun. Ano tara na?" pagyaya nya sakin

"Ha? Saan?" tanong ko naman

"Basta secret ko na yun" nakangiting sagot naman nya

"Pinapunta mo pa ako dito, hindi naman pala dito" napailing na lang ako sa kalokohan nya

"Para exciting diba" sabay ngiti nya, ang dami nyang pakulo

"Ewan ko sayo dam---" sino na naman itong mokong na ito at hindi ako pinatapos sa pagsasalita

"Rain!" tawag sakin kaya napalingon ako

"A-arvin?" anong ginagawa nya dito

"Sabi ko na nga ba pupunta ka" masayang saad nya

"Ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya

"Makikipagkita sayo natanggap mo naman yung binigay ko sayo diba" paano nya nalaman ang tungkol dun

"Anong binigay? Kay Red galing yun" naguguluhang tanong ko, ibig sabihin ba na sa kanya nga galing ang mga yun

"Kailangan na namin umalis" sabat ni red

"Sinungaling ka!" sinuntok ni arvin si red na kinagulat ko

Pero hindi gumanti si red.

"ARVIN ANO BA ITIGIL MO NGA YAN! UMALIS KA NA!" sigaw ko sa kanya

"Maniwala ka sakin ako talaga nagbibigay sayo nun" pagmamakaawa nya at lumapit sya sakin

"Wag kang maniwala sa kanya Rain" pagsingit ni red, lalo na akong naguluhan

"Ako yung nagbibigay sayo ng mga paborito mong pagkain yung pringles, yung stick-o, milky way at mars na chocolate at yung mga letters" paliwanag naman ni arvin sakin

"Hindi totoo yan!!" galit na saad ko, hindi ako naniniwala sa kanya dahil ilang beses nya na akong niloko

"Totoo yun Rain. Sabi ko sayo nung isang araw hindi ako titigil hanggat hindi kita nakakausap kaya araw araw ako nagbibigay sayo ng mga ganun. Nakita pa nga ako ni Red nung isang beses" pagkukwento ni arvin sakin

"Red totoo ba yun?" mahinahon na tanong ko at humarap ako sa kanya

"Hin--" hindi natuloy yung sasabihin ni red

"SINUNGALING!" sigaw ni arvin sabay suntok sa kanya

"ARVIN ANO BA! ITIGIL MO YAN!" sigaw na saway ko sa kanya

Tumigil naman si arvin.

"Red sagutin mo ako totoo ba?!!" galit na tanong ko sa kanya

"Oo totoo yun nakita ko sya at inamin nya sakin na sya nag-iiwan ng mga yun!!!" galit na sagot nya habang nakaupo sa damuhan

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon