42. Hug me instead

225 10 0
                                    


                    *** Hazel's POV***

                  Hawak hawak ko na ang unang sweldo ko sa buong buhay ko. Kung hindi ako nabuko ni Kaye, baka ngayon ko pa sasabihin. Isa lang ang gusto ko para sa araw na ito. Ang hawakan lang ang kamay niya at kalimutan ang lahat.

                 Pinuntahan ko siya sa condo niya. Nakailang katok na ako pero wala pa rin. Natutulog ba yun o nagkukunwaring tulog?

"Kaye!" Nilakasan ko ang boses ko sa pagtawag sa kanya.

                  Narinig kong parang may tumakbo papunta sa pintuan at binuksan niya ito agad. Seryoso ang mukha niya. Baka nga nagalit kasi iniwan ko siya kanina. Pumasok ako sa condo niya at hindi nagsalita. Naisip ko, sino ba ang dapat magalit o sino ba ang unang dapat magsorry? Nabigla ako nang niyakap niya ako agad nang mahigpit.

"Morning" bati ko.

                 Mas nilapit niya ang kanyang mukha para titigan ako.

"Panaginip ka ba?" Tanong niya.

                Hindi ko siya sinagot. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at pinikit niya ang mga kanyang mga mata. Ngumiti ako, mas lumapit sa kanya at kinurot ang mga pisnge niya.

"Aray! Sorry na. Sorry. Hindi na nga ako galit."

               Niyakap niya ako uli mula sa likuran, nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Wala kang trabaho?" Tanong niya

                 Umiling ako. Pinaharap niya ako sa kanya at hinalikan ako sa noo nang matagal.

"Sana sinabi mo sa akin. Sorry talaga" sabi niya.

               Nakasandal ang kanyang noo sa noo ko. Halos magkadikit na ang aming mukha sa sobrang lapit niya. Nararamdaman ko ng bawat paghinga niya, ang pagtibok ng puso niya, ang paglapit niya hanggang sa huminto siya sa gilid ng mga labi ko na parang hinihintay kung pumapayag ako. Hinawakan ko siya sa kanyang batok at hinalikan.

                Mahal ko siya. Yan lang ang alam ko sa araw na ito kahit na bukas, baka masaktan na naman uli ako.

"Salary day ko ngayong araw. Saan mo gustong pumunta, ililibre kita" masayang sinabi ko.

                   Umiling lang siya at mas niyakap ako nang mahigpit.

"Libre mo na lang ako ng yakap mo. Namiss ko lang to"

                  Hindi ko alam kung gaano niya ako katagal niyakap. Hanggang sa narinig ko siyang humikab.

"Hindi ka pa nakatulog?" Tanong ko.

"Ikaw din. Matulog ka na lang muna dito. Please. Lalabas tayo mamaya." Sabi niya.

              At tinaas niya ang kanang kamay niya para mangako. Dahil lutang na rin ang katawan ko, nahiga muna kaming dalawa. Nakahiga siya nang nakatihaya, at nakasandal ako sa kanyang dibdib at nakahawak sa baywang niya, habang sinusuklay niya ang buhok ko ng kanyang mga daliri hanggang sa nakatulog na ako agad.

                   Hindi ko alam kung ilang oras na ng lumipas pero nagising akong may kumakatok uli sa pintuan. Nakaopen pa ang kwarto niya kaya naririnig ko ang katok.

"Kaye? " bulong ko.

"Huwag mo nang pansinin. Aalis din yan" sagot niya.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon