Richard's POV
Goddammit! Mukhang vinideohan yata kami sa Resto! Ano ba naman kasing ginawa ni Tina! Nakakaasar!
"Oh ano? Ngayon mo lang narealize? It's because you're too busy watching or should I say memorizing, her face haha!" Sabi ni Tom sa akin nang makalabas na si Tina mula sa Resto.
"What? No. Why would I do that? She's just a girl," i replied. This is bullshit! Baka kumalat na may relasyon kami! Kahit ang totoo ay wala!
"Okay okay. 'Wag mo namang pagsalitaan nang ganiyan si Tina, remember, she's a girl," pagpapaliwanag sa akin ni Tom. Tumayo na ako para mabadyang umalis.
"Yeah she's a girl. Babaeng kilos lalaki," I said. Talaga naman e! Babaeng asal lalaki -.- "Let's go," sabi ko nang tuluyan na akong makatayo. Tumayo naman agad si Tom at lumabas kami ng Resto.
Dumiretso na kami sa sasakyan at nagpaalam sa isa't isa. Magkaiba kami ng street.
Nang makarating ako sa bahay, sumalubong ang maids at tinanong kung kumain na ako. I said yes. Hindi na nila ako ginulo at hinayaan ako'ng dumiretso sa loob ng kwarto mo sa 2nd Floor ng bahay.
Masasabi kong parang condo lang ito dahil may pool sa rooftop at pwedeng pag-dausan ng mga occasions.
Sa tansya ko ay mahigit walong kwarto ang nandito sa loob ng bahay. Isang library or should I say Study Room, Room ni Lolo, Room Ko, Dalawang room ng maids. At tatlong guestroom. Bawat kwarto ay may sariling C.R para hindi na sila mahihirapang bumaba dahil lahat ng kwarto ay matatagpuan sa 2nd Floor.
Bale, dalawa din pala ang pool dito sa bahay. Isa sa rooftop at isa sa may garden. Malawak ang garden namin, parang kalahati ng Basketball Court ang laki nito kaya naman, pwedeng hindi na kami magouting at magstay na lang dito sa bahay. Ang pool naman sa rooftop ay hot spring. Yung sa garden, malamig. Yung rooftop, mainit. Kadalasan kasi ginagamit yung pool sa rooftop tuwing birthday ko. Any special occasion ay ginaganap sa rooftop. While yung pool naman sa garden are for minor occasion lamang.
Malaki din ang sala namin, halos kasing laki ulit ito ng half-court ng Basketball Court. Tapos pagtaas mo sa 2nd Floor, hindi ka maliligaw kasi isang way lang yung dadaanan mo. Masasabi kong maganda din yung yari dito sa bahay. Kulay cream siya tapos yung mga edges, color brown. Maganda yung combination ng light at dark color.
Sa loob naman, may chandelier sa pinaka-gitna ng salas. Tapos sa tapat ng chandelier, bale sa pinakagitna din ng sala, may antique na table. Masasabi kong may kalumaan na ito ngunit halatang yari ito sa matibay na kahoy. Ang antique table ay napapaligiran ng sofa. Dalawang mahabang sofa na magkapat, at dalawang single sofa sa gilid.
Tama na pagdedescribe sa bahay namin. Tulog muna ako dahil napagod ako sa pakikipagbangayan sa babae'ng kakakilala ko palang. Si Tina. At nga pala, bukas na ang enroll-an sa school namen, maagahan para makapangbabae. Susunduin ko pa si Lolo sa Apartment -.-
Cristina's POV
Tumama sa akin ang sikat nang araw dahil hinawi ng hangin ang kurtina dito sa kwarto'ng tinutuluyan ko.
Ngayon ang araw ng enroll-an sa Holy Trinity Academy. Sana naman ay maging maayos ang welcome sa akin ng school na papasukan ko ngayon schoolyear. I expect na madami naman akong magiging kaibigan.
Agad na akong bumangon at nagdasal saglit bago lumabas ng bahay para bumili ng tinapay at kape. Sakto namang may nagagagalang nagtitinda ng tinapay kaya hindi na ako nahirapan sa pagbili. Buti na rin at may katapat na tindahan ito'ng apartment ni Lolo Felix kaya naman nakabalik agad ako para maghanda papuntang Holy Trinity Academy.
YOU ARE READING
The Player's Destiny
Teen FictionAnong gagawin niya para mabago ang takbo ng tadhana? Will take the risk? Or she will surrender her own happiness?