Naiinis ako sa sarili ko.
Puro mali na lang ang nagagawa ko.
I mean, pagluluto na nga lang ng burger hindi ko pa magawa ng tama?
Lagi na lang nagagalit sila nanay sa akin...
Kaya siguro puro mali ang nagagawa ko dahil isang malaking kamalian din ang pagkasilang sa akin. Kaya nga din siguro ako pinaampon ng mga tunay kong magulang. Dahil isa akong malaking pagkakamali.
Sana hindi na lang ako pinanganak sa putanginang mundo na ito.
Ginagawa ko naman ang lahat ng kaya ko ngunit hanggang second best lang ako palagi.
Second best.
Oo, noong bata ako ay masipag akong mag-aral dahil pinupuri nila ako. Ngunit ng dumating na ako sa high school ay hindi ko na kinayang manatili sa top one. Top two na lang. Kaya sila nagagalit sa akin. Hindi kase ako sapat.
At kahit na anong gawin ko ay hanggang dito na lang ako.
Sabi nga nila "Second place is the first loser" or something. Or something ewan chuvalu.
"Parang nakita kita noon dun sa amin. San nga ba ulit yon?" Sabi ni Jeric habang nakaupo siya sa tabi ko at nakanganga sa bintana ng classroom naming.
Nararamdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin dahil malapit na nga kase ang pasko.
Wala pang liwanag ng mga oras na iyon at kami pa lamang ang mga estudyante sa kwarto. Pero may mga paunti-unti ng mga estudyante ang nakikita naming na naglalakad patungo sa kani-kanilang mga silid aralan. Minsan, iniisip ko na sana ako si Goku at mag gegenkidama ako sa buong school. At ngayon ay naiisip ko ito.
"Hindi mo alam kung taga saan ka? What the fuck?"
"Alam ko, malamang." Ngumisi siya. "Yung street kase. Makakalimutin ako sa mga lugar at pangalan."
"Dun sa XY Carrot Street. Malapit sa may 9/11 na convenience store." Sabi ko.
"Ay, doon pala. Hahahahaha."
"PUTANG."
Isa yon sa mga malalaking pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko.
Noong akala ko na makakapagpahinga ako sa mga tao ngayong bakasyon ay nagkamali ako.
"Hindi ko inaasahan na puro cute na bagay ang mga makikita ko sa kwarto mo." Sabi niya sabay inakap nya ang Yazawa Nico na Nesoberi ko.
"Hoy bitawan mo yan putang!! Mas mahal pa sayo yan."
Ngumiti siya at lumapit sa akin. "Bakit? Gusto mo ba ikaw na lang akapin ko?"
"Ewww. Kulang ang anim na raan anim na pu't anim na paligo para matanggal ang kadiri mong amoy sa katawan ko. At saka, ano bang ginagawa mo dito? Sayang lang oras mo sakin." Sabi ko.
"Eh nagsasayamg lang naman ako ng oras." Sabi niya. At ngumiti.
Hindi ko siya pinansin at ako ay tahimik na nagbasa ng manga sa aking cellphone. Tangina talaga ni Punpun. PUTANG INA MO PUNPUN. PUNYEMAS KA!!!!
"Tapos mo na mga assignment natin?" Tanong niya.
"Kagabi pa." Sabi ko.
"Same. Hahahahaha."
"Nice."
At ayun, bumalik ang multo ng katahimikan.
Ang sarap talaga sa pakiramdam ng naka-aircon kahit malamig tapos magtatalukbong ka ng kumot.
"Mag date tayo."
"Ha?" Sabi ko dahil hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya."
"Sabi ko, mag date tayo."
Hinatak niya ang kamay ko at saka kami lumabas ng bukas kong kwarto.
Ang weird.
Ang init sa pakiramdam ng kamay niya. Eto pala yung sinasabi nila sa mga manga at anime na napapanood at nababasa ko lang. Ang sarap sa pakiramdam.
Parang ayaw ko ng bumitaw.
Kung saan saan niya ako dinala sa loob ng mall. Naglaro sa arcade, kumain at naglakad lakad. Pero bakit niya pa kailangang hawakan ang kamay ko? Hindi naman ako bata para maligaw.
At lumipas ang mga araw ng Disyembre na iyon lamang ang tanging nasa isip ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang bawat ngiti niya. Ang bawat pagpikit ng kanyang mga mapupungay na mga mata. Ang init na nagmumula sa kanyang mga kamay habang kami ay naglalakad ng walang pakialam sa lugar na punong-puno ng mga tao na hindi naming kilala. Walang pakialam sa mga sasabihin nila.
Ang sarap ng pakiramdam sa dibdib pag siya ang nasa isip ko.
Ngunit hindi nagtagal ang mga masasayang araw na iyon.
....
..
.
Sinampal ako ng nanay ko pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay. At isa na naming sampal pero ngayon ay cellphone na niya ang ginamit niya na pang sampal.
"Putangina mong bata ka! Saan ba kami nagkamali sa pagpapalaki sayo ha?! Eto ba ang tinuro naming sayo?" Ipinakita niya sa akin ang picture ko mula sa patreon account ko. "Binebenta mo ang mga hubad mong larawan sa internet? Kaya ka may pera? Putangina mong pokpok kang bata ka?! Kalat na kalat na sa buong lugar ang tungkol dito."
Puro na lang kamalian....
Wala na akong magawang tama.
Dahil nga ako ay produkto ng isang malaking pagkakamali.
Bakit nga ba ineexpect na may magagawa akong tama?
Ang gusto ko lamang ay maramdaman ko na espesyal ako...
Tulad ng....
..ginagawa ni Jeric.
BINABASA MO ANG
Gusto Nang Mamatay Ni Shiela Mae
Teen FictionKwento ng isang babae na di na makita ang pag-asa at dahilan para magpatuloy mabuhay.