Chapter 14

30 1 0
                                    

Pagbaba ko palang ng tricycle ay natanaw na ako ng bagong security sa gate. Malamang ay hindi niya ko kilala kaya kailangan ko pang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya.

"Ah... Kuya, andyan po ba si Don Condrado Hierra?"

"May appointment ka ba sa kanya, miss?"

Napangiti ako.

Just what I thought, hindi niya nga ako kilala or maybe dahil sa pananamit ko kaya parang hindi niya maimagine na ako yung anak ng may-ari.

"Miss?"

"Ah... Oo kuya. Pakisabi si Paopao"

^-^

Nagtataka naman si manong guard sa sinabi kong pangalan at napakunot ang noo. Pero wala naman na rin siyang sinabi at kinuha na ang pang radio niya sa loob.

Sandali lang itong nakipag usap sa secretary sa loob at hinarap na rin ako.

"Ah... Ma'am, sige po pumasok na kayo."

magalang pa rin niyang sabi at binuksan ang gate.

Nilakad ko ang mahabang daan papunta sa mismong pintuan ng bahay.

Kakatok na sana ako ng biglang may nagbukas ng pinto.

"Hija ! ... I missed you."

Pambungad sa akin ng mayordoma ng bahay. Niyakap niya ako ng mahigpit... natutuwa din akong makita siya dahil halos sabay sila ng Dad ko na nagpalaki sa akin.

"Kamusta na kayo Nay?"

"Nako, heto... maayos naman. Mabuti naman at nadalaw ka."

"Eh, pasensya na po nay... medyo naging busy rin ho kasi ako sa buhay."

"Nako, eh... nakakakain ka ba ng mabuti roon hah?"

"Syempre po hindi ko kinakalimutan kumain sa oras... di ba po yun ang turo niyo sa akin?"

^-^

I faked a smile.

Madalas naman talaga akong mag-skip ng meals. Nagsinungaling lang ako para hindi na siya mag-worry.

"Ganoon ba? Ocia... halika na sa loob at ipaghahanda kita ng hapunan."

"Sige po. Ahh... nay, si Dad ho?"

Nilingon niya ko.

"Ai... andoon sa taas, sa opisina niya. Pasensya ka na at nakalimutan ko, na-excite kasi ako ng makita kita. Pero andoon siya, puntahan mo na rin haneh? Pakisabi na ipahahanda ko ng yung hapunan."

Tumango ako at umalis na rin siya kaagad papunta sa kusina. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Halos wala namang pagbabago. Ganoon pa din ang lahat, may mga nadagdag... pero konti lang ang naiba.

Tiningala ko yung gawing taas kung saan yung opisina ni Dad. Hindi pa kaya sa kanya sinasabi na narito na ko?

Or maybe nagtatampururut siguro? Hmmm...

Kahit na bawal siyang puntahan sa opisina niya ay ginawa ko pa rin. Kahit na nung bata ako binawalan na ko pumasok roon pero makulit pa rin akong pumupunta.

Nung nagdalaga nalang ako saka ko na tinantanan ang pagpunta roon. Binigyan rin kasi ako ng sarili kong private library para sa pag aaral ko.

Pagdating ko sa labas ng opisina niya ay kumatok ako ng marahan.

Ni-rotate ko yung doorknob para buksan. Luckily, hindi ito nakalock.

"Dad?"

Tawag ko sa kanya.

My Protector: My Heartbreaker <ON- Hold>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon