Eternity : Chapter 25

31 2 0
                                    


Eternity

C H A P T E R T W E N T Y - F I V E


Por's POV

Pag katapos ng araw na inamin saakin n i Ezekiel ang lahat. Gabi gabi na ako na nanaginip tungkol sa mga past memories ko at tingin ko parte din si Xander ng past ko dahil kamukha niya yung isang lalaki sa panaginip ko.

Kaya hindi ako mapakali lalo na andito siya sa harapan ko. Hindi ko alam kung nababasa niya ba iniisip ko? Dahil sabi ni Ezekiel nakakabasa ng isip ang mga bampira kung tama nga ang hinala ko na isang bampira si Xander o reincarnation lang siya ng Prinsepe Sandro na napapaniginipan ko.

Pero kung siya nga yun bakit walang na kwento saakin si Ezekiel tungkol sakanya at unang beses nag kita sila sa amusement park mukhang hindi sila mag kakilala. Sabi din sa panaginip ko mag bestfriend sila. Hindi din na ikwento saakin ni Ezekiel paano siya naging bampira. Baka sakali kung si Xander ay bampira siguradong masasagot niya tanong ko.

"Xander? May tatanong ako sayo" sabi ko.

"Sige ano yun?" At ngiti niya.

Humiga muna ako ng malalim bago ulit mag salita.

"Bampira ka ba?" nakita ko naman na nabigla siya sa tanong ko pero nagulat ako sa bigla niyang pag tawa.

"Fictional Characters lang yan Por, Ako bampira? Parang imposible naman yan" At tawa niya ng malakas na parang nag sabi ako ng joke.

"Buti naman, akala ko kasi bampira ka may na papanaginipan kasi akong kamukha mo" dahil sa sinabing kong yun tumigil siya sa pag tawa niya at tinignan ako ng seryoso.

"Sabi kasi sa panaginip ko, ako ang babaeng dapat papakasalan ni Prinsepe Sandro noong 1572 , 18 na taon ako noon at siya 25 na taon. Weird man, pero hindi ako nag gagawa ng kwento ayun kasi na panaginipan ko" paliwanag ko sakanya.

"Hinalikan ka ni Ezekiel?" at tungo ko "Halik ng nakaraan" rinig kong bulong niya habang hinahaplos niya baba niya.

"Ibig sabihin ikaw si Prinsepe Sandro? bampira ka din? at mag bestfriend talaga kayo?" sunod sunod kong tanong sakanya.

"Yes, you're right. Everything is right, now you know everything gagawin mo?" tanong niya saakin.

"Sorry, Xander. I dont mean to broke your heart twice." at napaluha ako.

"I know, mas mahal mo lang talaga siya"

"Hindi man lang na banggit saakin ni Ezekiel na mag kakilala kayo" sabi ko

"Hindi niya talaga babanggitin yun dahil sooner or later malalaman mo din naman yun"

"Paano kayo naging bampira? Hindi saakin na sabi ni Ezekiel at bakit ako tao? Diba dapat kapareho niyo ko?" tanong ko.

"Gusto mo ba maging katulad namin? Pwede ko naman gawin sayo" sabi niya at nagulat ako sa mabilis niyang pag sulpot sa tabi ko.

"Hi-hindi! Nagtataka lang ako" na uutal na sabi ko.

"It's a virus, simple as that. Kaya naging vampire kami. Hindi ka na tulad saamin kasi hindi ka nag-karoon ng virus" explain niya.

"Pero, Amethyst kahit anong mangyare wag sana mag babago paningin mo saakin. Kahit anong mangyare, mahal na mahal kita at hindi na ako mag tatagal" ngiti niya saakin at mabilis siyang nag laho.

Ano bang ibig sabihin niya?

"Magandang umaga Prinsesa" at ngiti ko sa mga nakakasalubong kong mga taga pagsilbi sa palasyo.

          

"Prinsesa, handa na ang iyong gagamitin sa pag pinta" sambit saakin ng isang taga pag silbi.

"Maraming salamat" at lakad ko papunta sa pwesto kung saan ako lagi namamalagi kapag ayokong gumuguhit o nag pipinta.

Ako'y umupo at nag umpisa ng gumuhit, mga tatlong oras na rin nakakalipas at malapit na akong matapos sa aking pinipinta.

"Ako ba iyang ginuguhit mo prinsesa?" at biglang lumitaw si Prinsepe Sandro saaking tabi.

"Kamahalan" at bigay ko ng pag galang.

"Nakakamangha ako'y naguhit mo ko ng walang kopyahan tanging isip mo lamang" maligayang niyang sambit.

"Maraming salamat kamahalan, mag sisilbi sana itong regalo para sa iyo Prinsepe para sa iyong na lalapit na kaarawan"

"Maari pa rin aking prinsesa, mag papanggap na lamang ako na hindi ko ito na kita"

"Prinsepe ano nga pala ang iyong sadya?" Muli kong na itanong.

"Ako'y na lulumbay sa palasyo nais ko lamang mag-liwaliw kasama ka prinsesa. Maari ba?"

"Nagagalak akong matanggap ang iyong paanyaya prinsepe. Magpapalit lamang ako ng aking kasuotan" mag lalakad na sana ako ng ako'y kanyang hilain pabalik.

"Kabihabighani ka pa rin saakin paningin prinsesa kahit hindi ka mag palit ng iyong kasuotan."

"Kawalan ng respeto ito Prinsepe kapag hindi ako nag palit ng aking kasuotan at madumi pa ito may bahid ng pinta. Wag ka mag alala hindi ako mag tatagal" ngiti ko at biglang halik niya sa kamay ko.

~~

Kaarawan ng Prinsepe Sandro.

Napakaraming panauhin ng Prinsepe ngayon sa palasyo at dahil rito na hihirapan akong makita kung saan naroon ang Prinsepe dala ko ang aking munting regalo para sakanya.

Sa kakahanap ko sa kamahalan, may na bangga ako mula sa aking likuran kaya'y agad naman ako lumingon rito at humingi ng paumanhin.

"Prinsesa Amethyst" sambit niya ng aking ngalan.

"Prinsepe Esekel?" bigay ko ng pag galang sakanya at ganoon rin siya

"Ang liit ng mundo dito lamang tayo muli magkikita" galak na galak na sambit niya.

"Prinsesa Amethyst" tinuran saakin ng isang pamilyar na boses at pag lingon ko ito ay si Prinsepe Sandro. "Kaibigan!" at bahagya nilang pag-yakap.

"Maligayang Kaarawan, aking kaibigan" akbay sakanya si Prinsepe Sandro at nakikita ko ngayon nag uumapaw ang kanyang kasiyahan.

"Hindi ko alam na mag kakilala kayo ng Prinsepe?" tanong ko sakanya.

"Simula mga bata pa lamang kami si Prinsepe Esekel ay matalik ko ng kaibigan at nga pala aking kaibigan siya ang aking Prinsesang aking magiging kabiyak"

"Ako'y na gagalak sa iyong na lalapit na pag papakasal aking kaibigan." Ngiti niya

Alam kong mahal ko ang Prinsepe Sandro ngunit hindi ko rin maitatangging meron rin akong pag tingin kay Prinsepe Esekel simula pa noong na ikwwkwento siya saakin ng aking taga pag silbi. Pero mali rin namang mamangka ako sa dalawang ilog.

Kailangan kong pigilan ang nararamdaman kong ito.

~~

Ang sakit sa ulo makaalala ng mga past memopries ko, Kinabukasan, bumalik na din ako sa trabaho na pansin ko may kausap si Blake sa isang table at mukhang seryoso ito.

Hindi niya ako na pansin na pumasok ng shop pero nung padaan na ako sakanila o sakanya ito sabi niya :

"Hindi ko na pansin dumating ka na pala? Nareceive ko messages mo passed few days, atleast your fine maganda ang medications mo" ngumiti lang ako at na patingin sa kausap niyang babae. Nakangiti ito saakin kaya ako din ganon.

Pamilyar mukha niya saakin " Ay! Por, this is Ms Esteban, bussiness partner natin dito sa shop" nag shake hands kami.

"Dont call me Ms. Esteban masyadong formal just call me Athena. Nice to meet you Por"

"Have we met before?" tanong ko dahil sobrang pamilyar ng mukha niya.

"Hmm, probably ? Dahil magkahawig kami ng kuya ko si Xander Zamora ng Z Empire. Do you remember him?" at tinanggal ko na kamay ko sakanya dahil sobrang higpit na ng hawak niya dito.

Nakita ko naman ang bigla niyang pag ngisi at nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Hindi maganda pakiramdaman ko sa isang to.


Jhe's Note: "Merry Christmas Everyone! ^_^ <3"

EternityOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz