Chapter 12: Need You Now

27 4 0
                                    

"Anak! Anak! Gising! Hoy! Bakit dito ka natutulog? Anong nangyari sayo? Akala ko ba kasama mo si Cyrus ngayon?" nagising ako sa pang-aalog ni Mama.

Nandito na ko sa sofa. Teka? Ano nga palang nangyari kagabi? Papaano ako napunta rito? Tumayo ako sa sofa at hindi pinansin si Mama saka pumasok sa kwarto ko at matamlay na isinara ang pinto.

Napaupo nalang ako sa likod ng pinto saka bumuhos ulit ang mga luha ko sa pagbalik ng alaala ko.
Bakit ba nangyayari sa akin ito?

Hindi ko alam kung anong dapat kong alalahanin, kung yong nasira naming relasyon ni Cyrus o kung dapat ko bang alamin kung sino ang kumidnap sakin kagabi at kung ano ba talagang pakay niya sakin?
Anong ginawa niya sakin?
Totoo ba lahat ng sinabi niya sakin o pinaglalaruan niya lang ako?

Napasigaw ako ng magising ako ng nakablind fold at ng nakatali ang aking mga kamay at paa ng nakaupo sa pakiramdam ko ay kama.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin? Nasaan ako?" nag-aalala kong tanong.

"Iiwan niyo muna kami." Narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Hindi ko maalala kung saan ko unang narinig ang boses ng lalaking ito pero pakiramdam ko ay kilala ko na to dati.

Maya-maya ay narinig ko ang mga yapak ng mga tao na naglalakad papalayo at hanggang sa narinig kong naisara na ang pinto.

"Sino ka?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

"SINO KA?!" sigaw ko nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit, at kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makawala sa pagkakayakap niya.

Hindi kaya gagahasain ako ng taong to?

"Bitawan mo ko! Kung anuman ang pinaplano mo, please... maawa ka sakin!" sabi ko ng umiiyak.

Hindi niya pa rin ako binitawan sa pagkakayakap at narinig ko nalang siyang nagsalita.

"Please kahit isang oras lang, pagbigyan mo munang maging kidnap victim kita. Wag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. At pwede wag ka nalang maingay baka magbago pa ang isip ko at madagdagan ang oras mo dito." sabi niya saka ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanahimik nalang ako para sa ikabubuti ko kahit takot na takot ako.

"Gusto kong ingatan mo ang sarili mo habang wala ako sa tabi mo. Maraming tao ang gustong kumuha sayo. Maraming tao ang gustong gamitin ka laban sa mga taong mahal mo. Hinahanap ka nila. Pakiramdaman mo lagi kung may sumusunod sayo. Wag mong hahayaang maiwan kang mag-isa. Wag mong hahayaang makuha ka nila kung hindi papatayin ko sila." ang daming tanong ang naglaro sa utak ko, naalala ko lahat ng mga napagdaanan ko noong mga nakaraan, at pakiramdam ko rin ay palaging may nakasunod sakin. May mga kakaiba sa mga nararanasan ko.

Totoo kaya talaga lahat ng sinabi niya?
May kinalaman kaya siya sa mga nangyayari?
Sino ba talaga siya?

Napakapamilyar ng boses niya, lalo na ng pabango niya. Parang si...

"Allen? Ikaw ba yan?"

Iyon ang huling tanong ko bago niya ako tinakpan ng panyo sa bibig at saka nawalan ng malay.

"Princess?" narinig kong boses ni Mina sa pinto.

Pinukaw ako ni Mina mula sa mga pangyayari kagabi.

"Princess, buksan mo tong pinto." dali-dali kong pinunsan ang mga luha ko at saka binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Makakatok ka naman oh? Para namang may nangyari saking masama! Bakit? Anong problema?" sabi ko, kunwari ay ayos lang ako.

"Princess, alam ko na." sabi niya saka niyakap ako ng mahigpit na nagpaluha sa akin. "Alam ko na kung anong nangyari sa inyo ni Cyrus."

It comforts me just to think that I am so blessed to have a friend who embraces me when I cannot utter my groanings.

♡♥♡

Nagising ako sa kama kung saan katabi ko si Lucy na nakayakap sa akin.
Hindi ko alam pero sa mga panahong ito, inis na inis ako sa sarili ko.

Dahan-dahan akong umalis sa kama ng hindi siya ginigising at nagbihis saka nag-iwan ng note at nagmamadaling umalis.

Gusto ko munang umuwi at makapag-isip-isip.

Narinig kong may tumatawag sa phone ko kaya sinagot ko kaagad at nalamang pumayag na si Coach na maglaro ako bukas para sa Final Game ng The Snakes matapos siyang pakiusapan ni Daddy.

Isa lang ang huling hiling ko sa game.
Sana manood si Princess.

Habang nagmamaneho ako ng kotse ay nakapag-agaw pansin sakin ang isang kapares ng sapatos at bracelet sa gitna ng kalsada.

Inihinto ko ang sasakyan at dinampot ang mga ito at isang tao lang ang pumasok sa isip ko ng makita ko ang bracelet ng malapitan.

Si Princess.

Agad ko siyang tinawagan ngunit hindi ko siya makontak. Tinatawagan ko si Mina pero hindi rin siya sumasagot. Hindi ko rin pwedeng bastang tawagan ang Mama ni Princess dahil sa buong pag-aakala niya ay magkasama kami ngayon.

Nagmadali akong magmaneho, kinakabahan ako.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sa kanyang masama.

Una akong pumunta sa bahay nila. Alam kong sa ganitong oras ay nasa trabaho na si Tita Nice, kaya susubukan ko kung nandoon na nga si Princess sa bahay nila.

Paghinto ko palang ay kumakabog na talaga ang dibdib ko. Hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may hindi talaga magandang nangyari.

Sa pagkatok ko sa pinto ay sampal agad ni Mina ang sumalubong sa pisngi ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa dito!" pabulong pero medyo galit niyang sabi. "...matapos niyong pagtaksilan ni Lucy ang kaibigan ko! Mga hayop kayo!"

I know I deserve this words and this slap pero, "Gusto ko lang sanang malaman kung nandyan si Princess at kung okay lang ba siya."

"First of all, ang tanga mo naman para kumustahin pa siya matapos mo siyang saktan. Ano bang tingin mo sa kanya? Halaman na walang damdamin? Cyrus, kahit hayop, nasasaktan! Tao pa kaya? At pangalawa, wala kang karapatang malaman ang kalagayan niya! Pangatlo, namamahinga na ang kaibigan ko, wag mo na siyang guguluhin pa okay?" galit na sabi ni Mina sakin.

"Mina, sino bang kaaway mo diyan?" narinig ko ang boses ni Princess na papalapit.

"Umalis ka na!" gigil na sabi ni Mina saka pilit na isinasara ang pinto.
"Mina, please. Gusto ko lang talaga siyang makausap." paghahabol ko at pinigilan ang pagsara ng pinto.
"She doesn't need your explanation!"

"Mina. Iwan mo muna kami." sabi ni Princess.

Alanganin man ay iniwan pa rin kami ni Mina para makapag-usap.

"Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?" nahihiya pero nag-aalangan kong tanong.

"Diretsohin mo nalang ako kung anong gusto mong sabihin, ng makapagpahinga na ako."

Gusto kong sabihing mahal na mahal ko siya at gustong-gusto ko siyang yakapin lang ng mahigpit ngayon pero hindi ko magawa.

Gusto kong ipaalala sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero...
hindi pwede.

"Gusto kong malaman mo na minahal talaga kita noon at hindi peke lahat ng yon. At-"

"Nagpunta ka pa talaga dito para lang sabihin yon?" pagtataray niya.

"At... sana kahit sa huling pagkakataon, manood ka sa Final Game namin bukas at sana makita kitang nagchi-cheer sakin doon gaya ng dati."

Alam kong kanina pa niya pinipigilan ang sarili niya na magbreak down sa harap ko, pero ngayong tumulo na ang luha niya, isinara niya na ang pinto tanda ng hindi niya na kaya.

"Umalis ka na." sabi niya saka inilock ang pinto.

I need you now, Princess.
I need you now.

I said to myself.

The Man Behind the Black MaskWhere stories live. Discover now