F O U R

7.8K 210 4
                                    

Favor

Zardius' POV

Ramdam ko ang panginginig ng aking telepono na nakasilid saking bulsa. Di ko naman ito masagot dahil nasa kalagitnaan kami ng meeting ng mga ka-campo ko. Pero ilang sandali ang lumipas at nanginginig naman 'to uli kaya napagdisisyonan ko ng sagutin ito.

"Hello?"

"Hello Zardius? Can we talk?" Sagot mula sa kabilang linya.

Tinignan ko naman ang aking telepono ng makita ang pangalan ng mama ni Qylia.

"Of course Tita, kailan naman po?" Pagtanong ko rito.

"Ngayon sana? it's all about Qylia." Rinig ko sa kanyang boses ang pag-aalala dahilan ng pagbilis ng tibok ng aking puso sa tuwa na may halong pangangamba na kung ano na ang nangyari sakanya.

"Opo naman Tita, Saan po?" Tanong ko ulit.

"I'll just text you the location." Saad nito bago binaba ang tawag. Agad ko namang natanggap ang kanyang text message at ayon dito ay isang coffee shop sa labas ng subdivision namin.

Nag excuse muna ako sa meeting.

"I have to go Sargent. " paalam ko Kay Sargent Kim

"Saan ka papunta? Lieutenant Smith?" Tanong naman niya.

"Emergency, I'm so sorry I gotta go, nagmamadali kasi ako." Huling kataga ko bago mabilisang umalis ng campo at nag tungo sa coffee shop na sinasabi ni Tita Corra.

Ng makarating agad kong hinanap ng tingin si Tita at nakita ko itong naka-upo sa may bandang ginta na table.

"Tita Corra!" Pag tawag ko sa atensyon nito kaya napalingon siya sakin.

"Oh, Zardius!" Bahagya pa itong napatayo kaya mabilis akong naglakad papunta roon.

"Sorry sa abala iho, pero kailangan talaga kita ngayon." Paghingi ng paumanhin ni Tita Corra.

"Wala po yun Tita,it's okay." Aniko naman.

"Maupo ka?" Pag aya nitong umupo kaya umupo naman ako sa upuan na nasa harap niya at ganon din ang ginawa niya.

"So,ano po ba at pinapunta niyo ako rito?" Panimula ko. Bumuntong hininga naman si Tita bago binukasan ang bibig para magumpisang magsalita.

"Iho, dederetsahin na kita. Kaya kita pinatawag at gustong makausap ay dahil gusto kong humingi ng tulong sayo." Panimula niya.

"Alam kong mahirap para sayo, pero para naman 'to sa kaligtasan ni Qylia." Pagpapaliwanag niya. Bahagya namang kumunot ang aking noo. Kaligtasan? Ni Qylia? But why? . 

"Kaligtasan po ni Qylia? Tita."paninigurado ko.

"Oo iho. Nasa piligro ang buhay ng aking anak." Aniya.

"Pero bakit po?" Aniko. 
Huminga naman siya ng malalim bago sinagot ang aking tanong .

"Nito kasi mga nakaraang araw, may tumatawag at nagpapadala ng text message sakin na pinagbabantaan ang buhay ng aking anak at ng buong pamilya ko."paliwanag ni Tita Corra.

"Gusto ko sanang bantayan mo at maging personal bodyguard sa anak ko Maaasahan ba kita iho?" Paki-usap naman ni Tita.

Napa-isip naman ako, bakit naman ako ang kailangang gumawa ng mga ganong bagay eh, pwede naman sila mag-hire ng ibang tao para lang maging bodyguard para kay Qylia? Pero sa kabilang dako naman ay may punto si Tita Corra aaminin kong makalipas ang ilang taong wala kaming relasyon ni Qylia ay mahal ko padin siya kahit na mismong kadugo niya ang dahilan kaya kami naghiwalay.

"Opo Tita, maasahan niyo po ang tulong ko." Pag sang-ayon ko dahilan ng pagningning ng mata ni Tita dahil sa tuwa. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo at nagtungo sakin para lang bigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Salamat iho," ani niya bago ako pinakawalan sa kanyang pagkakayap para harapan ako.

"Dati palang alam ko ng mabuti kang tao kaya nga botong-boto ako sa inyo ni Qylia eh, kaso nagkahiwalay naman kayo."
batid ko ang lungkot na nararamdaman ni Tita Corra dahil ganon din ako.

------------

Hi guys? 😊 Sana magustuhan niyo.

My EX is My BODYGUARD(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon