------
Jade Charlotte's POV
Paupo sana kami sa soccer field ng A.U ni Jessa. Ewan ko pero para bang may mangyayari na kung ano. Habang pinag-uusapan namin ang bigla na lang nagbago ang pakiramdam ko. Para bang bumigat ng sobra.Maya-maya ay may lumapit sa amin. "Hi Jade, Hi Jessa." sabi niya.
"Yung mahaba niyang buhok, magaganda niyang darili at kuko, at ang kanyang makinis na braso. Kilalang-kilala ko siya. "M--Mavic?" utal na sabi ni Jessa.
"Mavic?" sabi ko.
"Kamusta? noong isang araw pa kita hinahanap Jade." sabi niya. Hinahanap? Bakit naman kaya niya ko hinahanap? Hindi na kaya siya galit sa akin?
"Hinahanap? H--hinahanap mo ako? B--bakit?" pautal-utal kong tanong sa kanya.
Nahihiya ako, dahil sa pagkakaalam ko. Galit pa din siya sa akin. Almost 3 years ago na ang nakakaraan nung huli kaming mag-usap ng ganito. Kaming tatlo lang kami ang magkakaibigan since elementary.
"Oo, kasi may sasabihin sana ako sa'yo. Tsaka gusto ko talaga na magkausap tayo." sabi niya. Mukhang ok na talaga siya. Kitang-kita sa mukha niya ang maaliwalas niyang ngiti na walang tinatagong sakit at galit.
"Mavic? Ok ka na ba?" tanong ko.
"Hmm, kamusta Jade?" tanong naman niya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman na nandito na ulit 'yung isang taong pinagkatiwalaan ako pero sinaktan ko siya. Dapat ba akong matuwa kasi kinausap na niya ako. O dapat ba akong malungkot kasi mukhang hindi na kami 'yung tulad ng dati.
"Mavic, galit ka pa ba sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Hmm--actually hindi na ako galit sa'yo pero hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan. Kaya lang naman kita kinausap kasi para sabihin sa'yo na dito na din ako papasok ngayong taon." sabi niya. So para bang nagpaalam lang siya?
"Nagsabi lang ako para hindi ka mabigla na dito na ko papasok. And para naman hindi ka mailang kung makita mo man ako." sabi pa niya.
So totoo nga nagpaalam lang siya. Para sa iinform ako na dito na siya papasok. At para sabihin hindi na kami maaaring maging magkaibigan?
"Hindi na ba talaga tayo pwedeng maging magkaibigan ulit? huh? Mavs?" tanong ko. Nakatalikod na siya sa akin nung mga sandaling iyon.
Nilingon niya ako. Ngumiti siya na para bang napipilitan. "Malay mo sa tamang panahon Jade, pero sa ngayon masasabi ko. Hindi muna." sabi niya at tsaka muling naglakad papalayo sa kinatatayuan ko.
"Mavs, I'm sorry." sabi ko.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hindi niya inintindi ang sinabi ko. Ganun na ba siya katigas ngayon? Kahit anong sabihin ko wala na lang sa kanya? Sorry Mavic alam ko nasaktan kita. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya naging ganun.
"Charlotte--" tawag ni Jessa mula likuran ko.
"Anong sabi sa'yo ni Mavic?" tanong niya. Kinuha ko 'yung mga gamit at bag ko. "Hayaan na lang natin siya." sabi ko na lang.
May klase pa kasi ako kaya pinauwi ko na si Jessa. At kailangan ko din naman kasi maghanap ng books para sa mga assignments ko. Kailangan kong pagtuonan ng pansin ang studies ko. Para naman hindi ko muna maisip 'yung mga problema ko.