Chapter 17

313 7 1
                                    

BRENT'S POV


"Brent mahal kita"

Those words. Those words i wanted to hear from her. Narinig ko. Pero bakit parang wala akong nagawa?  Nakaupo pa din ako hanggang ngayon. Hindi ko siya mahabol. Masyado akong na stuck, nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko sinasadya na saktan siya.



"Brent tumayo ka na diyan" si Ricci


Pero hindi pa din ako nagalaw. Ang tanga tanga ko.




Hinila ako ni Ricci patayo at hinablot ang jersey ko


"Ano?!  Wala kang gagawin?  Tatanga ka na lang diyan? Wake up bro! " galit na sabi nito at binitawan ang jersey ko



"Cci tama na.  Hayaan natin mag isip si Brent" pag awat pa samin ni kuya Prince




"Alam niyo.  Idismiss na natin to. Tara na sa dorm umuwi na tayo" sabi ni kib

Nagsipasukan na ang mga team mates ko pero si Ricci ay nanatili pa din nakatayo.



"Anong balak mo? "





"Hindi ko alam. Hindi ko alam" sabi ko





Tumawa ito ng matabang "Tsss.  Kung alam ko lang na mag gaganto eh di sana di ko pinakawalan"



Tumingin ako dito "Bakit mo ba siya pinakawalan?  Di mo nga din pinag laban eh"



"Pinakawalan ko kasi hiniling niya sakin. Kinausap niya ko na hanggang pag kakaibigan lang ang maibibigay niya sakin.  Tinanggap ko kasi mahal ko siya.  Hindi ko ipag pipilitan ang sarili ko kung alam kong may mahal naman siyang iba" sabi ni Ricci



"Tama ka tanga ako. Duwag ako" sabi ko





"Nagparaya ako kasi alam kong sayo siya mapa papunta. Alam kong hindi mo siya sasaktan. Pero kung ganto lang din naman gagawin mo. Mapipilitan akong bawiin siya sayo.  Gagawin ko lahat para mabawi ko siya sayo" lumapit ito sa akin "Kaya ipakita mo sakin na karapat dapat ka para sakanya.  Wag na wag mo sasaktan ang taong mahal ko.  Parehas kayong mahalaga sakin. Kaya gusto ko masaya din kayo parehas.  At magagawa niyo lang yun kung mag kaka ayos kayong dalwa"





"Gagawin ko.  I just need some time" sabi ko






"Tss.  Gawin mo na lang" sabi nito at lumakad na papasok ng Gym





Magagawa ko to. Kailangan ko lang mag tiwala.

Stuck Between Two (Ricci Rivero and Brent Paraiso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon