GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 39
KEYLE POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, minsan kasi parang nagising lang ako na walang alam na kung ano ang ginagawa ko sa buong araw. Minsan binabalewala ko nalang pero ngayon, nagiging madalas na. Hindi ko pa nasabi kay Ate at Mama ang tungkol dito, natatakot ako kasi si Ate nakakakita ng mga Kaluluwa at kung ano-ano, kung kaya't may posibilidad din na maging katulad niya ako o kung ano.Mamayang gabi ay Christmas na, ako lang isa dito sa bahay, si Ate kasi may date kay Kuya Clerk.
Tatawagan ko sana si kuya Zayne, pero nahihiya ako. May gusto kasi ako sa kanya, kaso si Ate ang gusto niya kaya pinili ko nalang na ilihim, ngunit laking pasasalamat ko na nagkajowa na si ate.
May narinig akong kumatok sa pinto kaya dali-dali akong bumaba para buksan ang pinto. Biglas bumilis ang tibok ng puso ko dahil si Zayne ang nandito, nakablack polo siya at tinupi ito hanggang siko niya wearing also his smile, ang ngiti niya na nakakalaglag panty.
"Ku-kuya Zayne. Aah-umh. Wala si Ate rito" utal kong sabi.
Pagdating sa kanya nauutal talaga ako, dahil kasi sa puso ko eh. Ang bilis ng tibok.
"Ganon ba?. Sayang may ibibigay pa naman ako. Christmas gift. " sabi niya sabay lakad at may kinuha sa likod ng kotse niya. May bitbig itong tatlong kahon.
"Here. Sayo tong isa" ngiti niyang sabi
"Sa-salamat. Sa-saan ka pala pu-pupunta? " utal kong tanong."Pupuntahan ko si Daddy, i'm going to spend a christmas with him. " sabi niya at nginitian ako.
"Pakibigay kay Briohny yang gift tsaka sa mama mo" sabi niya at tumango lang ako.Nakatuon lang ang mata ko sa kanya habang kumakaway siya sa akin at pumasok sa kotse ngunit bago yun sumigaw muna siya ng--
"Bye" sabi niya.
At unti-unti na naman ako nawalan ng malay, para bang inapakan ako pababa hanggang sa dilim na ang namayani sa akin.
BRIOHNY POV
Kumain kami sa expensive na restaurant. Namasyal kami sa park habang naghawak kamay. Napapalingon nga yong nga babae sa kanya. Nanggigil naman ako na ang sarap nilang sabunutan, kung makatingin sa BOYFRIEND ko wagas."Briohny? " tawag niya kaya inangat ko ang paningin ko sa kanya.
"Yes? " sabi ko.
"Im so happy" sabi niya.
"Ako din. Higit pa don ang nararamdaman ko ngayon" ngiti kong sabi.
"I'm so happy to experience all of this with you. Yung di ko nagawa dati ay nagagawa ko na ngayon, naranasan ko ng pumasok sa school, makihalubilo sa tao, at higit sa lahat ay ang umibig, at nalaman kong ano ang ibig sabihin ng buhay. Life for me is you, you are my life and my light. You give light to my darkest world, you show me the meaning of love and it is you Briohny. "sabi niya.
"Sumasayaw na naman mga laman loob ko. Ano ba.! Hehe"sabi ko at feel ko talaga na namula na naman ang pisngi ko.
"If i am you life, your my oxygen, i'm lifeless without you. Your my everything, my Clerk" sabi ko at hinalikan niya ang noo ko.
"Tara, punta tayo sa bahay" sabi niya.
"Ha? " nabibingi kong tanong.
"Sa bahay. Pupuntahan natin si lolo. He wants to meet you. " sabi niya at napatango naman ako.
---
Nasa mansyon na niya kami. Pinagbuksan kami ng gate ng guard at sinalubong ng mga maid.
"Merry Christmas po Sir Clerk" sabi ng maid. Halata naman na nagpapansin lang. Tss.
"Hi. She my girlfriend, so stop flirting with me and respect her"walang emosyong sabi ni Clerk. Grabe kapag sa iba naging iba siya, sa akin lang ata to ngumingiti at tumawa.
"So-sorry po Sir" sabi ng maid.
"Tss" sabi ni Clerk at pumunta ang kamay niya sa beywang ko at dinikit sa kanya saka kami ng lakad papunta sa malaking sala.
"Lo, she's here" sabi ni Clerk at humarap ito sa amin at laking gulat ko na kamukha talaga ni Clerk, yun nga lang old version niya, infairness ang gwapo parin pala ng Clerk ko pag nasa 50 na siya, mga matatanda na babae tiyak na hahabulin parin siya. Shonimal ka Clerk. Haha
"Hi hija? How are you? " tanong niya.
"I'm fine po" sagot ko.
"Well, Clerk been telling a lot about you and he's right you are beautiful"sabi ng lolo niya.
'Sus! Mana mana rin.Yung apo ni Clerk mana sa kanya puro mga bolero" sabi ko sasarili.
"Salamat po" sabi ko.
"Let's have some lunch together. Okay ba yun sayo, Briohny? " tanong ng lolo niya at tumango lang ako.
Habang kumakain kami, nagkwekwento naman ang apo/lolo ni Clerk tungkol sa buhay niya. Opposite sila ni Clerk kasi napakadaldal ng apo niya, at masayahin to. Itong mukha naman ni Clerk parang di maipinta. Haha. Naiingayan na siguro sa lolo niya.
---
Nakauwi na kami sa bahay at nakasalubong ko si Keyle. Parang may iba sa kanya.
"Keyle" tawag ko at nilagpasan lang ako. Napakamot nalang ako ng batok at nagkibit-balikat naman si Clerk sa akin.
6:00 pm na at nasa bahay na si Mama, nagdala siya ng mga pagkain galing sa restaurant namin, siguro nagpaluto lang siya sa mga chef namin.
"Hi mga anak. " ngiting bati ni Mama.
"Ma, ako lang anak mo dito. Umalis po si Keyle, siguro pupunta yun sa bestfriend niya. " sabi ko at si Clerk naman ay seryosong nakatuon sa Tv.
"Ano ka ba! Anak ko rin kaya si Clerk" sabi niya.
"Diba Clerk? " dugtong na sabi ni mama
"Yes, Mom" sabi ni Clerk at kinindatan lang ako. Waah! Kingina, bat ang cute niyang kumindat.
"Saan ba nagpunta yang kapatid mo. " sabi ni mama at nagtulong-tulong na kami sa pag-aayos ng hapag-kainan.
---"Okay Zayne. Merry Christmas" sabi ko sa telepono.
~Did you recieve my gift, I'm sorry if i weren't there to spend a christmas with you ~
"Okay lang. Nakita ko na gift mo, salamat dito. Enjoy ka diyan. " sabi ko.
~Owh, i miss y--~putol na sabi ni Zayne dahil pinutol ni Clerk ang wire ng telepono, PINUTOL niya talaga.
"What the! Clerk! " inis kong sigaw.
"What? " inosente niyang tanong.
"Pinutol mo ang wire ng telepono, ibili mo kami ng bago. Pepektusan kita ngayon! " inis kong sabi sa kanya at niyakap niya lang ako at hinalikan sa labi, natigil naman ang pagputak ko dahil hinalikan niya ako. Sinubsob niya ang mukha niya sa may leeg ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya.
"I'm just jealous my queen. " sabi niya at kinilig naman ako ng sobra.
"There's no need for you to get jealous, you know how much i love you" sabi ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
Maya-maya lang ay dumating na si Keyle, na namumutla. Parang pagod na pagod to
"Keyle? Saan ka galing. Halika ka na kain na tayo. May a-alas dose na"sabi ko sa kapatid ko at ngumiti lang to at tumango.
Natapos ang gabi at ang pasko ng masaya ngunit may bumabagabag sa akin, si Keyle.
Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typosWhat can you say to this chap?
HeheGood News:May part Three. Hehe. Para sa inyo. Love lots all.
REPLYBOXPOLICY
-AUTHOR
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.