PMS3-18.1

13.7K 294 3
                                    


PMS3-18.1

JEZEN couldn't explain right away. Nanginginig siya dahil sa nakikita niyang matinding galit ng binata para sa kanya.

"Answer me you piece of shit!" bulyaw nito dahilan para mapaigtad siya. Nag-unahan na rin ang mga luha niya sa pagtulo mula sa kanyang mga mata.

"Magpapaliwanag ako Cam, please..." umiiyak niyang wika.

"Fuck you! This is true, right!? Tell me!"

"Oo..." sagot niya dahil para masuntok ng binata ang pader at ang lampshade na nadampot nito ay itinapon nito sa bintana dahilan para mabasag ang salamin. Cameron was hurt and crying in front of her at nasasaktan din siya ng husto sa nakikita niya. Lumapit siya sa binata at inawat ang pagwawala nito pero hinawakan siya sa magkabilang balikat niya at itinulak. Natumba siya at diretso sa sahig.

"Cam please, makinig ka muna sa akin. Iyang nakita mo, h-hindi iyan..."

"Ano!? Hindi totoo! Hindi totoo na engaged ka sa iba!? Hindi totoo na ikakasal ka na next month! Ang saya ng regalo mo sa akin sa pasko, 'di ba!?"

Napahagulhol siya ng matindi. She was so wrong for keeping it to him. Dapat nakinig siya kay Julie. Dapat sinabi niya ng mas maaga pero huli na. At ayaw na nitong makinig sa kanya.

"You used me! You scheme everything! Alam ko, mali ang ginawa kong pagtrato sa iyo pero tama ba na saktan mo ako ng ganito? Minahal kita Jezen! Kung akala mo hindi ako seryoso sa nararamdaman ko! Nagkakamali ka! Maling-mali ang akala mo! Minahal kita sa kabilang ng hirap na dinanas ko sa iyo!"

Napaluhod ang binata sa kanyang harapan. Nakagat niya ang kanyang labi upang pigilan ang sarili na mapahagulhol ng todo.

"Alam mo ba kung bakit galit na galit ako sa iyo? At kung bakit big deal sa akin ang pagsisinungaling mo at ang pagtulong mo kay Julie noon? Because I am afraid that I will lose my brother! Because I am afraid to see my mom miserable. Because I am afraid that I will lose her too if I cannot make my eldest brother return to his self again. And Julie was the only answered for all the suffering we've gone through! Lahat ginawa ko Jezen! Lahat ng lugar na sinabi mong posibleng pagtaguan ni Julie, pinuntahan ko! The last time you said where she is? I was abducted by those strangers! My car was taken! My cell phone! My laptop! My ten million savings! And I was rushed to the hospital! Why? Because those strangers who abducted me? Paddled me many times! At muntik ko na iyong ikinamatay Jezen! That is the reason why I loathed you so much to death!"

Agad na lumipad ang mga palad niya sa kanyang bibig. Hindi niya kayang pigilan ang sarili na humagulhol ng matindi habang nakikinig sa himutok ng binata sa kanya.

"But fuck! That hatred became my weakness and that weakness was you. I fell in love with you. Minahal kita, sobra. Pero bakit nagawa mo akong lokohin? I guess Gladys is right, you really are a user!"

Umiling-iling siya at lumapit sa binata. Panay ang tulak nito sa kanya.

"Cameron, makinig ka muna sa akin! Pakiusap! Nagmamakaawa ako sa iyo! Wala na kami ni Ramil! Pakiusap!" pagmamakaawa niya habang pilit na yumayapos kay Cameron but he was rejecting her.

"Get off me! I don't want to listen on your lies again! Maraming beses ka nang nagsinungaling sa akin at hindi ko na hahayan pa ang sarili ko na makinig ulit sa mga kasinungalingan mo! Magpapakasal ka na sa iba 'di ba? So be it! Go on! I don't fucking cared anymore! Why the hell I love a woman like you! Damn it!"

Tumayo na ito at pinahiran ang mga basang pisngi. Naiwan siyang humahagulhol pa rin. Narinig na lamang niya ang paglayo ng sasakyan nito. Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Mahal niya si Cameron. Naduwag lamang siyang sabihin ang totoo rito at ngayong nagkabistuhan na, wala na siyang babalikan pa. Ayaw na nitong maniwala sa kanya.

Umiiyak siyang napatayo at pinahiran ang mga luha niya ngunit sige pa rin ito sa pagtulo. Pinulot niya ang singsing at envelope. Kinuha niya ang kanyang maleta at sinimulan na niyang iligpit ang mga gamit niya. Alam niyang ayaw na siyang makita ni Cameron kaya ano pa ba ang ginagawa niya sa pamamahay nito kundi ang umalis at hayaan ito. Kasalanan din naman niya ang nangyari. Sino ba ang sisisihin niya kundi sarili niya lang. Pinahiran niya muli ang kanyang mga pisngi.

Nang matapos siyang mag-empaki ay luhaan pa rin siya habang isinasakay ang mga maleta niya sa kanyang sasakyan. Huminga siya ng malalim at muling napahagulhol habang tinitingnan ang bahay ng binata. Ito na ang huling beses na makakatuntong siya sa pamamahay nito. Mapait man ang naging katapusan ng relasyon nilang dalawa pero marami naman siyang babauning masasayang alaala na kasama ito.

Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at muling tinahak ang daan pabalik sa kanyang dating apartment. Doon niya pa rin balak na mag-stay at kahit pa ipatigil ng binata ang project niya'y tatanggapin niya iyon nang walang labag sa kanyang kalooban. Sinaktan niya ang binata at kahit pa magpaliwanag siya'y magiging bingi na ito para sa kanya.

ILANG oras din ang kanyang biyahe bago siya nakabalik muli sa dati niyang apartment. Kinausap niya ang landlady at nagbayad ng doble para tanggapin siya ulit. Ang sabi kasi nito ay may kukuha ng iba ngunit nagpumilit siya. Nakumbinsi rin naman niya ito kaya nakuha niya ulit ang apartment.

Umiiyak pa rin siya habang ipinapasok ang mga gamit niya. Ayaw yata tumigil ang mga luha niya at baon niya yata ang karagatan. Nasapo niya ang kanyang dibdib. Naninikip ito kaya agad siyang napainom ng tubig. Marahil ay sa tagal ng pag-iyak niya kaya siya ngayon kinakapos ng hininga.

Humiga siya sa kanyang kama at napatagilid. Iyak pa rin siya nang iyak. Nakikita niya ang luhaang mukha ni Cameron sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata. Sa sobrang kirot ng dibdib niya'y halos hindi siya makatulog at alam niya sa sarili niya. Hinding-hindi siya makakalimot agad.


PRETTY MAN SERIES 3: CAMERON EVANS VILLARAZAWhere stories live. Discover now