Chapter 12

16 3 0
                                    

[Author's Note: pabibilisin ko po yung story na to yun lang]

Braelynn's POV

Pasukan na naman tapos na ang bakasyon namin ang bilis nga e nakakabitin, nandito ako ngayon sa library kailangang kailangan ko ng magfocus sa pag aaral lalo pa't graduating kami ngayon  and sobrang excited na ko mag kolehiyo dahil sa kukunin kong course.

Flashback

"Titaaa nandito na po kami" sinalubong kami ni tita pagkauwi namin galing baguio pati ang kapatid ko ay nandoon agad nga ako nitong niyakap at miss na miss na daw nya ko kaya naman binigay ko na ang pasalubong ko sa kanya yung kila tita ay binigay ko na din dahil bukas na ang pasko ay nagpahinga muna ako ng saglit at pagkagising ko ay nagpaalam akong pupunta akong mall pinayagan agad ako, nag jeep nalang ako papuntang mall para makatipid ako ng nasa tapat na ako ng mall sumigaw na ako ng para at agad na bumaba doon agad akong pumasok sa mall at ng madaanan ko yung mga laruan na pang mga bata ay agad akong pumasok doon, nagtingin tingin ako at ng makakita ako ng isang robot ay agad kong kinuha yon ayun kasi yung nakita kong tinitignan ni zayn sa online kaya nang makita ko iyon ay agad ko itong kinuha dumiretso ako sa counter.

"Mam, 999 po" sambit ng babae, ang mahal naman pala nito, agad kong binuklat ang bag ko at kinuha ko yung wallet ko pagkatapos ay binigay ko yung 1000 ko sinabi ko namang wag na akong suklian pagkatapos noon ay agad akong dumiretso sa mga tindahan ng mga kwintas at kung ano ano pa naghanap ako doon ng maganda at medyo kaya kong bilhin nang matuon ang pansin ko sa isang kuwintas simple lang iyon kaya agad ko iyong pinakuha sa mga babaeng nagbabantay doon at nagtitinda, agad ko iyong binayaran at pagkatapos noon ay pumunta ako sa shop ng mga relo ng mga panglalaki. Agad akong nakapili limang relo ang nabili ko doon kaya naman halos himatayin ako sa laki ng binayad ko doon pagkatapos kong mabayaran iyon ay pumunta ako sa mga shop ng make up kumuha lang ako doon ng foundation, liptint, blush on, pangkilay, pang pilik mata at mga eye shadow bumili rin ako ng kit para lagayan ng mga make up na binili ko pagkabayad ko doon ay pumunta ako sa bookstore mahilig kasi sa mga libro si ariela kaya ito ang naisip kong ibigay kumuha ako ng dalawang libro wattpad books iyon mahilig kasi syang magbasa non kaya ayun na ang binili ko pagkabayad ko noon ay pumunta muna ako sa food court kumain muna ako doon bago umuwi bumili rin ako ng mga pambalot.

~*~
"Merry Christmas" masayang bati ko pagkababang pagkababa ko ng hagdan napalingon naman sakin sila tita at binati din nila ako agad akong nagmano sa kanila at humalik sa pisngi nila pagkatapos ay niyakap ko ang kapatid ko at hinalikan sya sa pisngi, niyakap ko din si owen at binati sya. Ilang saglit lang ay dumating na sila ariela agad silang nagmano kila tito at binati kami niyakap ko silang lahat at pagkatapos noon ay inaya na kami ni titang kumain na pagkatapos kumain ay bigayan na ng regalo unang nagbigay ng regalo si tita pagkatapos nya kaming bigyan lahat sumunod na si tito, pati si zayn ay may regalo nasulat nga kami kasi wala namang pera si zayn inasar namin sya at ng sumimangot ito ay agad kaming tumawa at dahil walang gustong sumunod na magbigay ng regalo tumayo na ako at una kong binigyan ang kapatid ko pagkatanggap nya ay hinalikan nya ko sa pisngi kaya pinudpod ko ng halik ang maliit nyang mukha pagkatapos ay si tita nagpasalamat ito at hinalikan din ako sa pisngi, si tito, tyce, grace, ariela, zane, axel, ay owen binigay ko na ang regalo nila pagkatapos kong maibigay iyon ay binigyan na ng mga kaibigan ko sila tita hinihintay kong may magbigay sakin pero walang nagbigay nalungkot ako pero hindi ko pinahalata ng matapos silang magbigayan ay sinabi na ni tita na pwede ng buksan ang mga regalong natanggap nila pero wala akong natanggap kaya pinanood ko nalang sila.

Tatayo na dapat ako pero hinawakan ako sa kamay ni owen napalingon naman ako at kasunod noon ay ang pagkagulat ko lahat kasi sila nakangiti at nakatingin sakin at sabay sabay nila akong binati ng maligayang pasko at pagkatapos noon ay may ibinigay silang sobre sakin.

"Ano to?" tanong ko at nagtataka silang tinignan, tinignan naman nila ko na parang sinasabi nila na "pano mo malalaman kung hindi mo bubuksan" kaya naman binuksan ko iyon dahan dahan kong nilabas sa sobra ang sobre sobrang pera na nandoon at pagkatapos noon ay dahan dahan kong kinuha ang isang papel nakalagay doon ang "Congrats braelynn sana matupad mo ang pangarap mo" tapos na kalagay sa baba noon ay 'Future Doctor. Braelynn Winter Aldaine' nakalagay doon ang pangalan ko nagsimulang mag tubig ang mga mata ko ang saya saya ko naramdaman ko namang lumapit sila sakin at niyakap ako.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni tyce dahil doon ay agad syang pinagbabatukan nila zane.

"Aray bakit ba?" reklamo nya natawa nalang ako.

"Tanga, kasi naiiyak sya sa tuwa kahit kelan talaga insan ang eng eng mo" sagot ni zane at binatukan ulit ito si tyce naman ay agad syang minura at pinagpapalo ng unan si zane tong magpinsan nato.

"Salamat talaga, thank you kala ko nakalimutan nyo na ko e" sambit ko at isa isa silang niyakap at hinalikan sa pisngi naging assuming na naman tuloy si zane at tyce.

"Pwede bayon? Alam mo kung kanino ka dapat magpasalamat doon oh" sagot ni grace at inginuso si owen agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Ah, weyt nga brae" reklamo nito pero hindi ko sya pinansin hinalikan ko sya sa pisngi dahil sa sobrang tuwa.

"Ayieeeeeee" kantyawan nila kaya agad akong napalayo kay owen at yumuko gosh hindi pala ako pwedeng matuwa ng sobra kung ano ano pala ang magagawa ko.

"Sorry natuwa lang" tugon ko at tinignan sila at ngumiti ng parang tanga nagtawanan lang sila at pinagpatuloy ang pagsasaya.

End of flashback

Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa regalo nila sakin hindi ko nga akalaing makakapag aral ako at sana makatapos ako at matupad ang pangarap ko kaya naman todo aral ako para makapag tapos ako ng may award, balak ko ngang bumili ulit ng libro tungkol sa mga sakit para naman may idea na ako kapag ayun ang pinag aralan namin masyadong advance ang utak ko hahahaha....

Nang makuntento na ako sa mga nabasa ko ay agad na akong bumalik ng room wala pa ang iba dahil recess namin ngayon pero pinili kong magbasa nalang, umupo ako sa upuan ko at nilabas ang cellphone ko nakita kong nagtext sakin si axel at tinatanong kung nasan ako sinabi ko namang pumunta ako ng library at pagkatapos ay dumiretso na sa room hindi na ito nagtext pa kaya nag facebook nalang ako una akong pumunta sa message at ang daming nagchachat sakin kahit sobrang dami nito ay pinagtatyagaan kong ichat sila, minsan nga may isang nagchat sakin ang tagal ko syang naichat kaya tuwang tuwa sya ng mag chat daw ako akala nga daw nya snob ako kaya natawa nalang ako konti lang muna ang nireplayan ko at tinignan ko ang notifs ko ang daming nakatag sakin karamihan puro si grace iyon pinost pa nya yung regalo ko sa kanya tuwang tuwa nga sya ng buksan daw nya iyon kaya natatawa nalang ako, kay grace yung make up samantalang kay ariela yung books, sa mga lalaki naman ay yung relo pati na kay tito kay tita yung kwintas yung mga kasambahay naman nila tita ay binigyan ko din ng regalo bago kasi ako umuwi ay nakikita ako ng mga gamit doon sa binilhan ko ng pambalot, pagkatapos ng pasko ay bumili ako ng mga candies at kung ano ano pa ibinigay ko iyon sa mga batang nakita na palakad lakad lang sa kalsada.

To be continue
Vote and Comment.

He's My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon