Ako pala si Charles .. a dreamer, a believer but not a survivor.
Bago ako nawala sa mundong ibabaw .. hindi ako naging masaya pero nang dahil sa isang tao na nagbigay halaga sa akin at nagturo kung paano mabuhay .. naging masaya ako at natuto akong pahalagan ang buhay na dapat ay matagal ko nang pinahalagahan.
I. And The Stars Will Beat ..
Isang sabado ng hapon .. maalinsangan ang panahon, tumatagaktak na ang pawis ko habang nagbabasa ako ng paborito kong libro ..
“I just don’t know when will the stars collide. But one thing’s for sure, there’s always a chance for the stars to collide.” ------
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng nabasa ko yun kaya nagpatuloy ako .. ngunit naalala ko na may pupuntahan pala kami ni Mela, kaya nagmadali akong magpalit ng damit at agad na pumunta sa kanila ..
“Sorry gurl .. muntikan ko nang makalimutan na bibili pala tayo ng gamit natin para sa lunes. Hihi .. Sorry talaga.” Hingal kong sabi sa kanya.
“Alam ko na yan .. Thankful na rin ako’t dumating ka kesa nakalimutan mo talaga diba?”
--Alam ni Mela ang situation ko kaya naman thankful ako nang maging kaibigan ko siya .. siya na lang yata ang nakakaintindi sa akin dahil kahit mismo si Japs na matagal ko nang FB ay hindi pa rin ako maintindihan.
“Uy ! Aalis na yung taxi ..” Sigaw niya.
--Naalimpungatan ako dahil sa kanyang pagsigaw .. nakakuha na pala siya ng taxi.
Pagpasok naming sa taxi .. ay agad siyang bumungad .. “Daydreaming nanaman ? Manong, sa SM lang kami. Salamat.”
“Hindi ko alam girl .. Hahahaha !” Pabirong sagot ko. Pero tumingin siya sa akin ng seryoso at tinanong ulit ako .. “Kayo pa rin ba ni Mico?”
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata .. “Sa totoo lang .. on the rocks na kami eh. ” At hinawakan niya ang aking mga kamay at nagsalita, “Alam ko namang me lahing demonyo yung ungas na ‘yun eh.. pero hindi kita pinigilan kasi mahal mo siya.”
Dahil sa sinabi niyang ‘yun ay napaluha ako ng di oras. Tinapik niya ang likod ko at nagsalita, “Hayaan mo gurl .. mawala man siya andito pa rin ako. Tahan na.”
At wala pang isang oras ay nasa mall na kami. Naglibot kami saglit bago pumunta sa aming pakay .. ang National Bookstore. Sa paglibot-libot naming ay ay hindi ko inasahang may makikita akong ikakahina ko.
Habang nasa boutique kami ng Bench ay hindi ko inasahang makikita ko si Mico na may kasamang iba .. magkahawak ang kanilang kamay at nagtatawanan sa food court sa harap ng Bench. Dahil dun ay hinila ko ang kamay ni Mela palabas ng Bench kahit na namimili pa siya ng pabango, “Uy, lalabas na agad ta—“ Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil nakita din niya ang nakita ko. At tumakbo kami palayo hanggang sa hindi ko namalayang ..
“What the ----!” Sigaw ng lalaki.
“Naku ! Sorry po. Hin—“ Natigilan si Mela ng akmang lalapit na ang lalaki. At agad niyang hinigpitan ang hawak niya sa aking kamay para mapatingin ako sa kanya .. “Mela, tayo na ---“ Hindi ko rin natapos ang sasabihin ko dahil pagka-angat ko ng aking nakayukong ulo ay isang gwapong binatilyo ang lumapit sa amin.
“Naku ! Sorry talaga , Chad.” Sabi ni Mela.
“OK lang. OK lang ba kayo?” Sagot ni Chad.
Tumango lang si Mela ngunit nabigla ako ng tinanong niya din ako ..
“OK ka lang Charles?” Tanong ni Chad.
“OK lang. Sorry ulit.” Sagot ko saka ko kinaladkad si Mela papunta sa isa sa mga benches na nasa dulo ng floor. At agad na nag bye-bye si Mela kay Chad na nabigla sa ginawa ko.
Pagka-upo ko, “Nakita ba niyang umiiyak ako?’ Tanong ko ngunit imbes nga sagutin niya ako ay inirapan niya ako at “