CHAPTER 20 - Duel part 2

135 1 0
                                    

"Go Midnight Racer!"

Tumingin siya sa akin at kumaway.

"Black Fire. Nakita mo ba 'yun? Kumaway sa'yo si MR!!!"

Parang alam ko na kung kanino ang mga mata ni MR....

pareho sila ng mga mata ni ZE.

At si ZE ang nasa puso ko.

"Oo nakita ko"

^_^

"Oi ngumingiti na siya?"

"Hindi masaya lang talaga ako"

"Black Fire ayon sa mga source natin si Daredevil daw at si Midnight Racer ay iisa. Posible ba 'yun?"

"Mikhaila ang galing mo. Napansin ko nga rin 'yun eh. May pareho sa kanilang dalawa"

*Go MR!!!

*Go Spike

*1...4...3 MR kahit hindi kita kilala!!!

Natamaan si Spike...

*Ooooohhh...

Tapos lumapit ng kaunti si Spike kay MR. Parang may binulong siya. tapos tumingin sa gawi namin si MR. Hindi ko alam kung sino ang tinitingnan niya sa amin. Pero hindi naman sa ano ha...para kasing ako.

*Naku si MR!!!

Sinipa kasi ni Spike sa ulo si MR kaya ito natumba.

"MR tumayo ka!!!" Emily

Tumingin naman sa akin si MR habang pinipilit tumayo.

"Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganyan kalamyang makipaglaban ah" naiinis na sabi ni Emily.

"Bakit? Parang kilalang-kilala mo si MR ah" Leslie

"Ha? Hindi ah"

Tapos na ang round 1 kaya magpapahinga muna sila sa locker room.

"Alis muna ako"

"Saan ka pupunta Eagle Eye?" tanong ko.

"Sa CR"

Parang may kung anong mali.

"Aalis ka din?" tanong sa akin ni Leslie.

"Ah oo medyo naiihi na rin ako eh"

Sinundan ko ng palihim si Emily.

Ha? diba sa kanan ang daan papuntang CR? Bakit sa kaliwa siya dumaan. Papuntang locker room 'yun ah.

*knock knock

Kumatok muna si Emily bago pumasok.

Mabuti na lang at hindi masyadong naisara ni Ems ang pinto kaya makakasilip pa rin ako.

"Hoy ano ba'ng ginagawa mo?!"

Sino naman kaya ang kausap niya?

"Na kay Zac ang bracelet Ems"

"So?"

"Kaya akala ni Fritzie si Zac ang batang hinahanap niya at hindi ako"

Si ZE ba 'yun?

"Eh di sabihin mo kay Fritzie ang totoo"

"Pero mahal ni Fritzie si Zac"

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"Sabi ni Zac sila na daw ni Fritzie"

Ha? Joke lang naman 'yun ni Zac eh.

"Ha sila na? Imposible dapat sinabi na sa amin ni Fritzie kung sinagot niya na si Zac"

          

"Kung ganun niloko niya lang pala ako"

"Tama. So kaya ka nagpapatalo dahil 'dun?"

"Hindi. Nag-usap kami kanina na kung hindi daw ako nagpatalo. Papatayin niya si Fritzie"

P-papatayin?....ako??....ni Zac???

Hindi na ako nakatiis kaya pumasok na ako.

O_O O_O -sila

-_- -ako

"A-anong ginagawa mo dito Fritz?" ZE

Lumapit ako kay ZE...ahm Midnight Racer?

"ZE?'

Oh bakit boses ni ZE narinig ko? Si Midnight Racer pala to eh.

"Nasaan si ZE Emily?"

Ilang segundo rin kaming nagkatitigang tatlo.

"Ako to Fritz" sabi niya sabay hubad sa kanyang maskara.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"ZE narinig ko lahat. Lahat lahat"

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Sana sinabi mo na lang sa akin"

"Sinubukan ko Fritz. Noong nasa Horse Riding Club tayo kaya lang umalis ka agad ng sabihin kong ninakaw ang bracelet. Kaya inisip ko na lang na hindi ka maniniwala kong wala pa sa akin ang bracelet"

"Pero anong sinasabi mo na nagpapatalo ka?"

"Si Zac kasi ang nagnakaw sa akin ng bracelet mo. Pinakita niya 'yun kanina sa akin at sinabi pa niyang papatayin ka niya kapag di ako nagpatalo"

"Si Zac? Akala ko pa naman.... humanda siya sa akin"

" 'Wag muna Fritz. Kaya niyang saktan ang mga kaibigan mo"

"Kaya pala parang may mali eh. Ikaw naman  Emily ba't di mo sinabi?"

"Magugulo lang ang isip mo Fritz saka malapit na ang quiz high. Napakataas ng expectations ng mommy mo sa'yo"

"Basta ZE...'wag kang magpapatalo sa kanya. Hindi niya naman ako mapapatay eh. Lalabanan natin siya"

"Alis na ako. Mukhang marami-rami pa kayong pag-uusapan"

Umalis na si Emily.

"Fritz one more favor"

"Ano 'yun?"

"Call me Zacky"

"Okay pero 'wag mo na akong tatawaging Trisha ha. Ang common na kasi eh"

"Hahaha"

Hinapit niya ako and he kiss me with full of emotions.

"I love you" sabi ko

"I love you more, my angel"

Lumabas na kami dahil magsisimula na ang laban. Lumayo naman ako kay Zacky dahil baka maissue na naman ako.

"Black Fire ang tagal mo ah"

"Ahm...para kasing ang sakit ng tyan ko eh"

"Hay 'wag ka na ngang magdahilan. Sinabi na lahat sa amin ni Eagle Eye"

"The last round!" announcer

"Ready...fight!"

Unang sumuntok si Spike pero nakaiwas si MR. Sumipa si Spike pero naharangan naman ni MR. Si MR naman ang sumipa, sapul ang mukha ni Spike.

Love for a Familiar Stranger (Gangster High) (Completed)Where stories live. Discover now