Chapter 9: Sealed

15 3 0
                                    

"A-ang ibig kong sabihin--"



"Gwapo ako" Ngiting-ngiti naman siyang tumingin sa akin. Ramdam ko naman ang awkwardness o baka ako lang ang nakakaramdam 'nun dahil mukhang tuwang-tuwa ang lalaking 'to sa kasinungalingang sinabi ko.



Hindi ko talaga alam kung saan ko galing 'yun, I swear. Baka isa sa mga spell na alam gamitin ni Shanter ang pagkontrol sa sinasabi ko 'di ba? Hindi talaga ako 'yun. At bakit ko naman sasabihing gwapo siya? Nahihibang lang ang taong magsasabi 'nun!



Nakikipag-away na naman ako sa sarili ko...



"Mali ka nang pagkakarinig" Napaiwas naman ako ng tingin. "Teka nga, ayos ka na ba?" Baka balikan ano 'nung die hard fan niya at ako ang hambalusin ng baseball bat. Ayos lang sa aking mamatay pero 'wag naman sana gano'n kabrutal.



Abot hanggang impyerno ang kaba ko dahil sa babaeng 'yun. Mapupunta pa ako sa bingit ng kamatayan dahil lang sa lalaking 'to! Marami pa akong pangarap sa buhay at lalong-lalo na gusto ko pang... Magka-boyfriend...



Maaliwalas ang mukha niya ngayon. Mukhang ang ganda rin ng gising niya dahil ang ganda ng mga mapupula niyang mata. Hindi nagbabaga ang iris niya ngayon at sobrang wavy ng pula niyang buhok. Mukha siyang sisiw na tig sasampo 'nung una kaming magkita pero ngayon mukha na siyang tandang na 180 ang presyo HAHAHAHA!



Bagay na bagay sa kanya 'yung porma niyang plain white shirt at pants na black habang naka tuck-in siya. Ramdam na ramdam ko rin 'yung matitigas niyang biceps sa likuran at binti ko dahil buhat-buhat niya--



WTF!



PINAGNANASAAN KO BA SIYA?!



Nag-iwas ako ng tingin at ayoko na siyang tignan pa ulit. "Hahaha yes, ikaw? Bakit parang nanlalambot ka?" Tinignan naman niya ako ng nagtatakha. Bakit ba kasi gano'n epekto sa'kin? Bakit nanghina ako 'nung lumapit siya sa akin? Ginamitan niya ba ako ng magic?



Bakit gano'n ako kadetalye kung idescribe siya? Ano na naman bang nangyayari sa akin at nagiging gan'to ako? Hindi ko na maintindihan sarili ko 'nung mga nakaraang araw pa. Palagay ko talaga ay ginamitan niya ako ng magic!



"Wala ka bang kinalaman tungkol sa nangyayari sa'kin?" Mahirap na magtiwala. Si Gilbert nga hindi ko mapagkatiwalaan na aksidente lang ang pagbato niya sa ulo ko pero bigyan na natin ng benefit of the doubt.



Ilang beses na akong napapahamak at nadadawit sa dalawang lalaking ito. Pero mas napupunta ako sa bingit ng kamatayan dahil kay Gilbert. Una 'yung da duel tapos ito namang pambabato niya sa akin na hindi raw sinasadya pero headshot!



Habang si Shanter ang nagliligtas sa akin sa mga panganib...



Bakit ko ba siya iniisip? Dinala rin kaya niya ako sa panganib! Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko maeencounter 'yung babae sa restroom at magkakaroon ng panic attack dahil sa die hard fan niya. I did not told him to protect me...



"Sana ayos ka lang" Umawang naman ang bibig ko dahil sa pagkasarcastic ng sinabi niya sa akin. Sigurado talaga akong may kinalaman sila! "Magpagaling ka lang, Reign. Maging alerto ka, baka mangyari ulit 'yung nangyari sa'yo" Ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko.



Napalunok naman ako dahil doon. Hindi na normal ang nangyayari sa'kin. Bakit masyado siyang mabait sa'kin ngayon? May balak ba siyang gantihan ako dahil ako ang dahilan kung bakit nadala siya sa clinic? Ito ba 'yung tinatawag nilang may pagbabanta sa buhay?



He Had Fallen [On Going]Where stories live. Discover now