CHAPTER 4: FIRST DAY OF SCHOOL
HANNAH's POV
Halos mahulog ako sa kama ko nung narinig kong nag-alarm ang alarm clock ko. Binato ko ito at saka matutulog sana ulit dahil nakita ko sa wall clock ko na 4:32 am pa lamang ngunit nang tumingin ako sa planner ay halos manlaki na ang mga mata ko. First day of school pala ngayon. Muntik ko nang makalimutan. Tumayo agad ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa salamin. Ang ganda ko kahit bagong gising. Kumuha ako ng towel at dumiretso na sa CR para maligo. Di ako tulad ng ibang babae na nagdadasal pa ata bago maligo dahil sa tagal. 15-30 minutes lang ako kung maligo. Pumunta ako sa closet at kinuha ang uniporme namin. Pang manag siyempre. Sinuot ko ito at saka pumunta sa may study table dahil dun ko nilalagay ang mga accessories. Linagay ko na lahat ng kailangan ilagay sa mukha ko tulad ng braces at fake eyebrows. Tumingin ako sa salamin at success, ang pangit ko na. Bumaba na ako para mag breakfast at nakita ko ang kuya ko na nandun na.
"Good morning, oppa"-bati ko sa kapatid ko sabay halik sa pisngi niya.
He's Lay Park, kapatid ko, 19 years old palang siya pero isa na siyang successful Civil Engineer at minsan ay pinapadala siya sa ibang bansa para magtrabaho doon. Ang swerte ko na nagkaroon ako ng kapatid na tulad niya. Ayaw na ayaw niyang napapahamak ako at nasasaktan. Minsan nga lang kami mag-away niyan eh.
"good morning rin, my princess"-alam ni kuya kung bakit nakapang-manang kami. Close kasi kami, minsan nga akala ng iba may relasyon kami. Umupo na ako at nagsimula nang kumain. Pagkatapos ng five minutes ay tapos na akong kumain. Tumayo na ako at saka hinalikan sa pisngi si kuya at saka nagpaalam.
"bye princess"-sabi ni kuya.Ang tawag nila sakin ay princess at kay kuya ay prince. Ako lang ang di tumatawag na prince sakanya. Nagpahatid ako sa driver namin papunta kina Dace. Doon kasi kami magkikita-kita dahil yun na yung nakasanayan namin simula ng naging nerd ang get up namin. Nakarating agad kami sa bahay nina Dace. Di naman kasi ganon kalayo ang bahay namin sa kanila eh. Pumasok agad ako sa gate nila at dire-diretso sa loob. Kilala na kasi kami dito ng mga tao eh.
"GOOD MORNING GIRLS!"
"ayangpangetniyo!"-bilang saad ni Dace. Nabigla ko ata. Nakatalikod kasi siya saakin eh.
"why so mean?"-sabay sabay naming sabi maliban kay Dace. napapout pa nga kami eh.
"Im handsome. Im not ugly"-baby chan-chan sabay pout. Hangkyut. Sarap isako at gawing display sa kwarto.
"me too"-kuya ni Dace at nagpout rin.
"hahaha di kaya, saka di kayo bagay mag pout pfft"-natatawang wika ni Dace na lalong nagpapout samin.
"why so mean"
"Baby chan? Teach them how to pout araso?"-sabi ni Dace kay baby chan-chan habang pina-pat ang ulo nito. Nagmukha tuloy aso si baby chan-chan.
"okay ate"-saad ni baby chan-chan. Wala na, di na siya cute, sumakay na siya sa trip ng ate niya.
"che! alis na nga lang tayo! Bye kuyas"-sabi ko at nagsisunuran naman sila saakin. Dumiretso kami sa labas ng mansyon nina Dace.
"Dace nasan bike namin?"-tanong ni Laine. Ang bike na tinatanong niya is yung mountain bike namin.
"garage"-tipid na sagot ni Dace. Kung nagtataka kayo kung aanhin namin ang bike, syempre sasakyan, kidding. Gagamitin namin yun as props nanaman namin. Para naman kapani-paniwala na mga cheap nga kami.
"let's go"
Nagsimula na kaming mag-pedal. Nakakapagod siya kasi naman naka skirt kami, ay mali, paldang mahaba pala. NERD nga kasi diba? Kailangan mahaba ang palda para magmukhang nerd talaga no. Actually malapit lang ang school na papasukan namin kaya after 15 minutes ay nakarating na kami sa school. Bumaba na kami sa bike namin at pinarada ito sa may bandang gilid ng parking lot ng school. Lalakad palang kami pero may narinig na kaming mga bulon-bulungan daw pero rinig na rinig naman.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Legendary Gangsters are NERDS (Editing)
Action[NOTE]: SOME PARTS ARE MISSING NERDS? "panget" "freak" "weirdo" "weak" ganyan lagi ang naririnig natin diba? pero kung ang mga panget, freak, weirdo at weak na nerds ay ang matagal nang hinahanap ng gangsters? what if "THE LONG LOST LEGENDARY GANGST...