Chapter 15

10.4K 192 5
                                    


Aryaniah's POV

3:37pm
Milan- Malpensa Airport

Wala sa sarili akong naglakad palabas ng airport

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Wala sa sarili akong naglakad palabas ng airport. Nang maglanding ang eroplanong sinakyan ko pabalik dito sa Italy. Tinapos ko muna ang Exam ko bago ako bumalik dito para kay Ama. Gustohin ko man na huwag bumalik pero kailangan. Noon ay akala ko maayos na ang buhay ko dahil nakamit ko na ang kalayaang inaasam ko pero nagkamali na naman ako. Nang mahanap ako ni Reign mali yata ang desisyon kong bumalik. Alam kong kailangan ako ni Ama pero alam ko naman na kaya siyang alagaan ni Ina kahit wala ako. Gusto ko naman maging masaya iyong walang nangingialam sa kung ano man ang desisyon na gawin ko sa buhay ko. Kahit pa alam kong lumaki ako na tinuruang sumunod sa utos nila dahil iyon ang batas ng pamilya namin at bilang isang bahagi ng nakatataas na pamilyang kinabibilangan ko kailangan kong sundin ang mga batas na iyon.

Si Reign mismo ang nagsundo sa'kin sa Airport.

"Napagod ka ba sa byahe? Gusto mo ba kumain muna tayo?"

Matagal ko ng kaibigan si Reign halos sabay na kaming lumaki. Pero parang may kakaiba sa mga kinikilos niya ngayon. Nawewerdohan ako na ewan.

Tumango nalang ako totoo namang napagod ako sa byahe. Matapos ng exam kinabukasan ay lumipad agad ako pabalik dito sa Italy.

Naalala ko tuloy ang mukha ni Alien ng magpaalam ako sa kaniya na babalik ako dito. Para siyang batang iiwan ng nanay niya. Pero nakakatawa na ewan kahit kailan loko-loko talaga. Para talaga siyang bata hindi ko nga alam saan ba pinaglihi ang pagiging weird ng lalaking iyon. Minsan seryoso minsan naman nakangiti lang na parang ewan. Tapos bigla-biglang mantitrip kung ano-anung kabaliwan ang naiisip lagi. Pinapasakit niya ang ulo ko halos araw-araw at talaga namang hindi na natahimik ang buhay ko dahil sa kaniya.

Sabihin ba namang gusto niya ako, hanep talaga sa kabaliwan. Sino namang maniniwalang gusto niya ako e panay kabaliwan pinaggagawa sa'kin. Pero minsan naman sobrang sweet niya. Aish! Ang gulo bahala siya sa buhay niya saka ko na nga muna iisipin ang alien na iyon. Paniguradong pagbalik ko sasakit na naman ulo ko sa kaniya. Hayst!

Gabi na nang makauwi kami ni Reign.  Hindi ko muna pinaalam kay ama ba nandito na ulit ako. Tanging si Ina lang ang may alam na babalik ako dito. Nasa hospital pa din si Ama at inuobserbahan pa ang lagayan niya. Ang sabi sa akin ni Reign ay kailangang operahan ni Ama at magpapa-opera lang ito kapag nakapag-usap na kami. Alam ko naman na ipipilit pa din niya ang gusto niyang magpakasal ako sa lalaking gusto niya para sa'kin.

Paano naman ako? Ayokong makasal sa taong hindi ko naman mahal para sa akin nga ang gusto niya pero hindi para sa kaligayahan ko. At alam kong tradisyon na ng pamilya namin iyon dahil gan'on din ang nangyari sa kanila ni Ina. Pero ibang usapan naman iyong sa kanila. Childhood friend sila ni Ama kaya hindi naging mahirap para sa kanila ang setwasyon dahil pareho naman sila ng nararamdaman naalala ko pa ang kwento ni Ina sa akin. Na sobrang saya niya ng malaman na kay Ama siya ipapakasal dahil matagal na niya itong mahal. Gan'on din si Ama sa kaniya.

Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon