Chapter Fourthy-Seven

9.2K 235 1
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at nalaman na ng mga katrabaho niya ang tungkol sa relasyon niya sa kanila boss. Labis niya iyun pinangambahan sa magiging reaksyon ng mga ito.

Ngunit siguro dahil naging mabuti naman siya sa lahat ng mga taon na lumipas ay naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa paligid nila ang kanila relasyon.

Hinahayaan na niya makita ng lahat ang mga oras na magkasama sila ni Jamiel,well,they are their boss kaya malaki ang respeto ng lahat sa binata.

Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mata niya na tinatangay ng hangin mula sa karagatan. Magkahawak-kamay sila ni Jamiel habang naglalakad sa dalampasigan. Naglakad-lakad sila matapos nila kumain sa hotel.

"Ano nga pala sasabihin mo?" baling niya rito ng maalala na may sasabihin daw ito.

Tumigil ito sa paghakbang at humarap sa kanya. Hinapit siya nito sa kanya beywang palapit rito. Napasinghap siya sa pagdidikit ng katawan nila.

"Para di ka lamigin.." may himig na kapilyuhan nito usal.

Natawa naman siya sa pananantsing nito. Yumakap na lang din siya rito habang magkaharap pa rin ang kanila mga mukha.

"30th wedding anniversary nina Mama at daddy..they want you to come...isasama kita,sa Sunday ng gabi.."

Nanlaki ang mga mata niya. Tatlong araw na lang yun.

"Uhm,w-wala ako isusuuot.."

Hinaplos nito ang pisngi niya.

"I'll take care of it...ang gagawin mo lang ang maging komportable samin,parte ka na ng pamilya namin at nang buhay ko,Mandy.." masuyo nito saad.

Inaalok ba nito ang isang Forever?

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Wala na siya maging balita kay Chloe nang isang araw laman na naman ito ng social media na nakikipagdate sa isang kilalang artista.

Well,hindi na mahalaga sa kanya ang tungkol sa Chloe iyun ang mahalaga sa kanya wala na ito sa buhay nila ni Jamiel.

Napaangat siya ng tingin sa binata ng tanggalin ng daliri nito ang pagkakagat niya sa labi niya.

Madilim ang mga mata nito nakatitig ito roon. Bigla nag-init ang pakiramdam niya.

Madalas sila magkatabi sa pagtulog ni Jamiel pero ni minsan hindi lumagpas sa halik at yakap  ang ginagawa nito sa kanya habang nasa kama sila.

Jamiel is gentleman mankind. She sighed. Papayag naman siya eh kung gusto nito.

Parang gusto niya murahin ang sarili sa gusto ng isip niya na sana ay may mangyari na sa kanila.

Napaawang ang bibig niya sa kaisipan iyun.

Diyos ko,Mandy. Tama na,nagiging manyak ka na! sita niya sa kanya isip.

"What are you thinking? Namumula ka?" pukaw nito sa kanya.

Matiim ito nakatitig sa kanya.

"U-uhm,w-wala naman..k-kiss mo na lang ako.."agad nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi niya.

Bago pa man siya makapagsalita muli sinakop na nito ang bibig niya. Hindi siya nakatugon sa umpisa pero nang makabawi siya buong puso siya tumugon sa malalim nito halik.

Howling For Love Series 1 : JAMIEL DORNAN byCallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon