00:00:59:59

56 7 7
                                    

The Last Minute

••••••••••••••••••••••••••••••


Ang bilis ng panahon. Sa sobrang bilis di ko namalayan na huling araw ko na pala ngayon.

''Luna!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang nakangiting mukha niya. Agad akong lumapit sa kanya at tsaka ko siya niyakap.

''Oh kumusta naman ang maganda kong asawa?"

Tama kayo. Mag-asawa na kami. Paano nangyari yun? Ganito kasi 'yun, nang matapos ang nagbabadya sanang digmaan ay nagplano agad kami para sa kasal namin. Kasama sa pagpaplano sina Haidie at ang Kamatayan kaya naging madali at maayos ang lahat.

Nakakatawa nga kasi aayaw pa si Kamatayan nung una tapos bandang huli, siya pa pala 'yung may magandang suggestion. Siguro nakalimang tawa ako sa kanya. Hahahahaha.

''Eto maganda pa din, eh ang pogi kong asawa?"

''As usual pogi pa din.''

''Ikaw talaga mahal, hangin ah!"

Natawa lang siya sa 'kin. Mga tawa niyang hindi ko na maririnig at makikita pagnatapos ang araw na ito. Isang minuto na lang... ang huling minuto ng buhay ko. Matatapos na ang lahat, at pagnatapos 'yun ay mawawala lahat ng mga alaala nila tungkol sa akin.

''Mahal?"

Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita si Daniel.

''Bakit ka umiiyak?"

Oo nga pala, hindi niya pa alam na huling minuto ko na ngayon. Wala na kasi sa akin ang hour glass ko. Ibinigay ko na kay Haidie.

''Ah wala, inaalala ko lang yung nakaraang tatlong araw na pagsasama natin bilang mag-asawa.''

''Bakit naman?"

''Gusto ko lang, masama?"

''Hindi naman.''

Sabi niya at muli akong niyakap. Mga yakap na mamimiss ko, sobra.

''Ay Mahal wait lang ha bibili lang ako ng maiinom natin ah! Dyan ka lang.'', sabi niya at hinalikan ako sa labi.

''Sige mahal ingat ka ha baka madapa ka! I love you Mahal!"

''I love you too.''. Tumalikod na siya at umalis na.

Nandito kami ngayon sa may beach, nag-aabang ng sunset. Pagkalubog ng araw kasama na ako sa mga buhangin dito. Napatingin ako sa singsing ko, ang wedding ring namin. Nakakainis ang tadhana, hindi ko makakasamang tumanda si Daniel. Magkakahiwalay na naman kami.

Kinuha ko ang salamin ko upang tingnan ang mukha ko. Maayos pa naman pero nagulat na lang ako ng may nakita akong nakatutok na kutsilyo sa likod ko.

''Kumusta Miss Luna?", ang boses na iyon.

''Arthur?"

''Ako nga! Ano ba 'yan kating-kati na ako na tapusin ka! Ang tagal pa ng hihintayin ko para mamatay ka na!"

Hindi ako makalingon, madiin ang pagkatutok nito sa 'kin ng kutsilyo. Daniel nasaan ka na ba?

''Bakit? Ano bang kasalanan ko sa'yo Arthur?"

''Kasalanan? Ipinagpalit mo lang naman ako sa walang kwentang lalaking 'yon?"

''Ano bang ibig mong sabihin?''

''Manhid ka! Mahal na mahal kita Luna! Matagal na! Wala pa yang lalaking iyan! Hindi mo kasi alam dahil lagi mo na lang nilalapit sa 'kin yung walang kwentang Genevive na 'yun!"

          

''Anong ginawa mo sa kanya?"

''Simple lang, pinatahimik ko na siya para di na siya magsasalita tungkol sa 'kin!"

''Walang hiya ka Arthur! Pagbabayaran mo 'to!"

''Pero mahal naman kita! Kasama kita sa pagbabayad ko!"

Marahas niyang hinila ang braso ko. Daniel nasaan ka na ba?

''Akin ka lang Luna! Akin ka lang!"

''Daniel! DANIIEEELLLL!!!"

''Sinabi nang akin ka lang!", sinampal niya ako ng malakas dahilan upang matumba ako. Naluluha na ako at natatakot na ako. Hindi na kaya ng katawan ko na pahintuin muli ang oras.

''Naku! Sorry! Nasampal ko tuloy 'yang maganda mong mukha.'', hinawakan niya ang mukha ko pero agad na iniwas ko ito sa kanya. Hindi pa siya nakuntento at marahas niyang hinawakan ang mukha ko at marahas din niya akong pinaghahalikan. Nilalabanan ko siya ngunit mas malakas siya sa 'kin.

Daniel! Daniel! Dumating ka na please! Iligtas mo ako!

Maya-maya ay nararamdaman ko na lang na tinatanggal ni Arthur ang mga butones ng damit ko. Utang na loob Daniel nasaan ka na ba?!

Wala na lang akong nagawa kundi ang umiyak. Malakas si Arthur at kinakain nito ang lakas na mayroon ako. Daniel! Daniel!

Nang makakuha ako ng tiyempo ay buong-lakas kong isinigaw ang pangalan ng mahal ko. ''DANIIIEEEEELLLLL!!"

''TUMAHIMIK KA!", muli niya akong hinalikan. Pinipilit kong labanan siya pero nanghihina na ako isama pa na nababawasan paunti-unti ang lakas na mayroon ako sa bawat  segundong lilipas.

''Demonyo ka!"

Naramdaman ko na lang na wala na ang taong nakapatong sa 'kin. Pagdilat ko, nakita kong nakabulagta ito sa buhanginan at nakita ko din ang likod ng lalaking kanina ko pa hinihintay.

''D-Daniel...''. Ramdam ko ang sobrang panginginig sa katawan ko.

''Luna!"

Lalapit na sana siya sa 'kin pero nanlaki ang mga mata ko sa mga sumunod na nangyari.

Isang putok ng baril.

Nakita ng dalawang mata ko kung paano natumba si Daniel. Hindi! Huwag!

''Daniel!!!"

''Sa akin ka lang Luna! Akin ka lang!", ani ng demonyong may hawak-hawak na baril.

''Kahit kailan hindi ako magiging iyo! Tandaan mo 'yan!"

Akmang kukunin niya ulit ako pero nakatayo muli si Daniel at agad na inundayan ng suntok si Arthur. Tumilapon naman papunta sa akin ang hawak nitong baril kung kaya't kinuha ko ito.

Tumayo ako at itinutok ang baril sa dalawang nagsusuntukan. Masyadong mabibilis ang kilos nila. Hindi ko alam kung saan at kanino ito tatama sa oras na pinaputok ko ito pero sana... sana si Arthur ang madali nito.

''Magtiwala ka lang, gagabayan kita Luna.''

Teka siya 'yun diba? Ang dyosa ng oras. Nagsalita ba siya sa isip ko?

Alam ko na! Kahit mapapa-ikli nito ang oras ko, eto lang ang tanging paraan para mailigtas ko si Daniel.

Pumikit ako ng matagal... sana gumana. At kinalabit ko na ang hawak-hawak ko. Nakakabingi ang putok nito pero kahit na ganun sana huwag... sana hindi si Daniel. Kasabay nun ay ang paghiyaw ng isang boses sa sakit na nararamdaman nito hanggang sa nawala ang ingay nito.

Luna's HourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon