Chapter 4

4.1K 201 33
                                    

hi 123dragonzpricess

🐰🐺🐰🐺🐰🐺

''B-bunny'' bulong ko.

Hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko, tila ba naestatwa ako habang naka tingin sa napaka laking aso.

Asong gubat.

Ibinaling ko ang paningin ko kay Bunny. Kanina lang ay nag tatatalon pa ito, ngayon ay ni hindi na ito gumagalaw. Nakaramdam ako ng awa habang kagat-kagat siya ng malaking aso.

Ibinaling ko ang aking tingin sa aso.

Nanlilisik ang mga mata nito at tila ba kahit na anong oras ay sasakmalin niya ako. Kulay abuhin ang balahibo nito at para bang ilang linggo na 'tong walang ligo dahil sa nakaka iritang amoy nito.

Iniluwa nito si Bunny saka dahan-dahang lumapit sa akin habang naka labas ang matatalim niyang mga ngipin.

Marahan akong umatras,

''pangako lord pag naka ligtas ako dito ay mag papa ka babae na po ako.'' Piping dasal ko.

Napatingin ako sa aking paanan, nakita ko ang isang sanga ng kahoy.

''Kung dadamputin ko kaya ito may pag asa kaya akong mabuhay?'' tanong ko sa aking sarili.

Tinitigan ko ang aso saka muling tumingin sa sanga.

Napailing ako. Buti sana kung kasing laki lang siya ng chihuahua.

Hindi pang karaniwan ang laki nito, siguro ay ganoon talaga pag asong laki sa gubat. Wala akong pag asa kung gagamitin ko yung sanga pang hataw sa kaniya, baka lalo lang itong mang gigil at patayin pa ako sa pinaka brutal na paraan.

''A-ano bang klase ng d-dog food ang tinira mo at g-ganyan ka k-kalaki?'' pag kausap ko dito.

Pero tila lalo itong nagalit sa sinabi ko at umangil.

Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso, yung angil niya parang higit na malakas ng sampung beses sa aso ng kapit bahay ko.

''G-good d-oggy, calm d-down.'' mahinahon kong pag kausap dito, baka sakaling madaan sa magandang pakiusapan ang aso na 'to.

Pero mukhang hindi madadaan sa pakiusapan ang aso na 'to, ipinag patuloy lang niya ang pag lapit habang umaangil. Pag atras ko ay muntik pa akong mawalan ng balanse ng tumama ang sakong ko sa malaking ugat ng puno.

Habang papalapit siya ay ako naman ay paatras, hanggang sa maramdaman ko ang puno na nasa aking likuran.

''Ito na ba ang katapusan ko?''

Nakaka irita ang mga fairy tale pero ngayon, na-nanalangin ako na sana ay may dumating na prinsipe at tuhugin niya ng espada ang aso na ito.

Tawagin ko kaya ang mga kaibigan ko?

''Dar- jusko po!'' pasigaw na ako ng bigla itong tumalon sa ere para sunggaban ako.

Mabuti na lang ay bago pa niya ako dambahin ay naka iwas ako. Tumama ang malaki nitong ulo sa puno. Nakita kong umiling ang ulo nito, siguro ay nahilo.

Pag kakataon ko na.

''Tulong!'' sigaw ko saka kumaripas ng takbo. Pag kasama niya na ang mga kaibigan niya ay tiyak na matatakot na ang aso dahil marami na kami.

Sa taranta niya ay hindi niya namalayang sa ibang direksiyon siya tumakbo, imbis na pabalik sa mga kaibigan niya ay lalo pa siyang napalayo.

''Daryl! Ashley! Kylie!'' patuloy na sigaw ko. Bahala na kung mairita ang mga kaibigan niya dahil isinigaw niya ang buong pangalan ng mga ito.

My Mate is a TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon