Unfair
Hindi ako makapaniwalang magto-toss coin kaming dalawa para lang sa kama. Hindi ko gustong tumabi sa kanya! Heck, I would never dig on my own grave!
"Head or tails?" tanong niya.
"Head." Ngumisi siya sa akin.
There I realized na iba ang iniisip niya, hinampas ko siya.
"Bastos!"
I heard his hearty laugh, "I never meant anything about that!" saad niya tsaka hinagis ang coin. Tumatawa pa rin ang ungas. Masama ang tingin ko sa kanya.
"Sa sofa na ako. Enjoy the bed, Sab." Saka na naman siya tumawa.
"Ang bastos mo!" Sigaw ko.
"Ikaw ang nag-iisip ng kung anu-ano!" tsaka siya ngumisi ng may pang-aasar. Umiling ako. I couldn't believe this! Nasa iisang kwarto kami ng lalaking sinaktan ako, sa Palawan! And here I am thinking green things about his language! The heck with my brain!
Umalis ako sa kama tsaka nagpunta ng banyo, nagtoothbrush ako't lahat. Tinitigan ko ang mukha ko after I washed my face.
"Nagbago ka nga ba, Sab?" tanong ko sa sarili. Umiling na lang ako't lumabas sa banyo. I shouldn't let myself fall in his trap again. I should've learned a lesson two years ago.
Tahimik akong nahiga sa kama, tiningnan ko ang nakatalikod na si Rhiniere.
Paano ko ba makakalimutan? Yung kahit makasama kita nang ganito ay hindi ako makakaramdam ng galit, takot at ng sakit?
Bumuntong hininga ako at tumalikod na rin sa kanya.
"I'm sorry, Sab."
"You don't know how much it means to me right now. Makausap ka kahit nagtataray ka, makita kang matuwa sa mga maliliit na bagay, makita kang masaya, makasama ka sa kwarto, makita ang reaksyong hindi ko nakita dalawang taon nang nakakaraan at ang mayakap ka ng ganito kahigpit. God knows how happy I am right now. I missed you so much, Sab. I miss us. I miss everything we had. Please give me another chance to show you that I never used you."
Sunud-sunod na nagsiballikan sa isip ko ang mga sinabi niya kanina. Gumuhit ang isang ngiting gusto ko pakawalan kanina pa.
Alam niya ba kung gaano ako nagtitimpi para hindi mahulog ulit sa kanya? Alam niya ba kung gano ako nagpipigil dahil mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa ko para sumaya ako ulit, para makaahon ulit sa ginawa niya sa akin?
Ganon ba talaga siya? He will always use my feelings to win me back? To use me again? Para masaktan ako ulit? Bakit napaka-unfair niya?
Hinawakan ko ang puso ko, pero bakit natutuwa ka?
Should you let yourself love him again, Sab?
**
"Sab! May ipapatikim ako sayo!" masayang sambit ni Rhiniere nang dumating siya sa bahay. Nakasanayan niya nang gawin iyon, nakasanayan na rin nina Mommy na andito siya sa amin para bumisita.
"Anong weirdong pagkain na naman ba iyan, Rhine?" reklamo ko pero wala akong nagawa nang hinila niya ako papuntang kusina. He's always this excited when it comes to cooking.
Kumuha siya nang kutsara at binuksan ang pagkaing nakalagay sa tupperware. Tinitigan ko ang pagkain, mukha itong sunog at mukhang hindi edible.
"Papakainin mo ako niyan, Rhine? Papatayin mo ba ako? Seryoso, gusto ko pa mabuhay."
Ngumuso naman siya, "Isang tikim lang, Sab! Sige na!"
BINABASA MO ANG
Back with Vengeance (FIN)
RomanceShe saw him looking at her like he used to. He was the same old guy she knew but she was never the same. She was wrecked the last time she saw him with another woman. Paano niya iyon makakalimutan? Iyon ang dahilan kung bakit siya nagbago; pananami...