Pag gabi daw bawal sumitsit dahil tumatawag ka daw ng mga kaluluwa at maligno.Yan ang palaging sinasabi ng mga matatanda sa makukulit na bata. Ginagawa nila itong isa sa mga dahilan para hindi lumabas ang mga ito sa gabi.
This story experienced by Michael llanto.
-------------------------
Alas diyes na ng gabi nasa labas parin kami ng mga kaibigan ko at naka tambay sa half court na napapaligiran ng mga puno.
Nagkukwentuhan lang kami ng kung anu-ano hanggang mapatopic ang kwento sa nakakatakot. Yung mga sabi sabi daw ganorn.
Biglang dumaan yung isa naming kapitbahay at balak ko isali sya sa kwentuhan namin.
"Oy Beka! Oy!" Tawag ko hindi manlang lumingon.
"Binge ata yan chie" sabi ni Nine sabay tawa.
"Letse to Bekekang nato!!" Inis kong sabi. Tinawag ko ulit si Beka na papalayo na sa pwesto namin.
"BEKA! Pssst! Pssst! Psss--" napatigil ako sa pag sit sit ng takpan ni Sherwin yung bibig ko.
"Bakla masamang sumitsit sa gabi! Nag tatawag ka daw ng mumu at lamang imbornal"paliwanag ni Sherwin na may pananakot sa sinabi.
Natawa kami sa huling sinabi nyang lamang imbornal daw.
"Gaga naniniwala ka pa doon? Mag h-highschool na tayo naninindigan kaparin sa sabi sabi Psssssssttt" sabi ko with talsik laway pa.
"Bahala ka ayaw mo maniwala! Si monay nga nakakita doon sa ilog ng multo nung nag sitsit sya eh."
"T#nga sipol daw yon." Sabi ni Negra
"Oo sipol daw yon." "Hindi sitsit" nag talo talo kami kung alin ba sa dalawa.
Mga mag alas dose na kami ng mag pasyang mag uwian.
Sa aming mag kakaibigan ako lang ang walang kasabay pauwe.
Ang bahay namin ay malapit sa ilog at sa kabila ng ilog naman ay ang manggahan. Nag lalakad na ako papauwe. Marami pang puno at at hindi pa crowded ang papunta sa amin dati.
Habang nag lalakad si ako naisip ko yung mga napag usapan namin. Kaya ginawa ko habang nag lalakad ay sumisit-sit at sumipol.
Napatigil ako sa pag lalakad at pag sit-sit dahil may narinig akong tumatawa.
Napalingon lingon ako sa paligid wala namang tao. Tutuloy na sana ako sa pag lalakad at sisit sit sana uli ng may tumawa uli. Matinis ang pag tawa at parang galing sa bakanteng lote na puro puno at damo. Tinitigan ko maigi baka kasi may mga tambay don na nakatago lang o mag dyowabels na nag aanuhan. Minsan kasi ginagawang motel yun ng mga mag dyowa na walang datong.
Wala akong maaninag kaya lumapit ako maigi. Kahit bakla ako hindi naman ako matatakutin.
Di go lang ako ng go. Hanggang nasa gitna na ako ng lote. Ang lamig ng simoy ng hangin. Kaya napayakap si ako sa sarili ko. Nakaramdam ako ng takot kasi feeling ko may nakatingin sa akin kaya umalis na ako. Nag tatakbo ako papauwe kasi parang may nakasunod sakin. Pag natingin naman ako wala.
Lumipas ang limang araw ay hindi na yon naulit. Dahil hindi na ako nalabas ng bahay kapag gabi dahil weekdays at may pasok sa school. Friday ngayon kaya pwede kami mag puyat.
Back to session ulit kami ng mga Chaka. Kompleto na kami andito rin si Beka binge. Pagkatapos kasi naming mag Dinner nagkikita nakami sa half court sa pa L-shape na batong upuan.
Nag kwentuhan na kami ng kung anu-ano nag laro din kami.
"Chie bat kada salita mo may psst? Ano ka ahas?" Birong tanong ni Sherwin.
BINABASA MO ANG
Kwento ng Kababalaghan (BASED ON TRUE STORIES)
RandomLAHAT NG NAKASULAT DITO AY PAWANG KATOTOHANAN LAMANG. MGA KABABALAGHANG NANGYARI MISMO. KARANASANG GALING MISMO SA AKIN, SA KAPAMILYA KO, KAPITBAHAY NAMIN, KAIBIGAN AT SA MGA KAKILALA KO. ITO PO AY HINDI KO GAWA GAWA LANG. AT ITO ANG MAG PAPATUNAY N...