Isa

25 1 3
                                    

Jo, may gagawin ka ba bukas? Samahan mo nga ako, simba tayo.

Awtomatikong napangiti ako ng makita ang nickname niya sa chat. Agad akong nagtipa sa keyboard ng ire-reply sa kanya.

Sure! Wala din naman akong gagawin bukas. What time?

Wala pang isang minuto ay nagreply din agad siya.

Eight? Agahan mo ng gising ah, mag-alarm ka. Susunduin kita diyan.

Hindi na mawala ang kasiyahan sa mukha ko habang nagiisip ng isasagot sa kanya. Napakagat labi ako para pigilan ang impit na kilig sa kaibuturan ko.

Nang dumaan si kuya sa pwesto ko ay sinaway ko ang sarili ko. Mahirap na, baka mapansin na naman ako ni Kuya Ross.

Jo, tama na. Kaibigan lang tingin niya sa iyo. Nagpapasama lang siya sa'yo, hindi yon date. Huwag kang mag-assume masasaktan ka lang...

Okay.

Sagot ko na lang, tuluyan na akong nainis sa ideyang naisip ko.

Jo, maaga kang gigising a. Baka naman pagdating ko diyan hindi ka pa naliligo.

Napangiwi ako. Naitatak na talaga niya sa isip na lagi akong mabagal kumilos o kaya ay laging late. Kilala na talaga niya ako.

Oo nga. Sige na good night na, matutulog na ako nakakahiya naman sa'yo.

Bago pa siya makareply ay naglog out na ako, mahirap na baka hindi na ako tumigil sa kakachat kung hindi ko sasawayin ang sarili ko.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at humiga na. Patulog na nga dapat ako kanina ng maisipan kong manuod muna sa Youtube pamapaantok tapos nag-online na din ako.

Nakailang ikot, baliktad at galaw na ako sa kama pero hindi pa din ako makatulog. Hanggang ngayon kasi, kahit ayaw kong isipin ay naiisip ko siya, si Celo. Naiisip ko yung kami.

Naks, may kami ba?

Alam niyo yung feeling na hindi ka sigurado sa isang bagay? Yung wala kang mapanghawakan?
Hindi ka sigurado kung kakapit ka dahil hindi naman siya nagbibigay ng tali para kapitan mo? Did you ever feel like you wanted to fall but you are not sure if he's willing to catch you?

Ramdam niyo yun? Ganoon kasi ang nararamdaman ko ngayon.

Si Celo kasi kaibigan ko siya pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang mga akto na pinapakita niya sa akin. Hindi ko tuloy alam kung naga-assume lang ako o dumidiskarte talaga siya.

Alam kong meron pero hindi ko mapangalanan kung ano ba talaga kami kasi wala naman siyang sinasabi sa estado naming dalawa.

Ang alam ko magkaibigan kami, dati.

Alas dose na ng nagvibrate ang cellphone ko. Nang tiningnan ko ito ay may mensahe galing kay Celo. Tatang Celo ang pangalan niya sa cellphone tsaka sa facebook ko, at Ka Jo naman ang pangalan niya sa akin. Close naman kami kaya kahit ganoon kadugyot pakinggan ang tawagan namin ay okay lang.

Binuksan ko ang message niya at napangiwi ng mabasa ang laman nito.

Binibining Jolina Madrigal matulog ka na. Magkikita pa tayo bukas, magpapaganda ka pa para sa akin.

You'll also like

          

Nagtipa agad ako ng sagot.

Kapal mo Marcelo Antonio. Ako? Magpapaganda para sa'yo?

Binasa ko muna ng maayos ang nabuo kong mensahe bago ito isend sa kanya.

Binibini ba't gising ka pa? Sinusubukan ko lang kung gising ka pa. Matulog ka na, tutulog na din ako good night bb. Sweet dreams. :)

Hindi na naman mawala ang ngiti sa labi ko. Anong ibig sabihin nung bb? Baby o binibini?

Sinaway ko ulit sarili ko.

Tulog na Jolina, naga-assume ka na naman. Antok lang yan..

Pinikit ko na ang mata ko at pinilit na matulog hanggang sa tuluyan na akong makatulog. Pagkagising ko ng alas sais ng umaga ay naligo na ako at nag-agahan. Tumambay na ako sa harap ng bahay namin habang inaantay si Celo.

Napatigil ako sa pagbabrowse sa internet ng may lumitaw na mensahe galing kay Celo.

Morning binibining Jolina. Ganda natin ah, sabi mo hindi ka magpapaganda para sa akin?

Napatingin ako sa paligid at natigil ito sa harap ng bakuran namin. Diretsong nakatingin sa akin si Celo, hindi siya galit pero seryoso siyang nakatingin sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti siya.

Nagumpisa ng maging abnormal ng tibok ng puso ko. Si Celo lang nakakagawa ng ganyang bagay sa akin, sa kahit anong paraan sa kahit anong gawin niya.

"Tara na?" Aya ko sa kanya. Tumingin muna siya sa bahay namin.

"Magpapaalam muna ako kay na tita."

Tumawa ako para maibasan ang kabang nararamdaman ko.

"Tita ka diyan. Close kayo?"

Ngumisi siya. Saka ko lang napansin ang kabuuan niya. Naka-ripped jeans siya at simpleng gray na v-neck.

"Naman,"

Nagpaalam nga siya kay na mama bago kami umalis. Pagkadating namin sa simbahan ay marami nang tao, mabuti na lang at may naupuan pa kami. Hindi pa nagsisimula ang misa kaya nagkwentuhan muna kami habang naghihintay.

Marami kaming napag-usapan. Sa school, school activities, mga kaibigan namin, tapos sa pag-aaral. Ginanahan akong magkwento dahil talagang nakikinig siya. Ganoon din siya sa akin kaya hindi kami na-bored hanggang sa magsimula na ang misa. Nagulat pa ko ng makitang may babaeng naglalakad sa gitna papunta sa altar.

May ikakasal pala.

Tiningnan ko ang lalaking naghihintay sa dulo. He's smiling from ear to ear. Masaya kaya talaga siya? Itong babae parehas kaya sila ng nararamdaman?

This is my second time to witness a wedding at mas espesyal ito dahil kasama ko si Celo. Kung bakit naging espesyal ay hindi ko alam.

Habang nagmimisa ay panay lang ang tingin ko sa dalawang ikinakasal. Nakaluhod sila parehas.

Nakakangalay...

Normal pa din naman ang naging takbo ng misa kahit may ikinakasal.

"Why are you smiling?" Tanong ni Celo pagkalabas namin ng simbahan. Tiningnan ko siya at umiling-iling.

"Hindi ka ba napasaya nung nakita mong wedding kanina?"

"Hindi, hindi ko naman kilala ang mga yun. Ang dapat lang maging masaya ay ang mga taong malapit sa kanila."

Napanguso ako, anong pinaglalaban niya?

"Chill. Nagtatanong lang naman."

Napangiti na lang siya at hindi na muling umimik. Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay tinukso pa ako ng mga kapatid kong babae habang seryoso namang nakatingin sa amin si kuya.

Tinanguan niya nga lang si Celo ng nagpaalam na ito.

Ilang minuto pa lang pagkaalis niya ay nakatanggap ako ng message mula sa kanya.

Ganda mo miss. See you tomorrow. Thank you!

Nakangiti ko itong nireplyan at pumasok na sa kwarto ko para magbihis.

Can We Still be Friends?Where stories live. Discover now