Chapter 30

11 0 0
                                    

Nagpatuloy lang ako sa pagsigaw sa pangalan niya hanggang sa umabot na sa fourth quarter. Unlike the last game that they aced back in our place, mas nahirapan sila sa mga ito. Dikit halos ang scores at lamang ang kabilang team. Pawisan na sila ng magtime out ang kabilang team, nagtaas baba pa ang dibdib ng ilan pagkalabas ng court, they might be very exhausted. Halos lahat ay si Anghel ang gumagawa kasama si Ace, the rest of the team ay taga-agaw ng bola, taga-pasa ganun pero nakakahanga pa din ang team work nila. Hindi sila katulad ng kabilang team na kunot ang mga noo at mga seryoso habang naglalaro. Sina Anghel, kahit pagod ay nakangiti pa din ang mukhang ineenjoy lang ang ginagawa.

Nang nagsimula ang laro ay napatingin muli sa direksyon ko si Anghel. He's not smiling but I know that he's not angry anymore. Mas ginanahan akong magcheer para sa kanya at sa mga kateam niya.

I know that they practiced hard just to win this. Naniniwala akong kaya nilang ipanalo ang larong ito. They are legendary, and legends create stories.

Tuluyan ng nagwala ang manonood ng magtie pagkatapos ng fourth quarter.

"Ninety-two all, another five minutes extension. Over time!" Sigaw ng speaker. Labis labis na ang kaba ko, may tiwala naman ako sa basketball team namin, sa kabilang team ang wala. They became more possessive, kanina nga ay tinulak nila si Anghel nung inaagaw ang bola, tumalsik siya sa sahig. Nagkaroon ng violation yung tumulak pero para sa akin hindi sapat yun sa ginawa niyang pagtulak kay Anghel. Should I just punch him after the game? Bwiset kasi!

"Last twooooo minutes!" Anunsyo ng nagsasalita.

Halos mapaos na ako kakatili, ngayon lang ako naging ganito kaingay at ka-wild. Pinalaki ako ng parents ko na maging pino sa kilos kaya nasanay ako pero deep inside gusto kong maging malaya. And right now, I feel the freedom that I never felt before.

Namalayan ko na lang na tumunog na ang buzzer at may nanalo na. Tumingin ako sa score board sa taas.

"And the winner no other than Cavite's Pride, Fighting Eagles! Congratulations!"

Naghiyawan ang mga taong nanunuod, may ibang salubong ang kilay at nakasimangot dahil talo ang bet nila pero wala naman silang maggagawa. Losing is part of the game. If you're not going to accept that you lose once, you are going to lose again.

Naglakad na ako papunta sa baba. Gusto kong kunan ng larawan ang team nila Anghel, tsaka siya, siyempre MVP daw ang mokong.

Todo ngiti sila sa camera, may ilan pang nag-interview kay Anghel kaya hindi agad ako nakalapit. Kinunan ko na lang siya ng larawan sa malayo, maging ang mga kasama niyang nagsasaya sa gitna habang hawak ang malaking tropeyo. Nakaalis na ang kalaban nila matapos nilang magkamay kaya ang basketball team na lang namin at mga gustong magpakuha ng larawan ang nandoon.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkuha ng larawan hanggang sa nahagip ng camera ng cellphone ko si Anghel na naglalakad palapit sa akin.

I took candid shots of him habang naglalakad. Kahit naman hindi siya sabihang umanggulo o pumorma ay maayos pa din ang kuha sa kanya, gwapo e.

Nabigla ako ng makalapit siya at hinigit ang kamay ko para madikit ako sa kanya. Before I knew it, he pulled me closer and he gave me warm tight embrace.

"Tara, uwi na tayo," bulong niya sa gilid ng tenga ko. His deep husky voice sent chills to my vines. Wew, I never been hugged like this before.

"Pangs, thank you for being here. I didn't expect it."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan muna siya bago ako muling ngumiti.

I'm not going to deny it anymore. I like this guy, and even if he don't like me the same way that I like him it's okay as long as I'm with him.

Fix Me, I'm BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon