Bumalik na ko sa kwarto ko pag-tapos ng pag-uusap namin sa dean's office kung matatawag nga itong pag-uusap.
Tumingin ako sa relos ko para makita ang oras.alas dos pa lang.maaga pa matutulog muna ko.
Nahiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko.masyado na kong pagod gusto ko munang mag-pahinga.
Nagising ako dahil kumalam ang tiyan ko.anong oras na ba.tinignan ko ang orasa ko.seven pm na agad,ang haba naman ng tulog ko.
Tumayo na ko at pumunta sa aprador para maligo.naiinitan ako I need some cold water.kumuha lang ako ng isang plain white T-shirt at jeans para komportable ako.
Pumasok na ko sa banyo para masimulan na ang pag-ligo ko at nagugutom na ko.
Pag-tapos kung gawin ang mga dapat kong gawin ay lumabas na ko ng banyo.nagulat ako ng andun si Eunwoo at nakatingin sakin.
"Anong ginagawa mo dito"tanong ko sa kanya.
Hindi nya ko sinagot at dahang-dahan pumupunta sa direksyon ko.ano bang gagawin nya.
"Eunwoo,anong ginaga--"napatigil ako sa pag-sasalita ng bigla nyang sakupin ang mga labi ko.
Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa ginawa nya,sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.he stole my first kiss.
Binitawan ni Eunwoo ang labi ko at hinimas ang mukha ko.
"Why"tanong sakin ni Eunwoo
Kahit kinakabahan ay tinitigan ko sya sa mga mata.
"Ako dapat ang mag-tanong nyan,bakit Eunwoo"ani'ko
Gulong gulo ako,gusto ko syang sampalin dahil sa ginawa nya pero parang nanigas lahat ng buto at kalamnan ko.
"I don't know"Eunwoo
Hindi nya alam,ano yun basta nya na lg ako hinalikan ng hindi nya alam.
"Eunwoo"yun na lg ang nasabi ko at napaluhod na lg sa sobrang panlalambot ng buto ko.
Agad nya kong inalalayan at hinawakan ang kamay ko.
"Zera,look I'm sorry for what I did"Eunwoo
Sorry?hindi yan ang gusto kong marinig mula sa kanya.
"I don't need your sorry,I need your explanation for kissing me for no reason"ani'ko
Bumuntong hininga lg sya at inangat ang mukha ko para makita ko ang mapupula nyang labi,ang mata nyang mapungay,at ang mukha nyang mala Adonis sa sobrang kagwapuhan.
"I already said,I don't know"Eunwoo
Hindi nya alam!ee bakit nga.
"You don't know,pero bakit mo ginawa"tanong ko sa kanya
Nagulat ako ng yakapin nya ko at halikan ang gilid ng ulo ko.ano ba tong nararamdaman ko.
"Eunwoo,please lumabas kana"ani'ko habang nakapikit.
Lumayo si Eunwoo sakin at nag-lakad patungo sa pintuan.nakatingin lg ako sa kanya habang binubuksan nya ang pinto.
Nag-taka ako kung bakit hindi pa sya lumalabas.
"Eunwoo.... please"pag-mamakaawa ko
Bumuntong hininga lg sya tapos tuluyan ng lumabas.tumayo na ko para tapusin ang gagawin ko.
Lumabas na ko ng kwarto para kumain.hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ginawa ni Eunwoo yun.
Tinungo ko ang papunta sa canteen.madali ko lg yun nakita dahil may pangalan naman ito sa labas bago ka pumasok.