"What's wrong, baby? Kanina ka pa tahimik, a?" Pagtataka ni Exton habang naglalakad na kami papuntang restaurant kung saan naghihintay na silang lahat.
"Wala naman," I replied shortly.
Pinanliitan niya ako ng mga mata sandali kaya nginitian ko na lang siya. Pagkarating namin sa loob ng restaurant ay nakapag-order na pala silang lahat. Ang tagal naman daw kasi naming dumating. And as usual, si Exton na naman ang magbabayad ng lahat ng mga in-order nila.
"Miss Flynn, Miss Martina? Oh my ghad! I'm a fan! Pwedeng magpa-picture po?" Natatarantang sabi ng isang babaeng server.
"Naks! Ma'y kasama nga pala tayong mga sikat sa Youtube world." Si Caspian.
"Pwede ako rin po?" Singit din ng isang lalakeng server.
Nginitian at tinanguan namin ni Martina silang dalawa pareho. Si Caspian ang tumayo para siya ang hahawak sa cellphone ng dalawa. Sa first photo ay kaming apat ang nasa picture, nasa magkabilang gilid kami ni Martina. Sunod ay 'yung lalake ang umalis muna para masolo kami ng babae sa photo, mga tatlong shots ang kinuha namin. Umalis din ang babae at pagkatapos pumalit na iyong lalake sa pwesto ng babae kanina. And when he was about to drape his arms over our shoulders...Alexus and Exton suddenly stood up and stopped him.
"Oh boy, you're not getting in there..." Ma'y pagbabanta ang boses ni Exton.
"Walang akbayan na magaganap. Keep your hands still and then we're good." Si Alexus.
Pareho kaming napairap ni Martina. Napatingin halos lahat ng mga tao sa loob ng restaurant nang humagalpak sabay-sabay ang mga kasama namin.
"You guys are so fucking whipped! Tangina, fan pagseselosan niyo?" Mura ni Atticus kaya itinulak siya ni Safire.
"Ganyan pala ang ma in love? Putcha." Umiiling na sabi ni Devin.
"Don't mind them." Sabi ko sa lalake at tumingin kay Caspian na naghihintay. "Continue,"
Binilisan ni Caspian ang pagkuha ng photo para hindi na masyadong mairita ang dalawa. Pareho kaming nagpasalamat ni Martina sa dalawang fan na lumapit sa amin. Pagkatapos ay bumalik na kami sa pagkakaupo.
"I really hate your fanboys. Picture lang sana, walang akbayan!" Pagmamaktol ni Exton.
"Exton," Saway ko sa kanya.
Patuloy siya sa pagsimangot kahit nag-umpisa na kaming kumain. Ayaw niya akong pansinin. Minsan naiisip ko talaga kung paano naging ka-isip bata 'tong si Exton. Just by looking at his aura, mukhang palaging naghahamon nang away. So, paano naging isip bata 'tong si Exton, huh? Napailing na lang ako.
Dahil sa ayaw niya talaga akong pansinin ay ako na lang ang nagsubo ng pagkain sa kanya. Gusto niya 'to parati, e. Kahit hindi niya ako tinitignan ay binubuka niya pa rin naman ang kanyang bunganga sa tuwing sinusubuan ko siya ng pagkain.
"Ay ewan ko sa'yo, Alexus! Ilang minuto na ang nakalipas, hindi ka pa rin maka move-on doon!" Binulabog kami sa sigaw ni Martina.
"Hay! Kaya ayoko talaga ma in love, e. Magagaya ako sa dalawang 'to." Sabi ni Devin sabay tinuro sina Alexus at Exton.
"Edi 'wag kang ma in love! Sino ba ang tatanda na walang kasama? Hindi naman kami." Umismid si Hailey.
"I agree!" Sigaw ni Safire.
Inabot ko ang tubig at pinainom kay Exton. Dinampian ko siya nang mabilis na halik, iyong hindi nila mapapansin. Then, I smiled at him.
"Galit ka pa rin?" I pouted.
"I'm not mad at you." Agap niyang sagot.
"So, why aren't you talking to me?" I raised my brows.
"Dahil gusto kong suyuin mo 'ko." Mahina siyang tumawa sa tainga ko.
Tinulak ko siya at tinatampal ang kanyang balikat. "I knew it!"
He draped an arm around my shoulders and pulled me closer to him. Pagkatapos ng dinner ay nagdesisyon silang lahat na bumalik na sa mga kanya-kanyang hotel room namin pero sinabihan ko si Martina na mag-uusap muna kami. Noong una, ayaw pang pumayag nina Alexus at Exton pero wala rin naman silang nagawa sa huli.
Nasa dalampasigan kaming dalawa ni Martina ngayon habang nakaupo sa buhangin. Ibinaon ko ang aking mga paa sa buhangin habang si Martina naman ay hinihintay na ang sasabihin ko sa kanya.
I sighed heavily. Inumpisan ko na ang pagsabi kay Martina kung ano naganap sa pag-uusap namin ni Lorelei hanggang sa plano kong lumayo. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat-lahat ay nalaglag ang kanyang panga at nagpaulan ng mga mura.
"Fuck! Bakit mo iiwan si Exton!?" Pasigaw niyang tanong.
"I'm doing this for the child, Martina."
"For the child? Really, Flynn? Iiwan mo si Exton dahil lang sa gustong bigyan ng haliparot na 'yun ng buong pamilya ang anak nila? A complete but an unhealthy family?" Pasinghap niyang tanong muli.
"I'm not going to deprive the child from having a Father."
"Tangina naman, Flynn! Hindi mo ba nakikita o nararamdaman kung gaano ka kamahal ni Exton, huh? I saw his different glow whenever he's with you! Kulang na nga lang na mag-alok siya ng kasal sa'yo at buntisin ka niya!"
"I know, I know...pero kasi--"
"Alam mo naman pala, e! Bakit mo iiwan? Fight for him! Ikaw ang mas ma'y karapatan sa kanya kaysa haliparot na 'yun!"
"Martina, I'm not doing this for her, okay? Para sa bata!" Giit ko. "Please, tulongan mo 'ko... Ma'y apartment ka sa Los Angeles, diba? Can I stay there for a while? Hanggang sa makausap ko sina Mommy't Daddy, then after that, hahanap na ako ng sarili kong apartment."
Frustrated niyang hinalamos ang kanyang mukha. Napabuga siya ng hangin at tinignan ako.
"Flynn, are you fucking sure with this?" Mariin niyang tanong.
I nodded right away. "Buo na ang desisyon ko."
"Fine, then. Pero bibisitahin kita roon as much as I could, 'kay?"
Kaagad ko siyang yinakap nang mahigpit. "Thank you so much, Martina. Babawi talaga sa'yo."
"But wait, paano na ang mga pinsan mo? Malalaman ba nilang aalis ka?"
I broke free from our hug. "Hindi. Maaga ang flight ko. Pero ang mga Tita ko ay alam na nila. I told them everything. Gaya mo, ay ganyan din ang mga reaksyon nila sa akin. Pero wala rin naman silang nagawa sa huli."
Akala lang nila na madaliang desisyon ang ginawa ko. I've been sleepless for two nights because of this. Naisip ko rin namang ipaglaban si Exton, pero kasi, wala talaga akong laban sa bata. I know the feeling of having a complete family, kaya ganun din ang gusto kong maranasan ng bata.
I know that Exton would loathe me for doing this. Magtatanim siya nang galit sa akin. But I would accept it wholeheartedly. It's my fault, anyway. Dahil hindi ko siya kayang ipaglaban. Coward, I know.
Pagkatapos ng mahaba naming pag-uusap ni Martina ay bumalik na kami sa loob ng hotel. Kumayaw ako sa kanya bago ako pumasok sa loob ng hotel room namin ni Exton.
Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama at ipinagpatuloy niya pala ang panunuod ng mga Vlogs ko. Napatingin siya sa gawi ko at tinigil muna ang video.
"Anong pinag-usapan ninyo?" He curiously asked.
"Boys," Pinipigilan kong hindi tumawa at lumapit na sa kanya.
He threw me a death glare. "Flynn..."
"Siyempre, joke lang 'yun." Inirapan ko siya.
"Don't roll your eyes at me, woman. Boys, huh? Kaya ayaw niyo talagang dalawa na nandoon kami ni Alexus, dahil nag-uusap pala kayo tungkol sa mga lalake." He sternly said.
"I was just kidding you, Calvento." I chuckled before giving him a chaste kiss.
Kinabukasan ay umalis na kami sa resort. Mga alas dos ng hapon nang makarating kami sa CDO. Pagkahatid ni Exton sa akin sa subdivision ay agad din naman siyang bumaba ng downtown dahil sa condo niya raw siya uuwi.
Kahit pagod, ay nag-impake pa rin ako. Sobrang aga ng flight ko bukas kaya kailangang handa na ang mga gamit ko. Sinigurado kong naka-lock ang pintuan baka kasi biglang pumasok si Hailey at madatnan niya pa akong nag-iimpake. I can't let her see me packing my things.
I slept early that night. Alas sais ng umaga ang flight ko kaya alas tres pa lang ng umaga ay gumising na ako. I removed my sim and broke it. Ilang araw na ang nakalipas simula noong nag-film ako ng video, I decided to end my Vlogging career. Sa airport ko na lang 'to i-uupload. I also deactivated all my social media accounts.
Si Tita Alice ang naghatid sa akin papuntang airport. Sa loob pa lang ng sasakyan ay yakap-yakap niya ako at pilit pinapabago ang desisyon ko. Umalis din naman si Tita Alice nang maihatid na niya ako sa airport.
Bitbit ang mga gamit ko, pilit kong hindi umiyak habang papasok na ako sa loob ng airport. Naging mabilis ang paglipas ng mga oras, hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa loob na pala ako ng eroplano. Dumungaw ako sa bintana at palihim na umiiyak. My heart's aching so bad.
I'm going to miss you so much, Exton. I will always love you.
And I'm very, very sorry for doing this.
--A/N: Please support my other stories! And I'll try to update as often as I could. And please leave some comments. Let me know your thoughts!
Tweet me! @imthechloest #BeingWetBehindEars