Book Review For No One

88 3 2
                                    

Love Songs For No One is one of the story that captivated,not just the Team Kaye Cal and the Saksi ni Pilosopotasya but also to those who wanted to be more informed about the same-sex relationship. It talks about the hardship that the LGBT had been going through, especially about their lovelife.

Chosera ko sa English ! Haha. Actually, pangalawa pa lang ang LS4N1 sa mga GxG story na nabasa ko. Yung una medyo err- (warning alert) kaya medyo breathb of fresh air yung story na to. Chill lang kumbaga, sa una lang pala (spoiler mo to haha).

Nung una, naintriga lang talaga ako sa LS4N1. Paano ba naman hindi, eh araw-araw may notifications sa facebook ko about sa mga post sa Saksi ni Pilosopotasya Group (SNP Group) about sa story na to. Yung napapost nalang ako ng "Ano po yung #LS4N1?". Naloka ako ng very light since ang akala ko ganap lang yun sa twitter, napa-internalize tuloy ako na "Ay wala akong twitter, di na naman ako kasali"(nagdamdam ako ng 2 minutes). Tapos sabi sa comment sa post ko, bagong story daw yun ni Ate Rayne. Na-excite ako na ewan. Haha. Parang #Woah , bagong story na naman.

As I was reading the story, my dormmates always noticed that I am smiling. Nababaliw na naman daw ako. The story is veeeeeeeeerrrrrrrrrryyyyyyyyy cute at its finest ! Yung feeling na kikiligin ka sa bawat "Gusto ko yan" ni Kaye, sa mga pambabara ni Rayne at sa galling ni Ate Rayne sa pagsusulat. Yung napagkasya nya lahat ng ganap na yun sa isang gabi. Kaloka.

Kada kabanata (huwaw ang lalim), may matututunan ka talaga. Personally, andami kong nalaman about LGBT and SOGIE na binabalewala ko lang before. Kumbaga, na-enlighten ako na hindi pala madali ang pinagdadaanan ng nasa LGBT, lalo na about sa lovelife. Akala ko kasi na dahil sa binuwag nila ang pader galling sa kanilang pinagmulang kasarian, kaya na nilang gawin lahat. Kaya na nilang tumayo sa sarili nilang paa at di na nila kailangan ng iba. Kaso nakalimutan ko na tao rin pala sila, gaya lang natin sila na nahihirapan at nassasaktan. Mas mahirap pa pala ang pinagdadaanan nila.

Dito sa story na to, naramdaman ko yung saya, kilig, hirap, kirot sa puso, at syempre ang love. Natuwa ako sa fact na kahit naiiba sila, kaya parin nilang maging masaya. Sa part ni Kaye, ang hirap maging artist tapos lesbian pa. Babarilin ka nila sa parte kung saan ka mahina hanggang sa panghinaan ka ng loob, hanggang sa ikaw na mismo ang sumuko.

This story also became a way for SNPs and other readers to gain more knowledge about kay Kaye Cal (though most part of the story is fictional). Mas dumami ang naka-appreciate sa talent na mayroon si Kaye. Nagsimula na rin akong mag-fangirl kay Kaye (haha). Dati si Moira lang ang inaabangan ko sa Jambayan sa ASAP pero ngayon pati si Kaye pinagpapantasyahan ko na. Dati ko pa kilala si Kaye and love ko na yung music nya before pero after reading LS4N1, nalunod na ata ako sa kanya.

For Ate Rayne (Lodi na po kita hehe), hindi man kita talagang nasubaybayan nung simula mo palang sa wattpad, masasabi ko na talagang your one hell of a great writer. Plot Twists are superb based from the previous stories mon a nabasa ko so medyo nagulat ako sa LS4N1. First is because ang sensitive ng topic, which is LGBT. Nagulat lanng ako kasi this issue is not the typical topic for a certain story. And it actually boomed the Wattpad Community ! (o baka ako lang ang nakadama chos). It gained attention and also one of the reason why the story's readers became more aware and acquired more knowledge about the said issue.

The story tackles about the hardship of a lesbian – her weaknesses, fears and doubts – and a girl who's not just a simple writer but also a not-so-fan fangirl. Their unique tandem made a spark in their hearts. Two completely different persons but also the same in many aspects in love and life. Their lovestory told us that it was never wrong to choose someone who's making your heart go crazy. Kahit na mag-cringe pa sa salitang Lodi, madali naming napapawi ang inis sa isang sabi ng Beh. Kahit na sabihin nating, oo may pangalan ka, oo may maipagmamalaki ka, mayroon paring pagdududa sa puso mo "Ay teka lang, matatanggap ba nila ako ?", "Ay ayoko na pala, ayokong mahusgahan, shut up nalang ako".

Cliché, pero, ang hirap talagang mamili sa dalawang bagay na nilalaman ng puso mo. Kung pag-ibig ba sa passion mo o pag-ibig na dinidikta ng puso mo ? Parang mahal vs. mahal mo. Hindi isyu yung mamili kung itutuloy mo ba yung isang mahal mo o hindi, ang problema ay takot mo sa magiging husga ng lipunan sayo. Paniguradong may magtataas ng kilay, magbubunganga, o magsasawalang-bahala. Gayunpaman, yun naman ang hobby natin diba ? Gawin ang lahat para matanggap ng lipunan. Pag di ka sumunod sa agos, maiiwan ka, walang babalik para samahan ka.

This story will teach you to follow what your heart really wants. Your happiness is your responsibility. Wag iasa lagi sa tadhana o kay Batman lahat ng bagay ! utang na loob, napapagod din sila. Do not just follow what your heart wants, chase it ! Cause you do not know if it is your one, or the only, chance you have to grab that happiness of yours.

Book Review For No OneWhere stories live. Discover now