Goodmorning! Ang sarap talaga maglakad sa umaga, lalo na kapag alam mong hindi ka late hahaha! Ako nga pala si "Jessica Ocampo!" aba walanghiya, binitin ako sa introduction ko! Agad akong lumingon sa likod ko, dahil sa pagtawag sakin ng demohong lalaking to.
"Anong problema mo at tinawag mo ang maganda kong pangalan?" ala na, sira na ang umaga ko. Nakita ko nanaman kase tong Sky nato. "Ala lang, buti na lang yung pangalan mo lang ang maganda no?" naningkit ang mata ko dahil sa sinabi niya. Walanghiya talaga!
"Anong sinabi mo? Maganda kaya ako!" at napamaywang pa ako dahil doon. "Pfft! Di bagay sayo Jessa!" sabi niya, Jessa ang nickname ko at dahil matangkad siya, agad niyang pinatong ang kamay niya sa ulo ko. Siniko ko naman siya pero dahil sadyang makulit ang lahi ng Sky na to ay di niya pinansin ang pagsiko ko sa kanya at isinama ako sa paglakad niya.
"Ano ba Sky! Nakakasar naman e!" pagmamaktol ko pa. "Hahaha. Cute mo talaga Jessa!" para ba kong nabingi dahil sa sinabi niyang yon. Anong nakain ng lalaking to? Eh halos sabihan niya ko na ang panget ko kaya lahat ng makita niya sakin sinasabi niya na "Di bagay sayo Jessa!" kaasar!!!
"Pfft! Di bagay sayo Jessa!" natauhan ako sa sinabi niya, walanghiya! Natigil pala ako sa paglalakad nang sinabihan niya ako na cute at ang pesteng dugo ko umakyat yata lahat sa muka ko dahilan ng pamumula nito.
"Siraulo!" sabi ko sa kanya at tumakbo palayo. Grr! "Hoy Jessa sandali!" patuloy lang ako sa pagtakbo ko pero dahil napansin kong muka na kong shunga at naguubos ako ng lakas e tumigil na rin ako, ayoko rin naman kasing pagdating ko sa school namin ay amoy pawis na ko.
"Hoy!" grrrr! Sarap sipain ng lalaking to! "Yung headband mo.." sabi niya habang nakatingin sa headband ko. Shet, napansin niya?! Tinitigyawat kasi yong noo ko dahil sa side bangs ko kaya naman naisipan kong bumili ng headband na sky blue, favorite ko kasing color yon e.
"Yung headband mo.. di bagay sayo! Hahaha una na ko bye!" !@#$% tingnan mo? Pagkatapos niya kong laitin iiwanan at tatakbuhan niya ko?! Pusang kinalbo, sarap sapakin ng Sky Monteron na yon!
****
"Oy Jessa!" tawag sakin ni Kate pagkapasok ko ng room namin, best friend ko yan, pareho kaming maganda pero mas maganda ko diyan, wahahaha! Oy secret lang yon ha! "Aga-aga, busangot nanaman face mo! Si Langit yan no?" langit lupa impyerno muka siyang daga o kung ano pa man ang pwedeng matatawag sa Sky na yon. Oo si Sky ang tinutukoy ng bff ko. "Aba, sino pa ba ang magiging dahilan ng pagkasira ng umaga ko? Grr!"
"Haha easy ka lang girl! Sige ka baka pumutok yang tigyawat mo sa noo!" hinampas ko naman siya dahil doon. "Grr, ikaw pa isa Kate e! Nagheadband na nga ko para maiwasan tong pagkakaron ng tigyawat ko e papansinin niy--"
"Good morning, Kate!" naitikom ko ang bibig ko dahil sa gwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon, "Good morning, Jessica" at binigyan niya pa ako ng pamatay na ngiti! Oh my God! "Ah, good morning din!" oh my god kung mukang ito ang makikita ko sa umaga e nako sobra pa sa buo ang araw ko dahil dito, "Bagay sayo yung headband mo" sabi niya sabay ngiti at tsaka siya umalis, shet bagay daw sakin! Oh my god!! Parang kanina lang nasira ang umaga ko dahil kay Sky pero ngayon, bawing bawi naman dahil dito kay Franco! Shet pa ang pamatay niyang ngiti!
At nung umalis siya, tila kumapit sa ilong ko ang pabango niya, emegerd! "Huy, girl! Pinasukan na ng langaw yang bibig mo!" kaya agad ko namang naisara ang bibig ko. "Narinig mo ba yon, Kate? Bagay daw sakin ang headband ko! Hahahahaha!"