Chapter 32
Shara's PoV
"Hija?" napatingin naman ako sa matanda na tila naghihintay sa aking sagot ngunit hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil wala naman akong maalala kung bakit ako napadpad rito. Imposible naman na dito ako itapon.
Napabaling naman ako sa lalaki na seryosong nakatingin sa akin ngunit bakas din sa kaniyang mata na naghihintay rin sa sagot ko. Pinagmasdan ko siya at pilit na inalala kung kailan ko siya nakita ngunit wala akong maalala.
Kumunot naman ang noo ng lalaki. "You don't remember?" takhang tanong nito. Marahan akong tumango. Napatayo naman ito at lumabas ng silid kaya naman napatingin naman ako sa matanda na nag-aalalang tumingin sa akin.
"Hindi mo ba maaalala, hija, na tumatakbo ka sa gubat at hinahabol ng kung sino? Nagmamakaawa ka raw sa anak ko kagabi na iligtas mo siya dahil may papatay sayo hanggang sa mawalan ka nang malay.
Nakabenda ang ulo mo dahil dumudugo ito, ano ang huli mong naaalala, hija?" lahad sa akin ng matanda. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at nagsimulang umiyak. Sumasakit na rin ang ulo ko kaya naman napahawak ako. Hinaplos naman ng matanda ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Dahan-dahan kong naibaba ang kamay ko.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko siya. I feel like I need to be in her arms. Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya lalo na nang hinagod niya ang aking likod pababa at pataas. Nang bumuti-buti na ang pakiramdam ko ay kumalas ako sa yakap.
"Sino po kayo? Nasaan po ako?" tanong ko makaraan ang isang minutong halos magtapunan kami ng titig. I feel like she's a familiar stranger. Ngumiti naman ang matanda.
"My name is Lorianne Filton. Ang lalaki kanina ay ang anak ko si Zion, kung nagtatakha ka kung bakit nakabenda ang ulo mo ay dahil sa asawa ko. My husband is a doctor, Zimon. You're in Batangas" mahabang sagot nito. Funny, kamukha na nga ang Mommy ko, kapangalan pa.
Hindi naman ako malayo sa Manila, ang poproblemahin ko ay ang pera para makabalik.
"Kailangan ko pong bumalik ng Manila, doon po ako nakatira kasama po iyong asawa ko" paliwanag ko. Mukhang nagulat naman ang matanda sa sinabi ko. Napakurap ito at bahagyang napaatras.
"May asawa kana? Mukhang ang bata mo pa. Kung ihahatid ka namin sa Maynila ay madali lang, ija, ngunit sa sitwasyon mo ngayon ay makakabuti kung mananatili ka muna rito lalo na ngayon na may naghahabol sayo at gusto kang patayin" paliwanag naman nito at tumayo na. Natauhan naman ako pero kapag nalaman ni Chaze ay siya na ang gagawa nang paraan para mailigtas ako. Pero tama siya kailangan ko nang lakas para hindi mag-alala si Chaze sa akin pero gusto ko na siyang makita.
"Pero kailangan ko na pong umuwi, kailangan ko na pong makita ang asawa ko. May kakayahan po siyang protektahan ako" paliwanag ko. Mukhang nalungkot naman ito at marahang tumango. Tumayo na ito upang lisanin ako ngunit naudlot ito nang pumasok ang anak niya na Zion ang pangalan kasama ang isang lalaki na kahawig ng konti nito. Ito siguro ang asawa niya.
Dinaluhan niya ito at kumawit sa kaniya ang asawa niya. May ibinulong ito at tumango lamang ang lalaki.
"My son told me you can't remember what happened last night, is that true?" pormal na umpisa nito. Tumango ako. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko kaya naman nanatili ako kung nasaan man ako.
BINABASA MO ANG
HE IS MY HUSBAND
Romance-One Night Wedding Series #1- One day, you wake in a bed with this montrous but dashing guy. Pero hindi doon nagtatapos ang kuwento ng "One day" na 'yon because he's also claiming that he's your husband. Iyon ang nangyari sa isang dalagitang nagngan...