Eleven

3.9K 83 6
                                    

Chapter 11
Choice

**

Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina ko pa lihim na sinusulyapan sa gilid ng mga mata ko si Jay. Thankfully, hindi naman niya ako napapansin dahil busy siya sa pagtatrabaho.

Lunes ngayon kaya balik na naman kami sa trabaho. After my date with Angelo na ako lang ang nakakaalam, napag-isip-isip ko na ngayong araw ko kakausapin si Jay tungkol sa tunay na nararamdaman ko.

Ayoko na siyang patuloy na paasahin pa. Hindi ko alam kung pagkatapos ko siyang kausapin ay titigil na siya pero susubukan ko pa rin. Ayoko lang namang mahirapan siya. I just hope he’ll understand me now.

Sana maintindihan niya na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Sana maintindihan niya na si Angelo lang talaga ang mahal ko. Siguro darating din ang panahon na makakalimutan ko ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya pero sa ngayon, ayoko na munang piliting mawala iyon. Sa ngayon, lihim ko na lang muna siyang mamahalin.

I sighed. Jay is still busy. Maybe I’ll talk to him later after lunch, before going back to work.

Nag-focus na lang muna ako sa pagtatrabaho at hindi na muna inisip pa ang tungkol sa pag-uusapan namin ni Jay mamaya. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung paano siya sisimulang kausapin pero bahala na. Kaya ko naman siguro ‘yon mamaya.

When lunch came, I told Angelo that I’m going to talk to Jay after lunch. Nahalata ko naman ang pag-aalala sa mga mata niya nang tingnan niya ako.

“Are you sure about this? Gusto mo bang ako na lang ang kumausap sa kanya?” pagpiprisinta niya.

Umiling ako at ngumiti. “Ako na lang. Kaya ko naman ‘yon. Mas mabuti na rin na sa akin manggaling para hindi sumama ang loob niya.”

Matagal niya akong tinitigan pero sa huli ay napabuntong-hininga na lang siya at napatango.

“Fine. Basta sabihin mo sa’kin kapag ginulo ka pa rin niya. Ako na ang kakausap,” aniya.

I chuckled. “Hindi naman siguro siya manggugulo.”

Pagkatapos no’n ay nag-lunch na kami sa labas kasama sina Jay, Lara at Luis. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapansin sina Angelo at Lara. After what Angelo told me yesterday, I started to think that they’re only talking to each other because Lara needs help. Kahit papaano ay nag-iba ang naging pananaw ko sa tuwing nag-uusap sila.

Iyon lang pala ang kailangan. Communication. Kahit papaano, nakatulong ang pakikipag-usap ko kay Angelo. Mabuti pala at sinunod ko ang payo ni Jay na kausapin si Angelo tungkol sa kanila ni Lara.

After lunch, palihim akong bumulong kay Jay para yayain siyang magpahangin sa labas ng office. Nagtataka man ay tumango lang siya at walang sinabi. Sa gilid ko ay napansin ko naman ang pagtingin ni Angelo sa akin kaya nilingon ko siya. Ngumiti ako at bahagyang tumango para sabihing kakausapin ko na si Jay.

Nagpaalam kami ni Jay sa kanila at sinabing magpapahangin lang saglit. Nauna naman ang tatlo na pumasok sa office. Pag-alis nila ay umupo kami ni Jay sa isang bench na naroon.

“Do you have something to say?” he asked after a few minutes of silence. “This is the first time you invited me first to stay outside. Surely, you have something to say.”

Hindi ako agad sumagot. Pumikit ako at huminga nang malalim bago nagpasyang kausapin na siya.

“Lumabas kami kahapon ni Angelo. We talked,” I started. “You’re right. There’s nothing going on between him and Lara.”

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagngiti niya. “I told you so.”

“Yeah. Um…”

Paano ko ba ‘to sasabihin? Paano ko sasabihin sa kanya na wala siyang pag-asa in a way na hindi siya masasaktan?

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now