CHAPTER 10

3.2K 127 3
                                    

Truth or Dare

Hyuriko's POV:

Akala ko hahalikan niya ako pero di wala. I was wrong. Niyakap niya lang ako. Isang yakap na mahigpit, ramdam ko yung umbok ng abs niya. Ewan ko ba, aaminin ko kinilig ako dun.

Natapos kami maligo at naglakad na pabalik sa room. Pumasok kami at nakatingin sila samin at nakangisi.

"Kelan pa?" Nakangising tanong ni Allan.

Di namin siya sinagot at inayos ko na ang sarili ko para matulog.

"Deadma amp." Natawa naman kami kay Allan. Naka-oenise ako na Doraemon ang design. Si Kaizer naman naka shorts at sando.

Tabi nga pala kami nito matulog. Jusko.

"Halika na guys! Truth or dare na tayo!" Aya samin ni Cindy.

Di ko sure kung alam na nila or hindi pa. Para akong nabunutan ng tinik. Jusme. Sa tagal kong tinago to, alam narin pala nila.

Nagform kami pabilog at inilagay ang bote sa gitna.

"Alam niyo naman ang mechanics diba?" Tanong ni Alex. Nag-nod naman kami.

Ginagawa rin namin to nung bata pa kami.

"Kapag di sasagutin ang tanong, may consequences." Paliwanag ni Xiam.

"Simulan na natin!" Pinaikot na ni Sam ang bote at....

Tumapat kay Raven ang bote at cold lang itong tinignan.

"Truth or dare?" Tanong ni Sam.

"Truth."

"Sino ang crush mo sa room?" Namula naman si Raven dahil sa tanong ni Sam.

"Napakabasic naman niyan!" Pagsusungit ni Xiam. Tinignan lang siya nito at sinamaan ng tingin.

"S-si, Paolo." Sinubsob nalang bigla ni Raven ang mukha niya sa mga kamay niya.

"Yieeeeeee!" Nagtilian naman sila Cindy at Alex.

Umangat na ng ulo si Raven at tinignan ng masama sila Cindy at Alex. Pfft. Hahaha!

"My turn." Pinaikot na ni Raven ang bote at natapat naman ito kay Xiam.

"Truth or dare?"

"Dare. Para may thrill." Nakangising sagot nito na para bang naghahamon.

"Mag twerk ka dyan." Ngumisi rin si Raven.

"What the!" Namumula si Xiam at parang di alam ang gagawin.

"This is your consequences. Do it." Tumayo na si Xiam at pumunta sa gitna.

Nagtwerk nalang siya at panay ang tawanan namin. Ang tigas ng katawan niya na para bang matanda na.

"HAHAHAHAHA! TAMA NA! ANG LASWA TIGNAN! HAHAHAHA!" Tumatawa si Sam na may pahampas effect pa sa hita niya.

"Sabi mo eh. Haha!" Umalis na si Xiam sa gitna at naupo na, pinaikot niya na rin ang bote.

Natapat naman kay Cindy ang bote.

"Truth or dare?"

"Truth."

"Nasaktan kaba nung malaman mo na bisexual ang bf mo?"

High School Lovers (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon