Chapter 7: Group Practice

43 49 0
                                    

"Skyler anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito kami?" nag aalala ako sakanya, palagi nalang siyang nawawala.

"Are you okay? Anong nararamdaman mo? Hindi ka ba nasaktan?" pinag aralan niya yung mukha ko.

"Hindi ako nasaktan, Skyler. Teka, may alam ka ba?" may alam ba siya sa nangyari kagabi? Bakit ba siya sobrang nag aalala?

"Bakit? May dapat ba akong malaman?" halata siya masyado eh. Alam kong may alam siya at never pa akong nagkamali pag dating kay Skyler.

"Skyler, you can't fool me." tinignan ko siya na parang nag aalala ako. "Sabihin mo na."

"May oras para pag usapan natin 'to, Zharah. Hindi pa ngayon ang tamang oras." nginitian niya ako. Bakit everytime na magsasalita si Skyler eh feeling ko iiwan niya ako. Feeling ko aalis na siya. "Sige na, Zharah. Aalis na muna ako. See you around." umalis siya at kumaway siya saakin.

Naiwan naman akong naka estatwa.

Ilang minuto ang lumipas bago ako makaalis sa kinakatayuan ko.

Pumunta na ako sa lugar kung saan kami nagkita kita kanina. Nandito na pala sila, kanina pa ata. Mukhang naiinip na sila dahil saakin.

Lumapit ako sakanila at nakita kong naiinis nanaman saakin si Aerin. "Why so tagal? Kanina ka pa namin hinihintay, akala namin nalunod ka na sa cr." tinignan niya nanaman ako ng masama.

"Sorry, madami kasing tao sa cr."

"Sige na, let's start." pumunta na kami sa harap nang tawagin kami ng choreographer. "Go to your partners now." agad naman kaming pumunta sa partners namin. "Change partners! Hindi match yung height."

"Tita, height doesn't matter. Duh?" pati talaga tita niya, sinusungitan niya. Hinayaan nalang namin at tumuloy kami.

"Khalil, hindi ako marunong sumayaw. Natatakot ako na baka mapagalitan ako ng choreographer natin kapag hindi ko nagawa ng maayos yung sayaw." wala naman kasi talaga akong talent sa pag sayaw, marunong lang akong kumanta at yun lang 'yon.

Ginulo niya yung buhok ko. "Mabait naman yang choreographer natin at tsaka sinabi ko din sakanya na hindi ka marunong. Don't worry, matutulungan ka niya." nginitian ako ni Khalil kaya nawala ang kaba ko.

"Zharah!" nagulat ako nang biglang tawagin ng choreographer namin yung pangalan ko.

"Yes, miss?"

"Come on, sumama ka saakin." umalis siya. Saan naman kaya kami pupunta?

Habang naglalakad kami palayo kila Khalil, may nakita ako. Nakita ko siya.

"Zharah, hindi kita papagalitan dahil gusto kong matuto ka. Siya muna ang magiging partner mo for now." pakilala niya saakin. Kilala ko naman talaga siya, kilalang kilala.

Anong bang ginagawa niya dito?

Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot, Skyler?

"Skyler, anong ginagawa mo dito?" tinignan ko siya pero nakangiti lang siya saakin. Parang may nangyayari na hindi ko alam.

"I'm here to be your partner, Zharah." hinawakan niya yung dalawang kamay ko at nilagay niya sa leeg niya.

Nginitian ko siya. "Sabi mo eh."

Nag simula na kaming mag practice. Hindi naman pala ganun kahirap sayawin ito. Medyo madali lang pero hindi naman kasi ako magaling.

"Very good, Zharah! For sure, mas magaling ka na kay Aerin." pumalakpak pa siya. Huh? Diba pamangkin niya yun? "Don't worry about her, pag inaway ka niya sabihin mo lang saakin." nginitian niya ako.

When The Love Is GUNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon