Sequence 32. #Jazmin's tears

1.9K 65 4
                                    

[Jazmin’s POV]

Ayun natapos na ang buong week. Monday na naman ngayon! Habang naglalakad ako papuntang room nag ‘hmmmm’ pa ako nun habang nakahawak sa strap ng bag ko. Nung asa may 3rd floor na ako nakita ko si Adrian na mukhang nagmamadali.

“Oh? Adr----” hindi ko na tapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang nya hinila ang kamay ko at niyakap ako.

Alam nyo ba guys yung pwesto namin ngayon? Naka yakap sya saken tapos yung isang kamay nya nakahawak sa ulo ko yung isa naman asa bewang ko tapos yung ulo ko asa may chest nya. Waaaaaa~ gets nyo ba?

Siguro mga 5 minutes na syang nakayakap saken. Tapos bigla na syang bumitiw. Uwaaaa~ nakakailang T^T

Bigla nyang hinawakan yung pisngi ko ng dalawang kamay nya tapos tinitigan nya ako “Jazmin? Ok ka lang ba?” halatang nag-aalala sya saken. Oh nag a-assume lang ako? >___<  Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Siguro na halata nya na nakakailang yung ginawa nya kanina.

Bigla nyang hinawakan yung kamay ko at nagsimula na syang maglakad pero ako naka tayo pa din doon at nakatingin lang sa kanya.

Napatigil sya kasi napansin nya siguro na hindi ako umalis sa pwesto ko. Lumapit sya saken “Tara na”. Para akong shungang nakatingin lang sa kanya. “Jaz, may problema ba? May masakit ba sayo?” tanong nya. “B-bakit m-mo a-ko niyakap?” sa wakas nakapag salita na din ako.

Napabuntong hininga sya sabay sabing “Kung hindi kita hinila baka nabagsakan ka na ng paso sa ulo mo” malumanay nyang sabi. Tumingin ako sa may likuran ko at nakita ko ang basag sa paso sa sahig. “Balak na naman gumanti sayo ni Zai kaya ayun inabangan ka nyang dumaan at balak nyang ibagsak sayo yung paso, alam to ng buong barkada lahat hindi sang-ayon sa kanya kasi alam namin na mapapahamak ka. Pinigilan sya nila Rafael tapos ako na yung tumakbo pababa para i-save ka kung sakaling hindi nila mapigilan si Zai”. Dahil sa sinabing yun ni Adrian biglang kumulo ang dugo ko. Peste talaga Zai na yan. Balak pa ata akong patayin? Humanda sya ngayon saken. Bw*sit sya!

Nagmadali akong tumaas papuntang 4th floor, pero may biglang humawak sa braso ko. Si Adrian pala. “Bakit?” tanong ko.

 

“Ako na bahala kay Zai, just pretend na wala kang alam sa ginawa nya”

“ANO? Gusto mo mag pretend lang ako na walang kaalam-alam na gusto nya ako akong patayin? Sabihin mo nang OA ako pero, grabe naman nya akong gantihan, yung to the point na gusto nyang mabagok ang ulo ko” pagkasabi ko nun tumakbo na ako pataas ng hagdan.

Naabutan ko naman na hawak ni Rafael yung kwelyo ng walang hiyang devil na si Zai. “Zai ano ba? Paano kung natamaan nun si Jazmin? Alam mo ba yung ginawa mo? Sh!t Zai” narinig kong sabi ni Rafael. “Pakialam ko ba sa Jazmin na yun? Akala mo kasi kung sino umasta. She’s nothing! Isang probinsyana lang sya. Mahirap na probinsyana lang sya. Kasing hirap lang sya ng mga daga.” eeksena na sana ako pero hindi pa pala tapos yung sasabihin nya. Mas masakit pala yung isusunod nya. “Isang probinsyanang kaya lang nakapasok dito dahil sa scholarship. Ang mga kagaya nya Hindi nababagay SA school Na to, at mga kagaya nya hindi nag e-exist sa mundo natin. At ang mga katulad nya ay hindi nababagay sa mga katulad nating mayayaman. For sure kaya yan pumasok dito para magkaroon ng mayayaman na kaibigan, mayayaman na katulad natin na pwedeng pwede nyang huthutan. You know guys what I mean” pagkasabi nya nun tumalikod na sya agad pero nakakaisang hakbang pa lang sya nung bigla akong nagsalita.

Si Badboy na-inlove kay Probinsyana? (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon