Under the Rain .1

19 0 0
                                    

"Ma ! pasok na po ako."

Matamlay kong paalam kay mama, Masayahin akong tao pero ewan ko ba kung bakit parang wala akong gana ngayong araw na to, feeling ko kasi may mangyayaring hindi maganda.

 

Pagkalabas ko ng bahay nagsimula na akong maglakad, mejo malapit lang yung bahay namin sa school kaya naman ok lang na maglakad, maganda na din yun, exercise sa umaga.

"Carmela !"

sigaw mula sa likod ko.

 

"oh ! Belle ikaw pala, papasok ka na din ba?" agad kong tanong sa kanya

 

"Oo e, ikaw din ba? tara ! sabay na tayo." yaya niya sakin, kaya naman nagsimula na kaming maglakad.

 

Si Belle ang tinuturing kong bestfriend, magkapitbahay kami kaya naman lagi kaming magkasama.

 

"Uy, Carmela? ok ka lang ba? bakit parang malungkot ka?" Bati niya sakin ng mapansin atang wala akong imik.

"Ha? ah e, wala naman..tinatamad lang siguro akong magsalita." Sabay yuko sa kanya.

 

"Naku ! wag ka ngang magsinungaling sakin Carmela, para san pa at naging magbestfriend tayo kung alam ko naman na hindi talaga yun ang dahilan. Nag-away na naman ba kayo ni Carlos?" Dere-deretso nya pang sabi. Grabe talaga tong babaeng to.

Nagbuntong hininga na lang ako . Bakit ba kasi parang iba ang pakiramdam ko ngayon, hindi naman ako nilalagnat, pero parang may iba.

 

"Ano ka ba Belle, hindi kami nag-away ni Carlos, talagang wala lang akong gana. parang iba kasi pakiramdam ko ngayon e " Sagot ko na lang

huminto kaming pareho saglit.

Hinawakan niya ako sa noo "wala ka namang lagnat,ano bang nangyayari sayo?"

"Hay ! hayaan mo na nga, sobrang taas lang siguro ng araw kaya ganto ako, hayaan mo mamaya hindi na ako ganto" nakangiti kong sabi sa kanya tsaka nagsimula na ulit lumakad.

Nagkibit-balikat na lang siya at nagpatuloy na din sa paglalakad.

Maya-maya ay nasa tapat na kami ng gate, bigla akong kinabahan.

 

"uy ano Carmela, tara na ! mangongopya pa ako ng assignment." Pilit niyang hila sa akin.

at nagderetso na kami sa room

.

.

.

.

.

.

.

Hay sa wakas ! natapos na din ang klase.5pm na pala, May usapan pala kami ni Carlos na magkikita kami ngayon at doon maghahapunan sa kanila kaya naman nagmadali kong hanapin si Belle para magpaalam.

Nakita ko si Belle na galing sa labas at parang gulat na gulat ng nakita ako.

"Carmela !" sigaw niya sakin at tsaka lumapit.

"Belle, anong nangyari sayo bakit parang gulat na gulat ka? san ka ba nanggaling ha? Ay ! ano pala mauna na akong bumaba sayo ha? may usapan kasi kami ni Carlos na doon sa bahay nila kami magdidinner." paalam ko sa kanya.

Under the Rain..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon