Kabanata 2

344 56 166
                                    

You is you

"Hello, Pa?" Sagot ko sa kabilang linya habang naglalakad papuntang bahay.

Kakatapos lang ng klase. Namalengke ako saglit upang bumili ng prutas para kay mommy.

"Hmm... anak, kumusta na ang mommy? Makakalabas na ba sa ospital?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman. I am breathing massively.

"Pa, ayos lang naman si mommy... Ikaw po? Ayos ka lang ba r'yan?"

Nasa South Korea ang tatay ko. Nagtatrabaho siya para may pangbayad sa ospital. He's an mechanical engineer. Kaaalis niya lang simula noong isinugod sa ospital si mommy.

"Ayos lang din ako, anak. Kumusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong niya sa medyo kalmadong tono.

"Ayos lang din po, pa,"

"Do you still play piano?"

"Yes pa"

Narinig ko ang paghikbi niya sa kabilang linya.

"Papa?" Tawag ko.

Hindi siya sumagot. Patuloy pa rin ang paghikbi niya.

"A-anak... miss na miss ka na ni papa"

Parang pinipiga ang puso ko sa narinig. Ngumuso ako habang tumutulo ang luha sa aking pisngi. Hindi ko ipinapahalata ang pag iyak.

"Miss na rin kita, pa"

Mahina siyang tumawa ngunit hindi nawawala ang paghikbi.

"Hmm. May pasok ka ba ngayon anak?"

"Opo, pa"

"Sige anak... Ibababa ko na 'to. Magtatrabaho na ulit si papa para kay mommy at kay Elise ha?"

Tumawa ako atsaka pinunasan ang luha. Tumango ako habang nakangiti kahit na may tumutulong luha.

"Opo, pa... ingat ka po d'yan ha? Huwag ka pong magpapagutom... miss ka na ni mommy,"

"Miss ko na rin ang mommy mo, Elise...  Sige na... Ingat ka ha.  Mag church ka sa sunday okay?  I love you anak.  Galingan mo sa pag-aaral."

"Opo, papa... I love you too"

Matapos niyang ibaba ang tawag ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa bahay. I do not have my own car, house and everything dahil ibinenta ang kotse namin dati para matustusan ang gastusin sa bahay.  I am just a simple girl who want to be an architect. I want to be an architect.

"Elise!" tawag ni Luis sa di kalayuan. Hingal pa siyang tumatakbo papunta sa akin. "Ako na ang magbubuhat ng bag mo. Mabigat 'yan." aniya.

"Ayos lang..." umiwas ako ng tingin. "..umuwi ka nalang"

"Elise naman... Nagtatampo ka pa rin ba sa'kin? Sorry na," sabi niya habang nakatitig sa mata ko.

"Tss. Tara na"

Matapos kong sabihin iyon ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad.  My heart is beating so fast na hindi ko malaman ang dahilan.

"Elise... May bible study mamay--"

"I know"

Bigla siyang nanahimik at hindi na nagsalita.

Masyado ba akong masakit mag salita? Feeling ko ganun akong tao. I feel like I am the worst person ever kahit na hindi naman. Crazy.

"Elise, sasamahan nalang kita mamaya. Pupunta ka kay tita 'di ba?"

"Yes, Luis... okay... sumama ka"

Fur Elise (For Elise) Where stories live. Discover now