Salamat sa mga taong hindi ako kailanman iniwan. Hinawakan 'yung mga kamay ko nung ako na ang bumibitaw. Sa mga taong nagpa-inspire sa akin na magsulat na ulit. Alam niyo naman kung sino kayo. Thank you. I'll do my best to fix the mess. I'm really sorry, vampires.
Most especially to A, thank you so much. I love you. :)
--
HINDI pa rin ako lubos na makapaniwala. Nandito na siya. Nandito na si Jahann sa Pilipinas. Iyong ilang libong kilometrong layo namin noon, iilang dipa na lamang ngayon.
Halos hindi ko ikinukurap ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Paano kung sa pagpikit ko at pagmulat kong muli, wala na siya? Paano kung panaginip lang pala ang lahat ng 'to? Paano kung iniisip ko lang na nandito siya kaya nandito siya ngayon?
Paano kung aparisyon lamang siya?
Paano kung ako lang pala ang nakakakita sa kanya?
"Aray!" Marahas akong napalingon kay Kol nang pitikin nito ang tainga ko. "What was that for?" tanong ko sa kanya bago hawakan ang tainga kong pinitik niya. Buti sana kung hindi malaki ang kamay niya at mahaba ang daliri, ayos lang. Pero masakit ang pitik niya sa akin.
"This ain't a dream. Stop staring at him," ani Kol habang ang labi ay malapit sa tainga ko. Bahagya akong napatingin sa kanya. "Nakatitig ba ako?" mahinang tanong ko. Hindi ako aware na nakatitig ako sa kanya.
Gaano na ba katagal? Kanina pa? May iba kayang nakakapansin?
"Kanina pa, Cherinna..." sabi ni Kol bago sumandal sa upuan nito at kinuha ang cellphone. Magtatanong pa sana ako rito pero nakita ko itong nagtipa sa cellphone.
Kailan pa nahilig si Kol sa pagtetext? Hinayaan ko na lamang ito kahit pa gusto ko pang magtanong sa kanya.
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at muling napatingin sa direksyon ni Jahann. Katabi ito ni Theon at Keij. Nakikipag-usap tungkol sa nangyari sa buhay nito sa New York.
Katulad noon, napakagwapo pa rin nito. Halos walang pinagbago maliban sa kaunting paglaki ng katawan.
Nakangiti ito habang nakikipagkwentuhan kina Theon at Keij.
Siguro'y isa sa mga pinagbago ni Jahann. Dati ay seryoso itong makipag-usap ngunit ngayon, nakikita ko na ang pagtawa nito.
"Bakit bigla-bigla kang umuuwi? Wala ka pang pasabing gago ka," ani Theon kay Jahann. Matagal naman na nilang sinasabihan si Jahann na umuwi. Noon pa lamang na nalaman nilang buntis ako. Pero alam ko, ni isa sa kanila, walang nagsabi kay Jahann tungkol sa sitwasyon ko maliban kay Alyanna. Lagi niyang nakakausap si Jahann at ito ang nag-uupdate kay Jahann ng tungkol sa nangyayari sa amin dito. Hindi nga lang ako sigurado kung may pakialam nga ba si Jahann doon.
"Hindi natuloy plano ni Theon magpa-tarpaulin. Baka raw kasi may kumuha ng video niya habang sinusundo ka sa airport, magtrending siya..." natatawa namang sabi ni Keij. "Tangina kasi nito, sabi ko sa kanya, i-video niya sarili niya habang nagsesexy dance tapos ipost namin, siguradong magtetrending siya, eh. Ayaw naman..." iiling-iling na dugtong nito.
"Ewww. Ang kadiri. Sino namang manunuod 'non?" tila naman pinanayuan ng balahibong sabi ni Alyanna sa dalawa.
"Hindi ikaw, pabebe ka, eh..." sagot ni Keij dito. Tinignan naman ito ng masama ni Alyanna.
"Cherinna, you want something?" napalingon ako nang hawakan ni Ian ang siko ko. Nakaupo si Kol sa kanan ko habang si Ian naman ang nasa kaliwa. Tipid akong ngumiti bago umiling. "I'm good, Ian..." hindi naman ako gutom at pakiramdam ko rin ay hindi ko naman makakain ng maayos ang pagkain kung sakali man na bigyan ako.