6.Not hired

18.6K 585 17
                                    

Lee's POV

     This woman again?  What is she doing in my office? 

    Damn it.  This is my first day in this company.  Kung hindi lang talaga ako pinuntahan pa ng daddy ko sa bahay ko para pumasok dito ay hindi ko talaga gagawin.  This is not my forte.  I am an artist. Anong gagawin ko sa construction company?  But could I say no to a sick old man?  Kahit na hindi naging maganda ang huling pag - uusap namin ni Les, at alam kong hindi rin magiging maganda ang pagsasama namin, pinagbigyan ko na lang ang gusto ni daddy.

     I saw disbelief on her face ng makita niya ako.  She is trying to pull her super short pink micro mini skirt.  Stupid woman.  What was she thinking?!  Wearing a micro mini skirt in a construction company?  Neon pink pa?  Lahat na ng construction worker na nagrereport kanina sa office ng hr, nagpipiyesta na sa legs niya.  Even if she has long, smooth and lean legs, that doesn't mean that she can flaunt those to everyone.

     Shit.  Fuck it.  What is happening to me?  I don't know this woman.  Bakit ba ako apektado kung naka - micro mini man siya?  Ang ibang mga babae ngang lumalapit sa akin panty pa ang ibinibigay sa akin.  Minsan lumalapit pa ng naka super short shorts pero okay lang sa akin.  At mas gusto ko pa iyon.  Pero talagang naba - badtrip ako sa nakikita ko ngayon.  Because I can see Louraine.  And I won't allow her to wear this kind of clothes.  But I thought, she is not Louraine.  She just looks exactly like my dead wife, but she is not her.  Because my wife would never wear this kind of clothes. 

    "Anong ginagawa mo dito?" Narinig kong tanong babae.

    Natawa ako sa tanong niya.  Wala ba siyang idea kung sino ako? 

    "This is my office," sagot ko sa kanya at naupo ako sa swivel chair ko.  Dinampot ko ang folder na nakalapag doon at binuklat.  Nakita ko ang resume niya.

     "Ha?  Office mo 'to?  Paano ka napunta dito?  'Di ba nagbabanda ka?  Ano nga pangalan 'nun?" Sunod - sunod na tanong niya.  Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

     "My family owns this company," tanging sagot ko at pinasadahan ko ng tingin ang resume niya.  Not impressive.  I know her name.  Katrina Domingo.  Hindi ko pa ba makabisado ang pangalan niya, araw - araw kong tinitingnan ang magazine na halos nakahubad siya doon.  But I don't know.  When I saw her sa reception ng wedding ni Tita Pat, parang na - turn off ako.  Kasi ibang - iba siya kay Louraine. 

     Katrina is twenty seven years old.  Same age if my wife is still alive.  Under graduate.  Maraming work experiences but I think hindi naman kailangan ng ilagay doon at hindi naman makakatulong sa application niya.  Kailangan bang ilagay doon na nagpa - part time model siya mga bar gabi - gabi?  'Yung mga nakikilala at naikakama naming mga model ng alak, sigarilyo sa mga bars.

     "Do you know how to work with computers?" Tanong ko pa.  She is applying for an encoder.  Final interview na niya ito sa akin.  But I won't hire her.   I am just trying to look professional of asking her some questions.  Feeling ko sakit sa ulo ito.

      "Oo.  Marunong naman ako.  Mag Facebook, mag email sa yahoo.  Google din.  Pampadali ng buhay.  Instagram marunong din ako saka minsan snap chat kapag kailangan ko ng mga wacky at filtered photos sa sideline ko.  Nagbabasa din ako ng wattpad.  Aliw mga stories dun," sagot niya sa akin.

      Jesus Christ.  Gusto kong murahin ang nag - initial interview sa babaeng ito.  Bakit ba ito nakalusot for final interview?  Napapikit ako at napailing. 

     "I was asking about computer programs.  Word.  Excel.  Powerpoint.  Kung marunong ka ng basic photoshop or corel mas maganda," hindi ko na itinago ang inis ko.

The Rebel's Heart (BLACK SLAYERS Vol. 3) (COMPLETE)Where stories live. Discover now