Joanna's POV
Grabe. Buti nalang may naging kaibigan na ako dito. And I think mabait sya ^_^ si Katrina.
Nakakainis din yung 3 babae kanina na nakasalubong ko ah. Kala mo ang gaganda.
Kase banaman, nginitian ko lang sila para makipag kaibigan, aba. Inirapan ako. Duh. Di sila maganda. And di ko sila hahabulin para maging kaibigan ko sila
-----------flashback---------------
Hinahanap ko yung cafeteria. Transferee kasi ako kaya di ko pa alam toh.
May nakita akong 3 babae. I think friendly sila. So, I smiled at them.
0_o
Grabe. Inirapan lang ako? Pshhh. Di sila maganda noh. Mali pala yung akala ko na mabait sila.
sa paglalalakad ko,napapunta ako sa isang parang garden. Tapos, may nakita akong girl na umiiyak kaya kinausap ko sya.
-------end of the flashback--------
So yun na nga.
Ang tagal naman ni Katrina. Tumingin na ko sa relo ko halos 8 minutes na sya dun. Kaya I decided na puntahan sya.
Ayun,sakto. Nakasalubong ko na sya.
"Ay sorry Joanna ah, medyo natagalan. Ang haba ng pila sa CR ng girls e"
"It's okay Katrina. Btw. Ano next class mo?"
"Trigo. Ikaw? Teka,ang dami pang time ah. Kain muna tayo? Hahaha hindi kasi ako nakakain kanina dahil na nga sa nangyari kanina"
"Uy!sakto! Trigo din next class ko. Oonga noh? Sige. Pero pede mo ba ikwento sakin ano nangyari kanina? Please?" Nag-beautiful eyes pa ko. Hahaha
"Ahhh sige. Sabay na tayo. Okay"
Katrina's POV
Naglalakad kami ngayon ni Joanna papuntang cafeteria.
"Joanna, bat ka nga pala lumipat dito ng school?"
"Ahh kasi nagka problem kasi ang family namin sa States kaya umuwi muna kami ni mama dito sa Pinas"
"ahhhh"
Narating na namin ang cafeteria.
"Katrina, ano gusto mo? Treat ko"
"Ha? E para saan naman yun?"
"Pasasalamat ko. Kase you accepted me as a friend"
"Ahhhh sure ka? Hehe" Di na ko aayaw. Gutom ako e. HAHAHA
"Yup"
"Ahhhmmm. Isang juice at carbonara nalang."
"Ate,dalwa nga pong carbonara at dalawang orange juice" sabi ni Joanna sa nagtitinda.
"Thank you Manang" mabait nga itong si Joanna.
"Ahh, Joanna, gusto mo dun nalang tayo kumain sa garden? Masyado na kasing matao dito e" suggest ko
"Sige"
Nagkwentuhan kami ni Joanna sa garden at kinuwento ko yung tungkol sa nangyari kanina. Galit na galit nga din sya e. Hahahaha
After Recess(Trigo Time)
"Uy tara na Joanna sa next subject natin. Baka malate pa tayo." Sumunod naman sya.
BINABASA MO ANG
I'm an Obsessed Fangirl
Teen FictionTotoo ba yung sinasabi nilang "You can be his fan but you will NEVER be his girl"? Sana hindi. Siguro naman hindi totoo yun ano? Sa iba nga lang. Sa mga magaganda. Hindi tulad ko. PANGET. Pero,Mapapa-sakin kaya sya balang araw? Kahit na, madaming...