CHAPTER 2 Regrets
Nandito ako ngayon nakaupo, naghihintay sa doktor. Hindi ko mapigilan ang lakas ng tibok ng puso ko, namamawis ang kamay ko. Sobrang kinakabahan ako sa kung ano maaaring maging resulta. Sana okay lang ang kapatid ko. Sana. Sana talaga. Pakiusap.
Pagkalipas ng ilang oras, lumabas ang doktor, agad akong tumayo
"I am so sorry, pero machine na lang ang bumubuhay sa kapatid mo. Sobrang naapektuhan ang kanyang ulo at maraming dugo ang nawala sa kanya, kailangan pa natin siya obserbahan dahil malala na ang kondisyon niya. Malakas ang naging impact ng sasakyan sa katawan niya. Pasensya na" Tila nabingi ako sa mga narinig ko hindi ko matanggap ang nalaman ko paalis na sana ang doktor pero pinigilan ko siya
"Pero, pero may pag-asa naman doc na mabuhay siya di ba? Meron po di ba? Gagawin niyo ang best niyo di ba?" sabi ko, habang hawak ang braso ng doktor.
"Pasensya na iha, pero clinically dead na siya. Kapag tatanggalin ang machine sa kanya, mamamatay na siya, I am so sorry Miss Salazar. Ginawa na namin ang makakaya namin. Now, will you excuse me, may gagawin pa ako."sabi ng doktor sabay alis.
Tila gumuho ang mundo ko, nanghina ang mga tuhod ko, wala na ako sa sarili ko, hindi ko na mapigilang maiyak. Tinignan ko ang kapatid ko mula sa labas ng kwarto at naalala ko kung paano ko siya itinaboy na parang ganon na lamang. Oo ako na ang may kasalanan pero ginawa ko lang naman yun kasi alam ko kung sino mga kaibigan ko, lagi silang nakaabang para manukso, mambully at ayokong pagdaaan yun ng kapatid ko. Ang kapatid ko na lamang ang tangi kong pinapahalagahan pati mga kaibigan ko. Kaya sobrang sakit sa akin ang nangyari kay Cara.
Special child si Cara, parati ko siyang inaalagaan at kahit kailan hindi ko siya ikinahiya, ngayon lamang nangyari ito kaya naman sobrang nasaktan siya. Mahal na mahal ko ang kapatid ko kahit naging gago ako hindi ko nakalimutan ang pagmamahal ko sa kapatid ko.
Hindi ko na napansin pa ang mga tao sa paligid ko. Naglalakad ako at hindi ko alam kung saan ako itutungo ng mga paa ko. May nababangga na ako pero wala na akong pakielam. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko.
Hanggang sa nakarating ako sa chapel ng hospital. Hindi ako paladasal aaminin ko, pero ngayon gusto kong humiling, nagbabakasakali lang ako sa isang himala. Kaya pumasok ako sa chapel.
YOU ARE READING
Saved.
Teen FictionA story about a girl on her journey and challenges in life until something unusual happened to her that changed her life forever.