(Aldwin)
"And daya mo naman masyado mong ginagalingan eh"
Pag rereklamo ko habang pilit kong inaagaw sa kanya ang bola.
"Hindi pa no! Nag didrible lang ako aagawin mo lang siya sakin"
Sagot niya habang pinapatalbog ang bola.
"Pano ko maaagaw yan eh iniiwas mo"
Bigla siyang natawa sa sinabi ko.
Eh hindi naman kase ako marunong talaga mag basket ball! >.<
"Kaya nga gumawa ka ng paraan para maagaw sakin to eh "
Bumuntong hininga ako at hinarangan ko sya pilit kong inaabot ang bola para maagaw sa kanya.
Naririnig ko naman na tawa lang sya ng tawa dahil mukha akong timang sa kakahabol sa bola.
Itinaas niya yung bola at pilit ko naman itong inaabot.
Mas matangkad sakin si Xavier kaya di ko maabot yung bola.At dahil inis na inis na ako at pagod na rin kakahabol ng bola ay pinilit kong tumalon ng mataas para maabot yung bola kaya lang.
Pagbagsak ng bola ay kasabay naman ng pag out of Balance sa pag kakatayo ni Xavier."Shit!"
Narinig ko ang mahinang sabi ni Xavier bigla syang napahiga at ako naman ay bumagsak sa pawisan niyang katawan. .
Ang dalwa kong kamay ay napahawak sa mag kabila nyang dibdib magkaharap ang aming mga mukha nararamdaman ko ang hininga nya na hingal na hingal.
Mabango ang kanyang hininga at mainit. Ramdam ko din ang mabilis na tibok ng puso nya at ang kanyang dibdib na basang basa ng kanyang pawis napaka solido nito dahil sa muscle niya napukaw din ng aking pansin ang kanyang adams apple na nakadagdag sa kakisigan niya.
Parang nanuyot ang laway ko sa pagtitig sa kanya at
Bigla na lamang akong nakaramdam ng kung anong Kuryente na bumalot sa buo kong sistema. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko rinig na rinig ko na kumakawala ang puso ko sa sobrang ka ba.Gwapo si Xavier makapal ang kilay niya matangos ang ilong Maputi at bagay sa kanya ang tattoo niya sa kanyang kanang dibdib singkitin ang kanyang mga mata at kulay brown ito napaka kissable lips niya at wala kang pimple na makikita sa mukha niya napaka kinis ng kanyang mukha. .
Mukha syang anghel sa kisig ng katawan niya at ang kakaibang amoy na sa kanya ko lang na sisinghap.
Napaka swerte ng babaeng magiging Girl friend niya."Tumigas"
Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya.
"A-anong sabi mo?"
Ngumiti sya ng nakakaloko at tumingin sa ibaba at ng mapag tanto ko kung anong ibig sabihin niya ay napabalikwas ako ng tayo. .
Shit!! Nakakahiya ka aldwin nakakainis ka!
Gusto kong bumukas ang Flooring ng Court at kainin ako ng buhay.
Napahawak ako sa hinaharap ko at tumalikod sa kanya.
Di ko napigilan ang sarili ko at bigla nalang nabuhay ang pagkalalaki ko nakakainis naramdaman pa niya. .Naramdaman ko nalang ng bigla siyang umakbay sakin.
"Ok lang yan "
Pagka sabi niya noon ay hinawakan nya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. .
Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo. . Parang mapula pa yata ako sa kamatis ng mga oras na yun.
Nakakaiyak! T_T
"Game na ulit!"
Sabi niya sabay pasa ng bola sakin
"Sige "
BINABASA MO ANG
Twisted Fate (Uncontrolled) BxB
RomanceThis Story is for Open minded people. if you are not One of Them please dont read this. . dont Judge my Story because nobody's perfect choss haha enjoy reading