Chapter 13: I have to pretend

23 1 0
                                    

Bakit? Bakit nagawa nyo sakin to? Ano bang kasalanan ko sa inyong dalawa?

(Bigla akong nagising dahil sa malakas na pagkatok ni mama sa pinto ng kwarto ko)

Mama: LOuisa... (Habang kumakatok) Hindi ka pa ba babangon dyan? Hala anong oras na anak. Wala ka bang pasok ngayon.

"Wala ma. Ayokong pumasok."

Mama: Ano ba talaga? Kung may pasok ka, bumangon ka na. Naghanda na ako ng almusal mo. Dali na bangon na.

"Hay. Opo ma. Susunod na lang po ako."

Nakakatamad naman gumising ngayon. Pakiramdam ko antok na antok ako. Teka? Grabe lang yung panaginip ko. Hanggang sa panaginip ba naman hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari sa aming tatlo nina Bianca at Steve. Its been a week na rin nung nangyari yun. One week ko na silang iniiwasan. One week na akong lumalayo kay Steve. One week na pero sobrang sakit pa rin.

Buti na lang ginising ako ni mama ngayon kung hindi, baka hindi ako makakapasok. Medyo napupuyat kasi ako nitong mga nakaraang araw. Wala akong masyadong maayos na tulog. Kung hindi ako makatulog, putol-putol naman yung tulog ko. Hay. Hanggang kailan kaya ako magkakaganito. Naaawa na ako sa sarili ko.

Bumaba na ako sa sala para saluhan si mama sa almusal. Ayoko na rin na magmukmok masyado. Napapagod na akong maging malungkot. Napapagod na akong umiyak.

Mama: Louisa. Okay ka lang ba? Napapansin ko nagiging matamlay ka ah? May masama ka bang nararamdaman?

"Meron ma."

Mama: Ha! Ano? Bakit hindi mo sinasabi?

"Ah. Biro lang ma. Wala po. Ayos naman ako. Baka napapagod lang po ako dahil palapit na yung finals tapos maraming activities na sa school."

Ma: Naku. Huwag mo masyadong abusuhin yang katawan mo. Magpahinga ka. Baka mapano ka nyan anak.. mahirap na.

"Opo ma. Wag po kayong mag-alala.", sabay ngiti.

Kailangan kong ipakita kay mama na okay lang ako. Ayoko naman na pati sya eh mag-alala dahil sakin. Dahil lang dun sa nangyari. Kailangan kong magkunwaring okay lang ako sa harap ni mama para naman hindi na ko makadagdag sa mga iisipin nya.

Ma: Oh tapos ka na agad kumain?

"Opo ma. Bigla ko kasing naalala na kailangan kong pumunta ngayon ng maaga sa school. Una na ako ma."

Ma: Mag-iingat ka ha? Magtext o tumawag ka lang sakin o sa kuya mo kapag may problema.

"Mama talaga. OKay lang ako. Mag-iingat ka rin ma. I love you po.", sabay beso kay mama.

Mabuti na lang at may mama akong napaka-sweet at mapagmahal. Kahit papaano nababawasan yung lungkot na nararamdaman ko. Pero sana maka-move on ako agad. Kung hindi ko lang sana makikita sina Bianca at Steve sa school baka hindi ako mahihirapan na gawin yun. Kaso.....

(Sa lobby)

Eca: Goodmorning bespren! Akala ko hindi ka pupunta ngayon eh.

"Pwede ba naman yun Eca? Start na ba?"

Eca: Hindi pa. Mamaya pa siguro. Wala pa rin yung speaker eh, kaya malamang male-late na to.

"Ah sige ayos lang. Maghintay na lang muna tayo dito."

Eca: Hoy babae. Ok ka na ba?

"Ha? Oo. bakit naman hindi ako magiging okay?"

Eca: Asus! Maglilihim pa sakin. Bespren mo ako kaya alam ko na hindi ka pa okay. Magkuwento ka na kasi sakin Louisa.

Our Unexpected Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon