Kabanata VI: JOMARI
Sabay-sabay kaming lumaki nina Jude at Jomari. Kababata ko sila. Laging kinatatakutan si Jude dahil sa mga hula at pangitain niya. Hindi siya kinakaibigan ng iba kasi nagdadala raw siya ng sumpa. Si Jomari ang tagapagtanggol ni Jude sa mga hindi naniniwala sa kanya. Ngayon, ibang Jomari na ang nakikita ko. Iba ang Jomari na kasama ko sa malamig na silid na ito sa Jomari na kilala ko noon.
Nagbigay siya ng nakakalokong ngiti. "Paano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong niya sa akin. "Wag mong sabihing kagaya ka rin ng pinsan ko na nakakakita ng mga pangitain?"
Ipinagtapat niya sa akin ang lahat. Sapat na ang mga sinabi niya para kasuklaman ko siya.
Si Laila. Noon ay kaibigan lang ang turing niya rito pero dahil matalino si Laila, hinangaan niya ito nang lubos. Isang araw e nagpaturo siya sa isang subject na hirap siya. Pumunta siya sa bahay nina Laila at dahil walang iba tao, may nangyari sa kanilang dalawa.
Sinubukang suyuin ni Jomari si Laila sa pag-aakalang gusto siya ng kaibigan namin pero ang isinagot ni Laila?
"Gusto ko lang namang malaman kung ano ang pakiramdam kaya sinubukan ko pero 'di ibig sabihin nun e gusto na kita. Sorry, Jomari, pero hindi ikaw ang priority ko."
Matagal na raw na nangyari yun pero dinamdam iyon masyado ni Jomari dahil masyadong naapakan ang pagkatao niya. Sa kabila noon, hindi niya ipinakita sa lahat na masama ang loob niya kay Laila.
Si Janine. Play girl siya kung ituring ni Jomari. Nakipag-inuman siya noon kina Janine at Eve sa isang bar. Naunang umuwi si Eve kasi sinundo siya ni Alden, at naiwan sina Janine at Jomari na magkasama. Imbis na sa kani-kaniyang bahay tumuloy, sa ibang lugar pumunta ang dalawa. Nang mag-umaga, pag gising ni Jomari ay wala na si Janine sa tabi niya. Nang magkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa, ang sinabi ni Janine,
"A ikaw ba yung kasama ko kagabi? I thought it was some other guy. Oh well, Jomari, kung anumang nangyari sa atin kagabi kalimutan mo na. Lasing lang ako nun. It happens all the time. 'Wag kang mag-alala, wala namang ibang makaaalam nito. Ayokong mapahiya sa mga kaibigan natin."
Si Eve. Sa kanya patay na patay si Jomari. Ipinadrawing pa nga niya kamakailan lang ang mukha ni Eve kay Jude. Sabi niya nagkaroon noon ng matinding away sina Eve at Alden, at si Jomari ang nilapitan ni Eve. Siya ang nag-comfort rito. Lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon ng relasyon sina Eve at Jomari. Ipinadama ni Jomari kay Eve ang tunay na pagmamahal. Ibinigay din niya ang "kaligayahan" na hindi naranasan ni Eve kay Alden. Sabi raw ni Eve ay makikipag-break na siya kay Alden pero hindi iyon ang nangyari.
"Oo, pinaligaya mo ako pero hindi ko puwedeng isuko si Alden nang ganun na lang. Puwede bang dalawa muna kayo sa buhay ko?" sinabi ni Eve sa kanya noon.
Ganoon pala ang kuwento. Sabi ni Jomari masyado siyang nasaktan, na masyadong natapakan ang pagkalalaki niya. Tatlong babae, mga kaibigan pa man din namin, ay ginawa siyang basura.
"Ngayon, sabihin mo sa akin, Bianca, ako ba ang may kinuha sa kanila? Hindi ba't sila ang may atraso sa akin? Sobra na akong sumabog. Gusto ko silang patayin lahat dahil sa mga ginawa nila sa akin pero kumukuha lang ako ng tiyempo," sabi ni Jomari.
"Hindi pa rin sapat na dahilan yun para gawin mo sa kanila yun!" diin ko.
Inamin ni Jomari sa akin na ang hula ni Jude tungkol sa pagkamatay nina Laila, Janine, Eve, maski ang pumalpak na hula kay Alden ay hindi totoo. Kinuntsaba niya ang pinsan niya at ang sinasabi ni Jude mula noong pagkabata namin na nakakakita siya ng mga multo, maski ang pagkakatotoo ng panaginip niya, ay kasinungalingan at gawa-gawa lamang. Sinabi niya kay Jude ang plano niya kung paano niya didispatsahin ang mga kaibigan namin. Nag-iwan din siya ng note kina Laila, Janine at Eve na nakasulat sa isang pulang papel at nagsasabing, "Gusto mo bang malaman kung paano at kailan ka mamamatay? Kaya kong hulaan iyan." At sa huli ay nakalagay ang pangalan ni Jude na siyang nagpahatid daw ng mensahe at ang taong dapat lapitan sakaling interesado ka. Masuwerte namang kinagat nina Janine at Eve iyon, samantalang si Laila ay nagdalawang-isip pa pero pumunta rin kay Jude dahil sa pambubuyo nina Janine at Eve.
BINABASA MO ANG
Mamamatay Na Ako... Bukas!
Mystery / ThrillerPito kami sa barkada: si Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako -si Bianca. Sa maniwala kayo't sa hindi, apat na ang nalalagas sa amin matapos nilang magpunta sa isang bulung-bulungang manghuhula raw sa University. Hindi nito hinuhulaan ang l...