ENTRY #48
Janella's POV
--
"Hindi pwede." sabi ko kay Kim. Umatras ako ng konti sakanya tsaka tumingin sa ibang direksyon.
"Hindi pwede?" tumingin sya sa'kin. "Pero, bakit? Ayaw mo ba?"
Umiling ako tsaka tumingin sa kanya. "May sasabihin ako sa'yo, Kim."
"Ano yun?"
"Si Luke--"
Biglang kumunot yung noo nya. "Kayo na ba ulit ni Luke?" humalukipkip sya. "Sya pa rin ba yung gusto mo?"
Hindi ako nagsalita. Lumapit ako sa kanya at nung ilang inches na lang ang pagitan namin. .
binatukan ko sya >.<
"Ano ka ba! Hindi 'no. Ba't mo naman naisip yun? Parang ewan naman 'to oh!"
"Nak ng! Masakit yun ah! Mamaya babatukan din kita makikita mo." binehlatan nya ako -_- "Oh eh ano kay Luke?"
"Patapusin mo muna kasi ako, okay?" pinandilitan ko sya pero nagmake face lang sya. Aba, aba. "Alam mo kasi, si Luke nanligaw. Eh ikaw, hindi ka ba manliligaw? Sasagutin kita agad? Atat? Atat?" ako naman ngayon ang bumehlat sa kanya. Hmp!
At sa lahat ng pwedeng reaksyon, tumawa sya. "Hahaha! Sus, yun lang ba? Edi liligawan na lang kita araw-araw kahit girlfriend na kita." nginitian nya ako.
Nginitian ko rin sya. "Wow, nakakakilig naman." tsaka ko sya inirapan.
"Ha! Talaga! So ano, pumapayag ka na maging girlfriend ko?"
Nginitian ko sya ulit. "Hindi. Behlat!" at tinakbuhan ko sya. Haha!
"Hoy Janella! Aish ang daya naman oh! Huy! Tumigil ka nga sa katatakbo dyan, huy! NAK NG!"
Eh wala na syang nagawa, hinabol nya na rin ako. Tumakbo ako hanggang sa makarating kami sa Ministop sa tapat ng park. Eh bakit ba, gutom ako e. =___=
"Libre mo 'ko ng pringles!" tumingin ako kay Kimpot tsaka nag puppy eyes, kitten eyes at lahat na ng kyut na eyes.
"Sige ililibre kita." nginitian ko sya nun, ngiting abot tenga. "Pero pumayag ka na maging girlfriend ko." at nawala yung ngiti ko -_-
"May pera pala ako. Thanks, but no thanks! Tsk." kumuha na ako ng isang tube ng Pringles tsaka nagbayad sa cashier habang si Kimpot naman, naghintay lang sa labas.
Nung nabayaran ko na yung binili ko, lalabas na sana ako nang makita ko si Luke.. at nakita nya rin ako. Para bang gusto nyang lumapit at kausapin ako pero hindi siya gumalaw. Pero nangungusap yung mga mata nya. Teka, kelan pa natutong makipag-usap ang mga mata? *kamot sa ulo*
Huminga ako ng malalim tsaka nginitian sya. Halatang nabigla sya sa ginawa ko. Eh ako nga nabigla din -__- Lumapit ako sa kanya pero hindi ganun kalapit. "Kelangan nating mag-usap." Hindi ko na hinintay pa yung sagot nya. Nagbabye na ako sa kanya tsaka lumabas na dala-dala ang paborito kong Pringles.
"Tagal mo sa loob ah. Nagkwentuhan pa kayo nung cashier?" tanong nya sa'kin sabay kuha ng chips.
"Oo, nagkwentuhan kami. Alam mo kung tungkol saan yung kwento?"
Nilunok nya muna yung kinakain nya bago sya sumagot. "Tungkol saan?"
"Tungkol sa mga lalaking atat." sumubo ako ng maraming chips para hindi matuloy yung tawa ko.