DARE 10

88 15 11
                                    

Zea's Point Of View

PABALIK-BALIK ako sa room namin ni Lucy dahil sa kaba at kuryosidad kung ano na ba ang nangyayari sa mga kaklase namin ngayon.

"Can you please stop?" Masungit na tanong ni Celine at napahawak sa sintido nito dahil sa pagkairita sa akin.

Hindi makapaniwang tinignan ko siya. "Are you serious?" Salubong ang kilay na tinitigan niya ako.

"Do I looked joking?" Sarcastic nitong tanong at napairap na lang sa akin.

Napailing na lang ako sa inaasta ni Celine. "It's look like na wala kang ginawang masama kanina lang kung umasta ka ngayon?"

Napaharap naman agad siya sa akin at biglang nagbago ang ekspresyon nitong masungit sa pagiging problemado.

"Syempre nag-aalala pa rin ako kung okay na ba si Dianne pero ayaw ko namang ma-stress dahil sa mga nangyayari." Malungkot nitong sabi at napayuko na lang. Tumaas lang ang isang kilay ko dahil sa pagbabago ng paguugali niya.

I'm sure mayroong tinatago ang babae na ito sa amin.

Pumunta na lang ako sa balcony upang makalanghap ng sariwang hanging ng sa gano'n ay mabawasan naman kahit kaunti ang stress ko.

"Ano kaya yung feeling na mahulog sa ganitong kataas na floor at bumagsak sa pool?" Tumaas ang kilay ko sa biglaang pagsalita ni Celine sa tabi ko habang may ngiti sa labi nito.

"Bakit hindi mo gawin?" Mataray kong tanong. "Hindi 'yung tanong ka nang tanong?"

"Naisip ko nga ang bagay na iyan, Zea." At mahina siyang tumawa. "What if ihulog kaya kita dito?"

Kinabahan ako sa tanong niya lalo na sa ipinapakita niyang ngiti sa akin.

"Should I do it?" Nangaasar niyang tanong at lumapit sa akin.

"Fuck off, Celine!" Seryoso kong sabi at masama siyang tinitigan. Ano ba ang nasa isip ng babaeng ito?

Mabilis na hinawakan ni Celine ang aking leeg at dahan-dahan nitong diniinan ang pagkakasakal sa akin. "Hindi pa ako mamamatay ngayon Zea!"

"Shit! What are you doing?"

"Having a play with you?" Patanong nitong sabi at ngumiti nang nakakaloko. "Ako ang mabubuhay sa laro na ito!"

"Your crazy!" Sigaw ko sa kaniyang mukha at nangigigil na sinakal rin siya pabalik. Hindi ako papayag na mamatay na lang ng walang kalaban-laban.

Hinablot ko ang buhok niya at nangigigil na sinabunutan siya. Napatili ako ng malakas nang bigla niyang hinila ang aking buhok at sinampal sa mukha.

"I will kill you!" Sigaw ni Celine na animoy wala na sa katinuan. "And I will survive this game!"

Malakas na tinulak niya ako sa dulo ng balkonahe at pilit na inihuhulog ako mula rito.

"Kung si Dianne na patay ko, kaya ko ring gawin 'yon sa'yo!" Nabigla ako sa sinabi niya at napahinto sa pagkilos dahilan para tuluyan niya akong maihulog sa balkonahe.

"Mamatay ka na Zea!" Sigaw nito at humalakhak nang malakas.

Bago ako tuluyang mahulog pilit kong inabot ang railings ng balcony upang hindi bumagsak sa pool. "Fuck you Celine, your totally a demon!" Gigil kong sigaw sa kaniya.

"I am." May ngising sabi nito at tinalikuran na ako.

Mas hinawakan ko ng mahigpit ang railings at tinanaw ang pagbabagsakang pool. Damn kakayanin ko ba 'to?

Magugustuhan mo rin ang

          

"Oh my! Look it's Zea!"

"What the, na saan na ba and pulis?"

"Where the hell is the ambulance?"

Isang malalim na buntong  hininga ang making ginawa at walang alinlangang bumitaw mula sa aking pwesto pabagsak sa pool. Sari't saring hiyawan ang aking  narinig ngunit wala pa ring makakatalo sa mabilis at malakas na kabog ng aking puso na animo'y gusto nang lumabas mula sa aking katawan.

Bago tuluyang bumagsak tinanaw ko ang kaninang kinatatayuan ni Celine na ngayon ay unti-unting lumalabo sa aking paningin.

Mabubuhay pa ba ako?

Isang malakas na impact mula sa aking likuran ang aking naramdaman at ang pagpasok ng tubig mula sa aking ilong at iilang tubing na aking nainom. Sinubukan kong galawin ang aking mga paa at kamay upang makaahon sa pagkakalubog ngunit kahit anong gawin ko lumulubog pa rin ako. Parang huminto sa pagtibok ang aking puso ng wala na akong makuhang hangin para makahinga sa ilalim ng tubing na ito.

Napapikit na lamang ako at inisip na katapusan ko na ito. Ngunit sa kalagitnaan nang aking pag-iisip ng mga  negatibong bagay isang kamay ang aking naramdaman na humawak sa aking kanang kamay at isinama ako sa pag-ahon mula sa malalim na parte nitong swimming pool. 

Sa pagdampi nang malamig na simoy ng hangin sa aking balat doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag at nawala ang pangangamba na bumabalot sa buo kong pagkatao. Dahan-dahan akong inihiga ng taong sumaklolo sa akin sa makinis na tiles at dahan-dahang tinatapik ang aking pisngi. Gustuhin ko mang imulat ang aking mga mata ngunit wala akong lakas upang gawin ito kaya pinilit kong ibuka ang aking bibig at sinabi sa nanghihinang boses ang aking iniisip.

"S-si Celine ha-habulin niyo." 

"Later, you need to rest first." Seryoso ngunit may halong pag-aalala sa boses nito. 

Napangiti na lang ako nang pagak sa boses na aking narinig. "But there's a po-possible na si Ce-Celine ang hinahanap nating killer."

"Give it to me, you need to rest now." Napahinga na lamang ako nang malalim dahil alam kong wala na akong laban sa kanya.

"Do it for me, Zero."

"I will."

Sa huling kataga na sinambit ni Zero tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata at hinayaang lamunin ng dilim.

--*--

"Did you find her?" Naalimpungatan ako nang may marinig na mga boses na nag-uusapan. Nanatiling pikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang nangyayari sa aking paligid.

"Sorry Sir, but we didn't find her already." Paumanhin ng kasama nito.

"Just update me if you have lead. You may now leave." Ilang segundong katahimikan ang namayani nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan, sinyales na lumabas na ang kausap ng taong kasama ko ngayon dito sa kwarto.

"Nasaan ako?" Ang unang salita na lumabas sa aking bibig ng mapagtanto na hindi ito ang room na tinutuluyan namin ng tuluyan ko nang ibinukas ang aking mga mata.

Isang pigura ng lalaki ang lumapit sa aking kinahihigaan at umupo sa bakanteng upuan sa kanan. 

"Nasa hospital ka Miss Gonzalez." Kumunot ang aking noo at inilibot ang paningin sa buong pasilyo.

"Nasaan ang mga kaklase ko?" Takang tanong ko ng ibaling ko muli ang aking atensyon sa lalaki na katabi ko. "At sino ka?"

Umupo ito sa sofa na nasa gilid ko. "Nasa labas sila ngayon at ako naman si Police Inspector John,  ang hahawak ng kaso niyo." Maawtoridad nitong pahayag at inilahad ang kanang kamay nito sa akin, inabot ko naman ito at nakipagkamay sa kaniya.

"Ikinagagalak kong makilala kayo Police Inspector John!" Magalang kong sabi rito at binigyan siya ng ngiti.

"About pala sa nangyari kanina..."

"Nakita niyo na po ba si Celine? Nahuli niyo na, nakatakas ba, pinaghahanap niyo pa?" Mabilisan kong tanong rito.

"Hindi pa namin siya nakikita pero ginagawa na ng kapulisan ang lahat upang mahuli ang salarin."

Bumangon ako sa pagkakahiga at hinawakan siya sa balikat. "Gawin niyo ang lahat para mahuli si Celine!"

"Oo pero kinakailangan mo munang magpahinga. Babalik na lang ulit ako upang makakuha ng ibang impormasiyon tungkol sa kaso." Tumayo na ito at nagpaalam sa akin.

Paano kung balikan ako ni Celine at ituloy ang naudlot nitong balak sa akin?

Napaigtad ako sa aking kinauupuan ng biglang bumukas ang pintuan ng cr. Para akong aatakihin sa puso dahil sa bilis ng tibok nito. "May tao ba diyan?" Kinakabahan kong tanong at kahit na nanginginig ang aking mga tuhod lakas loob akong tumayo at dahan-dahang lumapit patungo roon. Holos ilang hakbang na lamang and layo ko nang biglang may humawak sa aking balikat. Napasigaw ako sa takot at dali-daling umikot papaharap.

"Zea anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Daisy habang nasa likod nito si Lucy. "Para kang nakakita ng multo!"

Napabuntong hininga na lamang ako at bumalik na sa kinahihigaan ko. "Nothing. There just something I notice." Mahina kong sagot sa kanila.

"You know what Zea, your just paranoid." Naiiling na sabi ni Lucy at sinimulang balatan ang mansanas na kinuha nito sa mini table."Kulang ka lang sa kain."

Sana nga.

--*--

Ilang araw na rin akong nakaconfined sa ospital at ngayon na ang oras para discharged ako. Nandito ako ngayon sa dati kong room at inaayos na ang mga gamit ko.

"Pagkalabas mo rito sa ospital babalik na rin tayo sa Manila." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Daisy at napaupo na lamang sa kama dahil sa pagod.

"Hindi ko inaakalang ganito ang kakalabasan ng pagouting natin." Malungkot kong sabi rito.

"Kahit ako pero wala na tayong magagawa, ang kinakailangan na lang nating gawin ay maghintay na mahanap ang killer."

"Ganito na lang ba ang gagawin natin, ang maghintay?" Inis kong pahayag rito at napahawak na lamang sa buhok ko dahil sa frustration.

"Wala tayong magagawa upang tulungan ang mga pulis para sa kaso na ito mga estudyante lang tayo Zea na biktima sa laro na ito." Napalingon ako kay Dianne at walang nagawa kung hindi ang yakapin siya.

"Sorry, stress lang siguro ako." Mahina namang tinatapik ni Daisy ang likuran ko na animoy sinasabi nito na nandiyan lang siya lagi sa likod ko.

Napalingon kami pareho sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa si Lucy.

"What's with that cheesy scene?" Napairap na lamang kaming pareho ni Daisy at naghiwalay na sa pagkakayakap. "Any way, pinapasabi ni ma'am na bumaba na raw kayo. Kinakailangan na nating bumalik sa resort para kuhain ang mga natira pang gamit doon."

Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng room.


Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon