I'm Awake but Who you?

21 0 0
                                    

Revenge

When properly planned

Is without a doubt

The most delicious of guilty pleasures

 

________________________________________________________

AUTHOR's POV

"Baby? Mommy is just here for you baby. Mommy loves you."

May na ririnig na boses si Hunter pero wala syang makita. Ang lugar na yun ay parang isang kwartong nababalot lamang ng dilim. Patuloy ang paglakad nya, walang maapuhap, at walang madamang sahig sa kanyang paa. Wala na yata iyong katapusan. Hindi nya din alam kong yan ang tinatahak nyang daan.

"Baby? You need to wake up." patuloy na sabi ng babae.

Para iyong isang panaginip at hindi isang bangungot. Kailangan niyang gumising. She felt hopeless. Gusto na niyang sumuko at magpahinga pero ayaw siyang siyang tigilan ng boses na yun.

Kapagkuwan ay unti-unti siyang nakakita ng nakasisilaw na liwanag. Patindi ng patindi kaya tinakpan nya ang kanyang mukha para huwag masilaw.

"Boss? Boss? You're awake." sabi ng isang tinig ng babae na pinipisil-pisil ang kanyang kamay nyang walang nakakonectang dextrose.

"Well? what the hell are you all waiting for? Call the Doctor!" utos ng tinig ng lalaki na nasa kabilang side naman ng kama.

Malabo pa ang dating ng lahat para sa kanya. Parang naninibago pa ang kanya ng mga mata sa tagal na pamamalagi ng mga iyon sa madilim na lugar. Ilang minuto pa ay dahan-dahang naging klaro na ang paligid.

She was back.

Nagpalinga-linga sya. Bukod sa lalaki at babae ay may nakita sya iba tao sa paligid na nakatingin lang sa kanya.

"Kamusta ka Farrelle?"  tanong ng isang lalaki na nakataas ang buhok.

"F-Farrelle?" naguguluhang ulit nya.

Nagulat ang lahat sa sinabi nya.

"S-sino kayo?" nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha nya. Hindi nya kilala ang mga ito.

"Farrelle hindi mo kami kilala?" tanong naman ulit ng lalaki nakataas ang buhok.

"Hindi ko..." Sumakit bigla ang olu nya kaya hindi na nya natapus ang sasabihin. Binawi nya ang pagkakahawak ng babae sa kamay nya at kinapa niya ang kanyang olu na nababalutan ng benda.

"Doc?" anang isang lalaki sa tabi nya.

"Hunter, how are you feeling?" tanong naman nito ng pumunta sa pwesto kanina ng babaeng humawak ng kamay ko.

"H-hunter?" Mahinang usal nya. Sino ba yan? Kanina tawag sa kanya Farrelle ngayon naman ay Hunter.

"Hindi mo ba sila nakikilala?" tanong ng doctor na tukoy nito ang mga taong nakapaligid sa kanya.

"No."

"Natatandaan mo ba ang pangalan mo?"

"aucun." naguluhan naman ang doctor sa sinabi nya.

"That means No in french." sabi ng lalaki sa tabi nya.

Tumango-tango lang ito.

THE TARGET <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon