V

48 5 0
                                    

Siguro ngayon, ang saya-saya mo

Malamang masaya ka kasi nasa'yo na yung puso na dating pagmamay-ari ko

Siguro ngayon, pinagdarasal mo na sana hanggang huli ay maging matatag kayo

Pero sa totoo lang, napaka-swerte mo.

Ang swerte mo, mahal ka ng mahal ko.

Ang swerte mo, yung taong iniingatan ko, ikaw yung iniingatan.

Ang swerte mo,  yung taong pinapahalagahan ko, ikaw na yung pinapahalagahan.

Isa lang yung mahihiling ko sa iyo,  isa lang kaya sana naman ay matupad mo,

Kasi dati nung kami pa, hangga't kaya ko ay binibigay ko sa kanya,

Kasi dati nung kami pa, kahit mahirap ay ginagawa ko para sa kanya.

Sana ako nalang ikaw,

Sana ako parin yung tinatawag niyang 'mahal'

Yan ang mga 'sana' ko na nauwi nalang sa sayang

Mga 'sana' na habangbuhay ay mananatiling 'sana' nalang.

Kaya ngayon isa lang ang mahihiling ko sayo...

At iyon ay ang mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal na binigay ko.

Iparamdam mo sa kanya na siya ang mundo mo gaya ng ginawa ko noon.

Ipaalam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Bagay na siguro doon ako nagkulang.

Ipaalala mo sa kanya kung gaano siya ka-importante at ka-halaga.

Ibigay mo sa kanya yung halaga at pagmamahal na karapat-dapat para sa isang katulad niya.

Alam ko'ng ako ang dahilan kung bakit naghiwalay tayo, mahal.

Alam ko'ng kasalanan ko kung bakit nawala ka sa akin, kaya ayos lang.

Malinaw parin ang lahat sa aking isipan na kung paano tayo unti-unting nagiba.

Naging kampante kasi ako na sakin ay hindi ka mawawala.

Sana pala ay hindi ko hinayaan na lamunin ako ng galit ko dati

Edi sana hindi nawala yung pagmamahal mo na dati ay sa akin.

Kaya para sa iyo na may karapatang mahalin siya ng todo.

Tangina mo, ingatan mo yang mahal ko,

Kasi ang swerte mo, mahal ka ng mahal ko.

Ang Swerte Mo, Mahal Ka ng Mahal koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon