3> Lunch, Date?

11 0 0
                                    

C / N : Omg! Back to zero?! Watty is peking kidding me. Kainis.

Gawa ulit akong bagong update matapos mawala yung una kung ginawa dito, kaloka. Hindi ko tuloy maipublished yung ibang chaps.

Ok here we go.

____________

Chapter 3

+

+

+

"Hoy bababa na ako! Itigil mo nga yung sasakyan." ako

Lumingon lang sya saakin saglit tapos mas binilisan pa nya ang pagpapatakbo ng kotse. Napakapit na lang ako sa upuan ko.

"Pwede ba manahimik ka na lang?" iritado nyang sagot.

"Hello! Ok ka lang. Kakaladkarin mo ako dito tapos sasabihin mo manahimik ako. Ayos ka rin eh!" hindi ko na napigilang taasan sya ng boses.

Kinakabahan na ako dahil dadalhin nya ako sa kanila, dagdag mo pang nakakainis sya.

"Tsk, just shut up ok?" medyo mataas na din ang tono nya.

"Pwede ba, bakit kasi kailangan mo pa akong isama sa inyo eh?" sabi ko.

Hindi sya sumagot pero binagalan nya naman yung pagpapaandar. Alam ko namang wala syang balak kausapin ako kaya nanahimik na lang din ako. May saltik nga talaga yata ang lalaking ito.

Bigla-bigla na lang mangahahatak tapos di magsasalita. Sino kaya ang mga tao sa bahay nila? Ang masama nyan baka andun yung parents nya at kapatid kung meron man. O baka naman balak nya akong ipakain sa alaga nilang leon.

Gusto kong batukan ang utak ko dahil sa mga naiimagine kong pwedeng mangyari. Huwag lang sana yung last part. Napasulyap naman ako sa katabi ko. Wala naman sa aura nya ang ganun kahit alam kong may sapak sya.

Napabuntung-hininga na lang ako at hinayaang malunod ang sarili ko sa pagtanaw sa nga nadadaanan namin. Siguro mga 15mins na din kaming bumabyahe pero di ko alam ang destinasyon at di ko na din balak pang alamin, for sure wala naman akong mapapala eh.

"We're here." narinig ko maya-maya ang sabi nya tapos ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse.

Andito na pala kami, hindi ko man lang namalayan.

Napansin ko yung kasama ko naglalakad na papalayo, ang sama talaga nun hindi man lang maghintay. Hindi talaga ata uso dun ang salitang hintay eh. Pero napansin ko ding bukas na yung pinto sa side ko.  So binuksan nya yun ng hindi ko napapansin o baka naman kasi sadyang namamangha na ako sa mga nakikita ko.

Bumaba na ako at hinabol sya habang pinagmamasdan ko pa din ang bahay nila. OMG, ang yaman nga nila. Ang laki ng bahay nila, gawa sa glass. Whoah, dream house ko to eh.

Palinga-linga ako ng bigla akong mapatigil dahil may nabangga ako. Pagtingin ko sya pala huminto na sa paglalakad. Nasa sala na pala kami, ang laki naman.

"Oh iho andyan ka pala. Akala ko ba-" sabi nung matanda na halata ko rin namang kasambahay nila base sa suot nitong uniporme.

" Pakidala naman po nito sa kwarto ko." sa halip sabi nya at kinuha nya yung paper bag na hawak ko na hindi ko naman napansin kanina na hawak ko pa rin pala.

Grabe ang sama talaga ng taong to. Hindi man lang ginalang yung tao.

"Tsk." ako

"What?" tanong nya ng nakakunot noo pa.

Umiling lang ako. Tapos may isa ulit kasambahay ang lumabas.

"Is the lunch ready?" tanong nito.

My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon