Althea's POVNagising ako nang may tumutugtog sa aking tenga...
Shet di ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakikinig ng music haha.
Shocks! late na pala ako ... At dahil 5 am na nang umaga, di na ako nakakain ng breakfast. Diretso ligo na ako kahit sobrang lamig ng tubig.
Nang ako ay makabihis na ay agad agad na akong pumasok kahit wala pa akong kain...
Nakita ko sa gate ng school si Jasmine...
Nagkunwari akong di ko siya nakita haha... Tinawag niya ako pero di ako lumingon na parang nag bibingi-bingihan.
"Uy Thea!...
Thea!...
Ayy isnabera na ang lola mo ngayon? ... "pabirong sabi ni jas.
Science ang first sub. namin.
Buti naman at nakumpleto ko agad ang mga requirements haha .Nagpakilala siya bilang aming guro sa science... na si
Mrs. Valera
Mapayat, maikli ang buhok, naka salamin at matangkad.. yan ang napansin ko sa kanya.
Pero parang masungit siya dahil sa tono ng pananalita niya at sa mga sina sabi niya...
"Letche!"
Hahaha nakakagulat yung pag sigaw niya with matching palo ng ruler na hawak niya sa lamesa dahil sa ingay nila.
Nasan na si Dante? bakit di ko pa siya nakikita? Papasok kaya siya?
Dan's POV
haysss... another day of my boring life.
Tinatamad na kaagad ako pumasok kahit second day pa lang...Pero di pwede eh haha masyado pang maaga para mag relax..
Pagpasok ko ay unang pumasok kaagad sa isip ko si Althea.. yiee haha.
Super crush ko talaga siya eh. Siguro dahil sa ganda at talino niya... Pero mukhang maldita dahil tahimik lang lagi siya...
Natigil ang pag iisip ko kay Althea nang makita ko ang room namin na may nagtuturo ng teacher...
"Good Morning Ma'am! Sorry I'm Late". Nilakasan ko ang loob kong sabihin ang mga katagang yun kahit na nakatingin sa akin lahat ng mga kaklase ko na parang tutunawin ako sa hiya... At isa na dun si Althea at ang kaibigan nya..
"Second day pa lang, late ka na agad? Letche!".
Lalo pa akong nahiya dahil sa sinabi ni mam...
Hmmm. Mukhang may kaaway na agad ako ah. Napakasungit naman netong teacher na to.
At nakaisip na kaagad ako ng kagaguhan. Binigyan ko ng alyas si mam na ako lang ang nakakaalam.
"Mam stickman."Sa sobrang payat niya ay akala mo nagtuturo palagi ng about sa skeletal system at ginagawa niyang model ang sarili niya hahaha. Sama ko naman. Tama na nga baka kung ano pang pumasok sa isip ko na kagaguhan at baka ikapahamak ko pa.
Lumipas ang mga oras at recess na...
Di ako kumain dahil wala akong gana. Di ko alam kung bakit.
Napansin ko rin na bakit di sumama kumain si Althea sa kaibigan niyang bumaba?
Haha. Pagkakataon ko na.
Papalapit na sana ako sa kanya nang...
Bigla siyang tumayo at naglakad palabas ng room.. Nahinto ako sa paglalakad papunta sa kanya dahil lumabas na siya at bumaba.Sayanggg!! Papakilala na sana ako eh..
Nang malapit nang matapos ang recess at nagsisipag akyatan na sila...
Narinig ko nang di sinasadya ang pag uusap nila Althea at kaibigan niya..
Napanghinaan agad ako ng loob magpakilala ng marinig ko sa pag uusap nilang dalawa na meron na pala siyang manliligaw. Justin ang pangalan nung lalaki.
Uwian naaa!!! Hayyy sa wakas natapos na naman ang isang araw ng kabagotan.
Nang palabas na ako ng gate sa school.. ay nakita ko si Althea na may kasamang lalaki at sa tingin ko yun yung manliligaw niya.
Di ko maintindihan. Bakit parang may inggit akong nararamdaman.
Parang nagseselos ata ako.
Pero bakit? di ko naman siya gf eh haha.
Bahala na si batman haha.
Nang ako ay makauwi galing sa paaralan...
Napaisip ako... Siya kaya yung manliligaw niya? Paano kung maging sila? Anong gagawin ko?
No..no...no..no di ko dapat iniisip ang mga ganyang bagay...
Gagawa na nga lang ako ng mga takdang aralin bago ako magpahinga.Inaantok na ako. Bukas ko na lang gagawin yung iba madali lang naman to eh... kala mo talaga eh no.
Hayyss makatulog na nga...
Matutulog na sana ako nang may naisip akong paraan para maging magkaibigan kami. Chat ko kaya si Althea..."Hi Althea!"
"Hello, Dante."
Syet nag reply siya haha. Di naman pala mukhang maldita to eh.
"Can we be friends po? haha."
"Oo naman. Why not? Haha."
"Go lang. haha"Lumipas ang mga araw at 'di rin nagtagal at naging magkaibigan sina Althea at Dante.
*end of Chapter 2*